Kabanata 25 Sa nangyayari sa mundo natin ngayon, edukasyon ang isa sa mga pinakamahalagang makamtam sa ating buhay dahil isa din ito sa magagamit natin upang guminhawa ang ating mga buhay at upang hindi tayo maliitin ng ibang taong nakakamit na nito. Maraming tao sa ating mundo ang hindi nakapagtapos ng pag-aaral o kaya naman hindi na talaga nakapag-aral kaya naman napakalaki ng pasasalamat ko sa aking mga magulang dahil binigyan nila ako ng pagkakataon na makapag-aral. Saludo din ako sa mga estudyanteng nagpapartime job para lang magkaroon ng pera para sa kanilang tuition fees. Sana magbago na ang takbo ng isip ng mga kabataang sinasayang lang ang pera na binabayad ng kanilang mga magulang sa paaralan at sana maisip din nila kung gaano sila kaswerte dahil mayroong nagpapaaral sa kanil

