Kabanata 24 Sampung araw na ang lumipas simula noong may nangyari muli sa amin ni Lawrence sa kanyang condo unit, at hanggang ngayon ay automatic na nag-iinit ang aking mga pisngi sa tuwing naiisip ko ang pangyayaring 'yon. Tila ba parang kahapon lang nangyari ang mainit na pagtatagpong iyon. Nandito ako ngayon sa bahay nina Andrei dahil kami ang magkapartner para sa project namin sa subject na music. Kanina pa tuwang-tuwa si Mommy Grace sa aming dalawa ni Andrei habang pinapraktis namin ang aming gagawin para sa music video. Laking pasasalamat ko na naayos na kagabi ni Andrei ang gagamitin naming music kaya naman ang iniintindi na lang namin ngayon ay ang aming mga gagawin sa mga bawat scenes. Ang aming music video ay tungkol sa tuloy na sobrang pagmamahal ng isang Kuya sa kanyang n

