Capitulo Doce

2103 Words
Dahlia's Daling ininom ko na ang pills, hindi ako pwedeng mabuntis ulit, hanggang kay Miero lang kami. Di na pwedeng madagdagan pa. Matapos ang nangyari ng isang gabi ay parang lantang gulay akong di nakatayo at nilagnat. Si Manang tuloy ang nag-alaga na muna sa bata. Si Uzman naman ay hindi makapaniwala na nilagnat ako sa isang gabi lang daw na iyon. Kung nakatayo lang talaga ako, magalit na siya at mag-away na kami pero sinapak ko na ito. Sa tindi ba naman ng ginawa niya, kahit sinabi ko na rito na ngayon lang ako nakaulit nun mula ng kaming dalawa. Hindi ko akalain na ganun kahayok ito sa gawain na ganun. Siguro ilang beses din naming inulit iyon dati kaya nabuo namin si Miero. At ngayon na mag-asawa na kami, sisiguraduhin ko na magiging maingat ako sa kanya. Di na ulit mangyayaring malandi ako nito ng ganun. Bumaba na ako ng kwarto at sigurado na naghihintay na sa akin sa sala si Miero, first day kasi nito sa Daycare niya, saling pusa lang kung baga. Gusto ko lang ma experience niya ang makahalubilo sa mga batang kaedad niya. Dito lang din naman sa loob ng village namin kaya hindi ako matatakot na baka anong mangyari. Pagkababa ko ay nadatnan ko itong nakaupo sa sofa. Patong ang isang paa sa kabila ay tahimik na nagbabasa ng children's book. Hindi naman talaga basa kasi hindi pa ito marunong pero kung tanungin ko iyan sa nangyari ay mabibigyan niya agad ng kahulugan higit sa inaakala kong sagot. Nasa tabi nito ang dede niya, na sinabi kong ubusin na niya o hindi ko ipapabasa sa kanya ang libro. Bigay iyon sa kanya ni Jorge, may ganuon rin daw kasi si Emmy. Sinabi pa nga rito na magkita daw silang dalawa sa susunod at siguradong magkakasundo sila. Ang alam ko kasi ay advance din ang batang iyon. Ito namang si Miero ay excited dahil may matalinong Ate daw siya na makikilala. "Nanay, punta nalang tayo doon kay Uncle Jorge, dalhin natin si Uncle Benille", mukhang tumutuwid na itong magsalita. Ito yata ang nakukuha niya sa kakasama sa aming matatanda kesa sa mga kaedad niya. Kaya ito talaga ang rason na kailangan ko itong ipasok sa Daycare. "Anak, di pwede ngayon ang first day mo. Sabihan ko nalang si Tatay mo at siya na bahala siguro kapag wala kang pasok", sinimangutan ako nito at mukhang nadismaya. Tumaas ang aking kilay at napahalukipkip. "Oy, oy, ano iyang nasa mukha mo, munting lalaki?", tudyo ko rito. Di uata umubra dahil napahalukipkip na rin ito. "Nanay kasi dapat di nalang ako pumasok doon" "Hindi pwede Miero sa school pwede ka matuto" "Nanay, pwede naman pero sabi ni Manang sa Daycare laro laro lang doon ayoko ng ganun gusto ko itong books punta nalang tayo kina Uncle Jorge", pinadyak pa nito ang paa at kinagat ang dede niya. "Mikhail Eros Fojas Deguangco! Di kita pinalaki ng ganyan, sa tingin mo ba, nakukuha mo lahat ng gusto mo?", pinameywangan ko ito. Nagbago ang hilatsa ng mukha nito at mukhang maiiyak na, kaya ng taasan ko ito ng kilaya ay siyang tukuyan na nitong pag-iyak. "What is happening here?", napatingin ako sa pinanggalingan ng boses, si Uzman iyon hindi nito kasama si Vernon. "Bakit umiiyak si Miero?", kinuha nito ang bata at niyakap upang patahanin. Mukha itong nag-aalala at naghihintay ng apaliwanang galing sa akin pero hindi ako nagpatinag rito. "Ibaba mo siya, tatahan rin iyan" "Why would I? Ikaw ang Nanay pero pinapaiyak mo" "Ikaw ang Tatay at kinukunsinti mo naman", sagot ko rito pabalik. "The child is crying, Dahlia" "At kaya ko siyang patahimikin pero kung parati kang papasok sa gitna ng pagdidisiplina ko sa bata ay lalaki ang ulo niyan" "So what? He's my son. He can be spoiled, since he has the right to and I can give him everything he wants, literally", at nagmalaki pa talaga siya. Nagtinginan ang dalawa ng nakangiti. Impit nalang akong napapikit at naglapat ang mga labi, pinipigil ang sariling mapa-eyeroll dito sa inis. Mag-ama nga kayong dalawa, pareho kayong matigas ang bunbunan! "Kung ganun, hindi ko hahayaang lumaki siyang spoil na kagaya mo. May Daycare siya ngayon, at kailangan niyang pumunta at malaman kung paano makisalamuha sa ibat-ibang klase ng mga bata bukod sa mga gusto niya. Kaya ibigay mo...", nilahad ko rito ang dalawang kamay, ito naman ay nagdadalalwang-isip na ibigay ang bata. "You're forcing him" "Sinasanay ko siya, magkaiba iyon. Amin na" "Okay Sarge... but I will take you there" Ito na nga ang nagdala sa amin papunta sa Daycare ng village. Nasa front seat ako at nasa aking harap si Miero dahil ayaw daw niya sa likod. Nang makarating kami doon ay marami nang mga Nanay at Tatay ang kanya-kanyang naghatid ng kanilang mga anak. "Stay, I'll open the door for you both", isinuot na muna nito ang sunglass niya bago bumaba. Nang umikot ito upang pagbuksan ako ay napansin agad ito ng mga Nanay na anduon at hindi nakatakas sa akin ang mga tingin nito lalo na nga pinagbuksan na ako ni Uzman, nakarinig pa ako ng tila tili sa mga ito. Mukhang wala lang naman iyon kay Uzman. Knowing him naman kasi, siguradong sanay na itong napapnsin ng mga kababaehan. "Tatay, karga", kinuha ni Uzman si Miero. Napakahilig takaga magpakarga ng batang ito, di pa kasi niya dama ang bigat niya pero di naman namin alintana. "Where should we go?", tanong nito. Pinagtitinginan na kami ngayon. Sino ba namang hindi, pormang-porma si Uzman sa suit nito habang ako ay simpleng blouse at box pants. Nagmukha pa akong yaya ni Miero nito. "Hello po Sir, bago po yata kayo rito at ng anak niyo", lapit sa amin ng tingin ko ay teacher nito. "Yes, his name is Miero. My wife told me it's his first day of Daycare" "Ah siya po pala si Miero? Hello", kaway ng babae, kumaway naman pabalik si Miero. "Pakisamahan nalang po siya kay yaya sa loob", biglang nagpanting ang tenga ko sa sinabi nito. Ito na nga ba at napagkakamalan na akong yaya. "Mukhang busy po kayo, pwede naman ho--" "Excuse me, Miss Teacher. Whatever they call you here", ang tono nito ay biglang nag-iba at tila pagalit na. "Funny of you to assume na siya ang yaya ng anak ko. Well Miss, she is my wife", hinila nito ako papalapit sa kanya. "You must be new here and you don't know me. So I don't appreciate it that you assume things just like that. At hindi naman yata proper decorum iyon sa isang guro na kagaya mo" "H-ho?" "I'm Uzman Deguangco and this is Miero my son and Dahlia, my wife" "D-deguangco? Itong pinakamalaki lage ang donation sa Daycare", bulong na nito halos sa huli pero rinig pa rin namin. "Nice to meet you, Miss?" "M-miss Bautista ho", nanginig bigla ang boses nito. Kinabahan pa yata sa presensya ni Uzman, dapat talaga hindi nalang ito sumama. Maayos na nagkamay kami ng teacher nito pero halatang ilang pa rin kaya ako na ang gumawa ng paraan. "Uzman, di ba may lakad ka pa. Hahanapin ka ni Vernon niyan baka may importanteng meeting. Umalis ka na, ako na ang bahala kay Miero", kinuha ko ang bata sa pagkakahawak nito. "Tatay, bye na", "Oo na, okay na ako, kaya ko na", bahagya akong napangiti rito na tila nagkumbinse sa kanya. Akala ko ay aalis na ito matapos pero hinuli nitong muli ang bewang ko at dinampian ng halik ang aking pisngi, mabilis lang iyon at hinalikan rin nito sa noo si Miero. "Be a good boy, Miero", nag-wave na ki sa bawat isa hanggang sa tuluyan na u***g umalis. "Ma'am sorry po", hinging paumanhin ng teacher. "Ayos lang, wala iyon. Pagpasensyahan niyo na rin po sana ang asawa ko" "Ang sweet niyo naman ho Ma'am ang cute ng baby ninyo at asawa niyo pa si Sir", isang tango lang ang sagot ko rito saka kami mapasok na sa loob. Uzman's "I'm visiting Miero today. I know nasa trabaho ka so don't worry I will be civil with Dahlia"- Mother So bumalik na naman pala ng bansa ang Mom. Nagreply lang ako ng maikling sagot rito bago ibinaba ang phone at bumalik na sa mga kaharap kong papeles ng kumatok si Vernon at pumasok. "Sir, limang beses na sa araw na ito tumawag ang opisina ng lolo ninyo", napatigil akong sandali at bumalik din sa ginagawa. "I already told you; no", sagot ko habang binubuklat ang mga papeles. "But his secretary called in Sir. Sa ayaw at sa gusto ninyo bibisita daw ho ngayon ang chairman" Padabog kong binitawan ang hawak na fountain pen at tiningala ito sabay patong nga aking baba sa aking mga kamay. Wanting him to see the message with my glares. "Naiintindihan ko po Sir. I will send the message to them now", inayos nito ang glasses at umalis na. I continued with my work pero hindi na maalis sa isip ko ang ideya na alam na ng Lolo ang tungkol kina Dahlia at Miero. Not a surprise knowing how privy he is with my private life. "Sir!...", aligagang pumasok na lamang bigla si Vernon. "What is it now, Vernon?" "Sir... papunta na ho siya rito. Nasa baba na ho siya. Chairman Deguangco is on his way here" I sat firm at the back of my chair at mahigpit na nikuyom ang aking mga kamao. "So... anong ginagawa mo? Tell Vina to make him the best coffee we have. I will talk to him", tumango lang ito at lumabas na. Bumalik na ako sa ginagawa hanggamg sa makarinig ako ng mga oagbati sa labas ng opisina ko. Hanggang sa tuluyan iyong binuksan at iniluwa nito si Fernando Deguangco, my Grandfather hawak ang kanyang tungkod. For a seventy year old he still has the domineering look kahit na maliit itong tao. Tumayo ako at naupo sa harap ng desk ko. "How are you Grandfather? Have a sit", turo ko sa receiving area ng office ko, naupo naman ito. Ang kanyang tungkod ay nasa harap nito. "Wala ka bang sasabihin sa akin?" "Wala naman" "Are you planning on hiding them? Because I'm telling you now; alam ko na" "So? Would it bother me and this company?", napa-cross arm ako. I can sense anger in his glares. Typical Fernando, wala nang bago. "You had a child and married the woman just recently" "I am an adult capable enough in making my own decisions. Di ko kailangan ng consent niyo para gawin ang mga bagay-bagay" "And you say that you trust no one. And here it is... nagkaanak ka lang sa babaeng iyon ay nagpakasal ka na agad" "Kung ang kompanya ang inaalala mo; may pre-nup kami; but this should be the least of your concern", I lied about the prenup. "It is my concern. Future ito--" "My future... and now my son. And I have the right judgement, enough para pakasalan ko ang asawa ko. So I don't think it would be of your best interest na paghinalaan siya ng kung ano-ano", "I am just protecting you from commiting an--", yamot akong natayo. "Dapat naging masaya nalang kayo; I ate and spat my words when I untintentionally trusted a woman and impregnated her years ago", diin ko sa salitang trusted. Dahil alam kong ibabalik na naman nito ang nangyari sa nakaraan. Where I was young and dumb. "Wala ka pa rin respeto sa akin, Uzman", I scoffed at him. "Funny how you demand respect when you can't even give that to your own child", I made a face, iyong nangungutya. "Hindi mo pa rin nakakalimutan ang nangyari", nag-igtingn ang aking panga sa galit. Para pala dito ay kalimot-limot ang nangyari sa aking Ama. Sa puntong ito I burst my anger. "I was young and without a Father ng dahil sayo. Lumaki akong hawak mo sa leeg gaya niya and now that I'm logical enough to talk back di mo kinakaya?", "Mikhail Uzman!", malakas na hampas nito sa tungkod niya. Tinalikuran ko na ito at naharap sa labas ng building. "Please go, wala na tayong pag-uusapan pa" "You're still that stubborn kid years ago..", hindi ako sumagot. "I will see my Grandson and you will not hide him from me", hindi pa rin ako sumagot hanggang sa ito na ang nagkusang lumabas ng aking opisina. Nang marinig kong nagsarado na ang pinto ay mabilis kong nahigit ang aking hininga at niluwagan ang aking tie. Binuksan ang ibabang drawer at hinanap ang anxiety meds ko. Nanginginig ay ininom ko iyon at bagsak na naupo sa gilid ng desk. Nahihirapang huminga, pilit pinapakalma ang sarili. I am now sweating bullets.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD