Dahlia's
Mahigpit ang aking pagkakahawak sa aking shoulder bag, kagat ang ibabang labi di ko mapigilang hindi kabahan. Nasa loob lang naman ako ng bahay ni uzman, sa front yard nito. Sinabihan na ako ng mayordoma ng bahay na pumasok sa loob pero hindi ko magawa at ito ay nakatayo lang ako doon, kinokolekta ang sarili upang maibsan ang kaba.
Kailangan kong kumalma, hindi magandang ganito ako sa harap nito. Andito na ako, wala nang panahon upang unatras pa. At kailangan ko rin naman ngayon ng trabaho.
"Three months, Dahlia three months lang naman. Kaya mo iyan", itinaas ko ang dalawang kamay na nakakamao, pinapagaan ang sarili iniunat ko pa iyon.
"Bakit hindi ka pumasok?", biglang sabi ng nasa aking likuran.
"Ay teteng laylay!", gulat kong lingon dito. Mabilis kong tinakpan ang bibig.
"Excuse me?", pinanlakihan ako nito ng mata.
"Pasensya na ho, Mr. Deguangco. Nagulat lang ho ako sa inyo"
Napailing na lang ito at nainom sa dala nitong tumbler. Naka jogger pants and plain white shirt ito, nakabitin sa leeg ang isang cotton towel at may airpod sa kanyang tenga. Pawisan ito na halatang galing sa kanyang morning exercise.
Habang uhaw na umiinom ay di ko mapigilan dumako ang aking mga mata sa bawat galaw ng adams apple nito, sabay pa ang tumutulong tubig sa gilid ng bibig na sumsabay sa pawisang katawan nito. Ibinaling ko ang ulo sa ibang dako. Bigla ko tuloy iyon naalala.
Pwede ba Dahlia, ang aga-aga umayos ka!
"I'll be changing for a bit. Pumasok ka at maupo. We will talk about your contract", sabi nito sabay pasok na sa loob kung saan sumunod na rin ako.
Napakaganda na ng labas ng tahanan nito pero mas may igaganda pa pala ang loob. Sinalubong agad ako ng malaking chandelier. At ang buong vibe ng bahay na wythe blue, tumitingkad ang buong kabahayan dahil na rin sa glass windows nito. Kanina pa ako nalulula sa ganda ng kabahayan. Di ko akalaing isang lalaking kagaya ni Uzman ang may ari niyon.
Kanina pa pala ako paikot-ikot sa kabahayan ng may biglang humawak sa aking mga braso galing sa aking likuran, napatigil ako.
"Are you done admiring my home? Don't worry, I get that a lot", may kasama itong napakalaking puting aso na tinahulan ako.
Mabilis akong lumayo rito, hinanap ang sofa at naupo na doon at inayos ang suot kong hanggang tuhod na saya. Lumapit pa sa akin iyong aso at inamoy ako, tuwang ni-pet ko ito, napakagandang aso.
"Kovo... his name is Kovo", paliwanag ni Uzman.
"Kovo, magandang pangalan para sa magandang aso... Ah, pasensya na ho at nag-ikot ako. Maganda po kasi talaga ang bahay ninyo",
Suot na nito ngayon ay kaswal na damit. Saturday morning nga naman, siguro ay sa bahay lang siya. Kalaunan ay naupo na rin ito sa aking harapan. Kinuha ang isang brown envelope na anduon at binuksan iyon. Binuklat muna nito lahat ng pahina bago tumayo at inilagay sa harap ko ang tingin ko ay kontrata.
"This will be your contract. Basahin mo, sign it after"
Kinuha o naman ang kontrata. Hindi naman iyon gaano kahaba at sa tingin ko ay ginawa rin nito iyon ng mas naiintindihan ko. Kaya hindi pa umabot ng isang oras ay nabasa ko na ang lahat ng laman niyon, at may mga nais akong idagdag.
"Pwede ba akong magdagdag sa kontrata?"
"For what?"
"Kailangan kong sumunod ka rin sa mga nais kong gawin. Pinili mo ako upang ibalik ang sigla ng kalusugan mo. Ayokong maging kagaya ng mga nauna mong mga chef at dietician. Gusto kong maging epektibo kaya dapat, sumunod ka rin sa mga nais ko. Dapat two way street ito, dahil kung magmamatigas ka wala rin mangyayari"
"Ikaw lang ang tanging, nag demand ng ganyan. What? you're going to make me eat things I dont like? I didn't even bother sa mga nauna, what makes you think pipilitin ko dahil sinabi mo?"
"Dahil di ako kagaya nila. I'm a rare jewel to you, dahil pareho kami ng luto ng Grandma mo at sa tingin ko sapat na iyong dahilan para sundin mo rin ako"
Ang lalaking ito, sanay siyang siya ang nasusunod at kailangang makibagay ang ibang tao sa kanya kaya hindi gumana ang mga nakaraang chef at dietician niya. Hinahayaan nila ang spoiled brat na ito, but not me.
At alam kong kahit anong mangyari ay kailangan ko pa rin naman permahan ang kasunduang ito. Mas mabuti nang iayon ko rin ito sa nais ko.
"Okay then, isulat mo diyan kong anong gusto mong alisin at kung aning gudto mong idagdag. I'll look into it and give you the finished and final contract", dismayado nitong sabi pero ningitian ko lang siya at sinulat na nga ang mga nais kong idagdag at ibago.
Di rin nagtagal ay natapos ako. Kinuha nito ang kontrata at tinawagan ang attorney niya. Napatingin-tingin pa rin ako sa kabahayan. Asaan laya ang kusina nito? Tanong ko sa likod ng aking isip.
"Cook for me, will you?", biglang alok nito sa akin.
"Ha?"
"My friends are coming. Wala akong chef ngayon dahil ikaw naman na ang papalit sa kanya. But since you haven't sign the papers. I'll pay you for today's service so cook for me"
Napakagat labi ako, may choice ba ako? At pera na rin ito.
"Sige. Asaan ang kusina mo?"
Tinawag nito ang mayordoma niya at dinala naman ako nito papunta sa kusina kung saan naging pamilyar ako sa kabuuan niyon para mas maging madali sa susunod.
"May gusto ba kayong kainin?", tanong ko kay Uzman.
"Nachos and fries, pizza, buffalo wings",
"Fast food? Sana nag order nalang ho kayo"
Naupo ito sa long chair ng island counter at napalumbaba na inarko ang ulo na nakatingin sa akin.
"Tinanong mo ako, sinagot kita"
"Okay sige ho. Gagawin ko na"
Itinabi ko na muna ang aking bag. At hinanap ang apron na agad ko naman nakita. Itinatali ko na rin ang aking buhok upang hindi ito maging sagabal sa gagawin. Pansin kong habang ginagawa ko iyon ay nakatingin lang sa akin si uzman.
"May kailangan pa ho kayo?", inaayos ang buhok kong tanong rito.
"No...", maikling sabi nit, napakurap pa sabay talikod at umalis na.
Ano yun?
Nagsimula naman na ako sa paghahanda, tinulungan lang din ako ni manang sa kusina dahil hindi ko pa gamay ang mga nasa loob. Mahigit isang oras din bago ako natapos na pagluluto ng request ni Uzman. Imbes na tortilla chips ay fried kangkong iyon na same dip pa rin ng nachos pero low carb ang ilang ingredient at ang pizza naman nila ang aunthic thin crust margherita pizza lang at lemon pepper wings. It's not that healthy, pero kasama nito ang mga kaibigan niya at least we can start with this.
Nang matapos ako ay inihanda ko na sa isang tray ang mga pagkain. Ang bilin sa akin ni Manang ay dalhin ko daw iyong pagkain sa man cave ni Uzman. Papunta na ako doon, nasa may corridor ako ng makarinig ako ng boses ng babae at tila may nagtatalo. Narating ko ang dulo ng corridor nakabukas. Iyon yata ang man cave, at doon din nanggaling iyong boses. Mabigat na ang dala kong tray kaya pumasok na ako, ilalapag ko lang ito doon at aalis na dahil mukhang may kausap si Uzman.
Pagkapasok ko ay isang matinis na tunog ng mag-asawang sampal ang ginawad ng babae kay Uzman. Bumaling ang mukha nito dahilan para makita niya ako.
"I'm talking to you, Uzman. Look at me!", sigaw ng babae pero hindi nito iyon pinansin.
"Place it in the side, Dahlia", turo nito sa maliit na mesang nasa gilid. Tumango lang ako at ilalagay na sana ito doon ng sumigaw muli ang babae.
"Sino ka? Are you his new girl?"
"Ivy, pwede ba"
"I'm not Ivy, I'm Mica you prick!", sinampal na naman nitong muli si Uzman, napasinghap ako sa gulat.
Napatingin sa gawi ko ang babae at palapit na sa akin at akmang itutulak sana ang tray pero mabilis kong nailag iyon.
"Miss, hindi naman yata makatarungan ang pagbuntungan ninyo ng galit ang mga pagkaing dala ko, grasya pa rin ito. At hindi ho ako new girl ni Mr. Deguangco. Cook lang ho ako dito", pagapapaliwanag ko sa kanya.
"I don't care!", sa itsura nitong galit na galit ay mukhang wala itong planong makinig sa akin at imbes ay sinubukan muling hawiin ang tray pero nailag ko muli iyon. Nawalan ito ng buwelo at nadapa ng kusa.
"Aaw no, my acrylic nails. Kakagawa lang nito. You b***h!",
"Tumigil na ho kayo. Wag ang pagkain ko kundi ay papatulan ko na talaga kayo", mahinahon kong paliwanag.
Walang ginawa si Uzman, ni hindi nito tinulungan ang babae na iritang tumayo nalang mag-isa.
"It's your lose, you *sshole!", tumayo ito sa pagkakadapa at mabilis na lumabas na ng silid.
Napabuga nalang ako ng hangin, hawak pa rin ang tray ng biglang may pumalakpak sa kung saan.
"Now that was a scene. This girl can fight, Uzman!", wika ng lalaking may hithit na sigarilyong pula. May kasama rin itong lalaki.
"She definitely does. Let me help you with that", sabi naman ng isa na naka leather jacket at tinulungan ako sa dala kong tray, nakita ko ang malaking peklat nito sa kamay niya.
"Donovan please, no smoking here at Jorge, pakilagay iyan dito"
Ito yata ang mga kaibigan ni Uzman. Di ko man lang namalayan na anduon na pala ang mga ito. Mukhang kakarating lang nila at saktong natunghayan ang pangyayari.
Lumapit sa akin ang lalaking tinawag ni Uzman na Donovan, pinaningkitan ako ng mata na para bang pilit akong inaalala.
"Do I know you? You seem familiar?"
"Ho?"
"Hindi siguro ikaw iyon. Anyway...",
Naglakad na ito papalapit sa mga kaibigan.
Parang pamilyar nga ang lalaki sa akin. Saan ko ba ito nakita?
"I think, Akari is pregnant again"
"Is she?"
"Tingin niya ay triplets naman ngayon. Delusional malala"
Akari?
Tiningnan ko muli ang lalaki at doon ko naalala. Oo nga, siya iyon, ang asawa ni Ma'am Akari kung saan ako nagtatrabaho noon.
"May kambal na kayo, Don. Makuntento ka naman", puna nung Jorge.
"Ang liit na babae ni Akari, three is too much", sabi naman ni Uzman.
"Pwede ba, eh sa gusto ko ang big family eh paki niyo"
"I don't want more actually. I saw how Jacintha suffered from that home video while giving birth to Emmy. I don't want her to suffer again", inismiran nang Donovan iyong Jorge at nagsagutan sa inis ang dalawa.
"Edi ikaw magbuntis, labas mo sa puwet"
"Tangina mo"
"Tangina mo rin, mahirap naman talaga umere but we can be there as support",
"Whatever to the both of you", kalmang nakasandal lang sa sofa si Uzman habang patuloy sa iringan ang mga kaibigan niya.
Iyon na ang huli kong narinig sa usapan nito at umalis na ako doon. Hindi na ako nakapagpaalam at mukhang nagka-catch up pa lang ang mga ito, daig kasi ang mga babae sa bunganga eh.
Nang pabalik na ako ay saka ko lang napansin ang malaking pool sa gilid. Patingin-tingin lang ako sa bahay, napakagara. Kung makabasag ako dito siguradong pang-isang taon na sweldo ang mawawala ko.
Pabalik na sana ako ng sinalubong ako ni Manang, dala nito ang shoulder bag ko na naiwan sa kusina.
"Kanina pa ho nagri-ring ang cellphone ninyo, Miss",
"Ah ganun ba, akin na ho", kinuha ko ang bag at nilabas ang cellphone doon. Si Tiya Nympha, nakalimanag missed calls na ito.
Ni-dial ko ang number niya at ako na mismo ang tumawag na agad naman niyang sinagot.
"Ti--"
"Kailan ka ba magpapadala, Dahlia?"
"Ho? Kakapadala ko lang ho nitong nakaraan ah",
Inutang ko na nga lang iyong pera na ipinadala ko, sinabi kong tipirin na muna pero ito at tunatawag na naman ito.
"Bakit? Sa tingin mo malaking halaga ang sampung libo sa panahon ngayon? Punan mo, magpadala ka bukas"
"Tiya, magsisimula pa lang ho ako sa trabaho ko"
"Ay gawan mo ng paraan!"
"Sige po, pero pwede ho bang makausap-- ah", di ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang binabaan na ako nito ng tawag.
Lagi na lang ganuon si Tiya Nympha tumatawag lang kung kailangan ng pera. Ngayon maghahanap pa ako uli ng pera na maibibigay rito.
Nagotunta nalang ako sa messenger ng cellphone ko at nagvoice message kay Meiro.
"Hi Meiro ko, pasensya na hindi ako makakapunta sayo. Di bale sa susunod babawi ako, I love you, Meiro ko, mwah!", isang matunog na halik ang ibinigay ko sa kabilang linya at ibinalik na ang cellphone sa bag ng biglang may nagsalita.
"Why did you leave without telling me?", isang nakabusangot na Uzman ang nagsalita. Nakatingin ito sa hawak kong cellphone.
"Ah! ginulat niyo naman ho ako, Sir", mabuti nalang at wala akong bastos na nasabi. Bakit ba kasi lage itong nambibigla?"
"Mukhang nagkasiyahan na ho kasi kayo kaya nag-exit na lang ho muna ako"
"Don't leave yet..."
"Ah opo, andito lang naman ho ako"
"Good...", aalis na sana ito ng nilaksan ko ang aking loob na hinuli ang kamay nito ng dalawa kong kamay. Bumagsak doon ang tingin niya patungo sa akin.
"What is it?"
"Kasi ho... Pwede ko na ho ba makuha ngayon ang bayad niyo sa akin? Kailangan ko ho talaga kasi"
"Okay then, matapos kami ng mga kaibigan ko. I'll get back to you"
Binitawan ko na ito, at nakangiting nag bow sa kanya.
"Thank you ho, Sir!"
Di ko na mabilang kong ilang oras na ang lumipas, sa kakahintay ko na matapos sina Uzman at ang mga kaibigan nito at nakaidlip na ako sa island counter ng kusina at nang magising ay nasa harap ko na si Uzman, nilalaro ng malaking baso na may lamang wine.
Dali kong pinahid ang aking bibig at may namuo pang laway doon at ningitian si Uzman na kanina pa yata naghihintay na magising ako.
"Naghintay ho ba kayo? Sana ginising niyo na lang ho ako"
"It's fine. Here...", inabot nito ang isang sobre na aking kinuha.
"Salamat ho Sir. Wala na ho ba kayong ipag-uutos?"
"None, but about kanina, si Becky", namali na naman ito sa pangalan. Andami siguro nitong babae para mamali pa ng ilang ulit.
"Wag ho kayong mag-alala. Andito ako para magluto at ibalik ang sigla ng katawan ninyo at hindi ang panghimasukan ang pribado ninyong buhay", nakangiti kong sabi. Umayos naman ito ng upo at napahalukipkip.
"Good, a worker who knows her place. You will do well..."
"Kung ganun ay maaari na ho ba akong umalis?", tumango lang ito sabay simsim ng wine niya.
Wala na akong inaksayang oras pa at umalis na sa pamamahay nito. Nakahinga naman ako ng maluwag, di naman pala ganun kalala, kung ano-anong naiisip ko.
Nakalabas na ako ng gates at muling nilingon ang tahanan ni Uzman. Hindi magiging madali ang buhay ko rito pero kailangan kong tiisin. At least hanggang sa panahong maging maayos ang kalusugan niya, at matapos ang kontrata ay aalis at aalis ako dahil hindi magiging maganda para sa akin ang manatiling kasakasama siya.