Uzman's
"I'm not eating that", may diin sa aking boses, puno ng pagtutol.
"Bakit? Ang bango kaya, masarap iyan", inunat nito ang leeg at inamoy ang pagkain na niluto nito para sa akin.
I look at it with disgust. Sa harap ko lang naman ay isang putahe. I don't know what is it or is it even really edible ir she is testing me. It looks orange and mushy, oo at mabango ito but not appetizing enough para kainin ko.
"It's mushy, Dahlia"
"Hindi naman ho mushy iyan, sauce lang ho at ganyan ho talaga kapag malambot na talaga ang karne, subukan niyo"
"It's just ten in the morning and you will give me this as a breakfast?"
"Ten thirty na ho Sir, basically brunch na ho ito. At kanina, nakita ko kayong kumain ng ice cream at nagkape. Is that even considered breakfast kesa dito?"
I paused and somehow held my breath. This woman, kung ang mga nakaraang nagluluto sa akin ay natataranta kapag hindi ko gusto ang luto nila, ito ay nakikipagsagutan pa. She's proving her point at nakita pa talaga ako nitong nag ice cream at coffee, damn it.
"Sige na ho. Hindi ako aalis dito kapag hindi kayo kumain"
"Is that a threat? Are you for real?"
"Hm, hindi naman ho pero andito ako para makakain kayo ng maayos at iyon ang nasa contract. Two way tayo, Sir"
I can't win over this girl. Sa ilang linggo siyang narito, minsan napapaisip ako kung tama ang naging desisyon kong kunin siya. Her meals are getting bolder by the day. Sa susunod di na siguro ako mabibigla kung isang luto ng sawa na ang kakainin ko.
"Okay, Sarge! I'll eat it", wika ko hudyat ng pagtatapos ng kanina pa naming argumento.
I can't believe I'm eating this, but I will be. Kinuha ko na ang fork and knife and cut right into the meat at ipinasok iyon sa aking bibig at ninguya for the life of me, chew it slowly and to my surprise masarap iyon. Napatingin ako kay Dahlia na nakangiting tinango lang ako, I started eating hanggang sa ubos ang laman ng plato. Uminom sa basong tubig and wipe my face as I look at her undoubting face.
"Masarap ho, di ba? Pressure cooked ho kasi iyang karne ng kambing kaya ang lambot", pagpapaliwanag nito sa akin na dahilan upang takasan ako ng kaluluwa, not really but did she just said... that?
"Ano? W-what meat was that. The meat that I just ate?"
"Kambing!", she said with a glint of amusement sa mga mata nito.
Biglang tila nais kong maduwal. For f***s sake, ni hindi nga ako makakain ng isda, pero ito at pinakain sa akin ay kambing?!
Galit akong napatayo, ni-compose ang sarili. Ganun din ito na mukhang nalilito kung bakit.
I know she is just doing her job at masarap naman kasi talaga but... f*****g sheep? no, a goat? agh! This woman!
"I- I have to g-go", pinipigil ang galit kong sabi nalang rito at aalis na sana ng hinuki nito ang kamay ko.
"Teka lang ho, may dumi sa may necktie ninyo", sabi nito sabay na kinuha ang napkin na nasa mesa ay siya na mismo ang nagpahid iyon.
She was doing it slowly, like she is making sure the dirt won't smudge and I let her. Hindi namamalayang nakatitig na pala ako rito. She has long lashes for a girl and it doesn't seem fake at all. She has a mole on the side of her nose na makikita mo lang sa malapitan at nang itaas nito ang tingin sa akin her hooded, chinita like eyes widened and settled on me, passing through her glasses lens as her smile slowly builds forming a small dimple on her left cheek. Naiwan akong nakatingin sa kabuuan ng mukha nito, she has features that you can only see up close and its... rare.
"Ayan wala na ho". Ibaba na sana nito ang kamay na may hawak ng napkin ng hulihin ko iyon. I took her glasses away at dinantay iyon sa ulo niya. She squinted a bit.
Naniningkit ang aking mga matang nagsalita while she still looks confuse.
"You look familiar..."
Umawang ang mga labi nito sa aking sinabi at mabilis na inalis ang kamay sa aking pagkakahawak at ibinalika ang glasses niya na siyang nagbalik naman agad sa akin sa realidad.
"Ay nako ho Sir, basic kasi itong itsura ko", inayos nito ang glasses niya habang nililigpit ang pinagkainan. Matagal bago nito ako muling hinarap sabay turo sa orasan na nasa likod ko.
"Eleven na ho, di pa ho ba kayo pupunta sa mall. Doon ang schedule niyo ngayon hindi ba? Pack nalang natin itong lunch niyo"
I squinted my eyes trying to let go of the thought. There was no memory of her and me. Siguro nga ay napagkamalan ko lang ito. But she seems defensive; had we really met before?
I shook my head and didn't made a big deal out of it at umalis na. As usual, naghihintay si Vernon sa sasakyan, at tabi ko ang pink nitong lunchbox na hinanda. I'm not eating that!
Pinagbuksan ako at nagtungo na kami sa mall, for checking. Paminsan-minsan kasi ay ginagawa ko iyon personally. Pero habang papunta doon ay hindi maalis sa isip ko ang nangyari kanina. How Dahlia seems familiar.
"Vernon, did you check Dahlia's resume?"
"Dahlia? Ang utos niyo ho ay kung may degree ba siya. I told you that she almost graduated BS in Nutrition and Dietetics"
"I know, okay fine. Forget about what I said"
I know all the document details about her but something seems off and I can't point a finger on it.
"No, actually, give me some background informations about her... even personal one's", utos ko kay Vernon. Siguro naman, a minor information about her won't hurt.
Sa grabe ng traffic ay matagal bago kami nakapunta sa mall. Nang nakarating kami doon ay sa likod na kami, dumaan iyong walang masyadong tao. Sisilipin ko lang naman, since I planned to sell this, because I was planning to live in Italy for good pero may parte pa rin sa akin ang tila pumipigil, for I build all that I have here in the Philippines, if only something worthwhile would make me stay.
Nasa loob na kami ng mall at patungo na sa second floor ng may biglang humawak ng kamay ko. It's fluff and warm at ng aking tingnan ay kamay ng isang batang lalaki. It's a chubby kid, may dala itong bagpack ng isang cartoon character. Suminghot pa ito at pinahid ang ilong niya, and then looked at me then smile, revealing his lost two front teeth. Sa taba ng pisngi nito ay namula iyon at naningkit ang mga mata. Nagkatinginan kami ni Vernon, both confuse.
Tinanggal ko ang kamay sa pagkakahawak rito, biglang nagbago ang ekspresyon nito na kanina ay natutuwa sa ngayong naiiyak.
What is a kid doing here alone? Inalis ko ang kamay sa pagkakahawak nito.
"Asaan ang Mommy mo bata?", tanong ko rito.
Hindi ito sumagot at imbes ay binuksan ang bag nito na nasa likod at inabot ang isang papel na kinuha pa yata sa isang magazine na tinupi ng dalawang beses.
"Hinahanap ko po, si Tatay ko...",
Binuksan ko ang inabot nito at laking gulat ko ng makita ang litrato ni Keanu Reeves.
Napapikit ako sa nakita at binalingan si Vernon, sumenyas na tingnan nito ang hawak ko ay napakagat nalang ito sa ibabang labi, at nagpipigil ng tawa sabay balik sa akin ng papel ng hulihin na naman ng batang lalaki ang kamay ko at mahigpit iyong hinawakan at hinila ako kung saan.
"Bili mo ko ganun!", turo nito sa potato corner at iyong Tera size pa talaga ang gusto nito.
"Hey kid, your Mom should be the one--aah!", napadaing na ako ng sa bandang puwetan ko na ang hinila nito ngayon. Pinagtinginan na tuloy kami ng mga tao at lihim na napapangisi.
Si Vernon naman ay nasa gilid lang at nakamasid. Nagsisinyasan na kaming dalawa, di alam ang gagawin sa batang kanina pa hilahila ang pants ko, na sa lakas nito ay mapupunit pa yata.
"Bili mo ko! Bili na!", pagpupumilit nito. Kinausap ito ng tindera.
"Cute mo naman. Ang cute po ng anak ninyo Sir", baling nito sa akin.
"Excuse me Miss but no. Hindi ko anak ito"
"Ah, sorry Sir. Medyo...", nimuwestra pa nito ang kamay nito sa proportion ng katawan ko at sa bata.
I glared at her. Is she saying we both have big proportions? The audacity.
"Miss, pwede ba pakibigyan nalang ito ng fries?", turo ko sa bata.
"Hindi naman yata ito question and answer di ba? Give him the biggest one! Biggest!", medyo lumakas ang boses ko sa huli.
"And beverage to go with that"
"Anong beverage ho Sir?"
"Anything!"
Tinango na lang ako nito ng may takot sa mga mata.
I heaved out a deep sigh. At napahawak sa sentido ko ng mapansing hawak pa rin ng bata ang pants ko. Kaya kinuha ko ang kamay nito paalis sa akin. At hinawakan na lang iyon bago kung saan-saan na naman iyon mapunta. This boy has no chill! Kaya ayoko mag-anak eh!
"Kid, anong pangalan mo?", tapik ko sa balikat nito.
"Ewos"
"Ano? Sabihin mo ng maayos. Di kita ibibili ng fries"
"Mikel Ewos"
Dismayang nagtinginan kami ni Vernon
"Vernon, call the security. Siguradong may naghahanap na sa batang ito. Just, just tell them he calls himself that name"
"Okay, Sir...",
I greeted my teeth in annoyance. Kanina pa nito dapat pinuntahan ang security pero hinintay la takaga ako nitong sabihin sa kanya. For all I know he is enjoying the show!
"Salamat, Ateng maganda!", ngiting tagumpay nitong kinuha ang fries at muling hinuli ang kamay ko na niyakag nito paupo sa isang tabi.
Hinayaan ko lang itong kumain doon at napahalukipkip nalang. Ang tagal naman ni Vernon!
"Uncle na mapagbigay. Kilala niyo ho Tatay?",
"What?"
"Iyon picture akin"
Kinuha ko sa aking bulsa ang magazine picture na sinasabi nito at ibinigay sa kanya.
"This? Kid, hate to burst your bubble but this man... I doubt he is your Father"
Ito talaga ang problema. Lumaki ang batang ito ng walang ama dahil sa mga walang kwentang lalaki na kung saan-saan lang ipinapasok ang kanila at di alam ang tunay na responsibilidad. I petty this child. Siguro ay anak ito ng isang teenage Mom, sino ba naman kasi ang matinong Ina ang magbibigay ng picture ni Keanu Reeves na tinuklap sa isang magazine.
"Gulo niyo usap. Di ko kayo intindi, no English bata po ako",
I scoffed at him and found myself smiling.
"Sabi ko, hindi ko kilala iyang Tatay mo"
"Pareho kayo damit eh"
"Kid, pwedeng pareho kami ng damit pero hindi ko kilala ang Tatay mo. Maybe he's in hollywood, find him there", pabuling kong sabi sa huli.
"Ei! Hirap hanap ni Tatay ko", nilantakan nitong muli ang frues niya.
"Asaan ba ang Nanay mo?"
"Work po"
"Sinong kasama mo rito?"
"Ate ko"
"Kung ganun asaan siya?"
"Play play"
My forehead knotted, he must be four or five. Nakakapagsalita nga pero di pa rin talaga maka-usap ng matino.
Tiningnan ko ang relo ko, half past twelve na. Kalahating oras na ang lumipas pero wala pa rin si Vernon.
"Gusto mo po fries. Wag ito cheese, ito red sayo", alok nito sa akin sabay abot ng bucket of fries niya.
"No, thank you", inusog ko iyon pabalik sa kanya.
"Abot mo iyon drink ko po", utos pa nito sa akin.
Mabuti na lang at ako ang nakakita sa batang ito, he seems like he trust anybody who dress like Keanu at who would give him fries. Kung sino mang nanay nito napakapabaya niya.
"Eros!"
Isang malakas na boses ang aming narinig galing sa dalagang babae nakasuot pa ito ng school uniform niya, papalapit sa amin. Kasunod nito ang ilang security at si vernon. Nang makita nito ang batang lalaki ay agad itong napaluhod at niyakap siya.
"Eros, saan ka ba nagpunta?"
"Ate Michelle, fries sarap", alok nito sa dalagang babae na alalang-alala rito.
Tumayo na ako ng mapansin ako ng babae.
"Salamat ho, at pasensya na kay Eros"
"Are you the sibling?"
"Ho, ah hindi ho Tita niya ho ako"
"Well, at least you're not the Mother"
Muli kong tiningnan ang batang lalaki, this chubby kid who doesn't feel scared when he was lost and instead drag a stranger to buy him food is named Eros.
"Babayaran ko nalang ho itong kinain niya", sabi pa ng Michelle.
"No, its nothing. Umuwi na kayo at wag mo na ulit hayaang mawala sa paningin mo ang isang bata. Lucky you ako ang nakakita sa kanya, danger is everywhere"
"Pasensya na ho talaga at salamat ho talaga, Sir", naluluha na nitong wika habang hawak-hawak sa tabi niya iyong Eros na oblivious pa rin sa nangyayari at kumakain lang.
Tumalikod na ako at naglakad na papalayo ng maramdaman ko na namang may humawak sa aking kamay.
"Thank you po, Mamang bait!", he smile with his face smothered with powder flavoring with his incomplete teeth exposed and I can't help but smile at him too.
"You are welcome, Eros"