Capitulo Cinco

2058 Words
Dahlia's "Basta! Pumayag ka lang akong bahala sayo; sure ang datung doon!" Sabay ng pagsasampay ng mga damit ay nakikinig lang ako kay Ashley na nagmamanicure ng paa niya. Inaalok kasi ako nito ng raket sa weekends, kulang daw kasi sila ng isa pang babaeng papayag at naalala niya ako. Malaki ang offer kaya naiingganyao rin ako at isa pa ay kasama ko naman doon si Ashley. "Mag shave ka mamaya", turo niya sa doon ko gamit ang nail file. "Ha? Kailangan pa ba?", napahawak naman akong bahagya doon. "Duh? Mag-e-entertain ka ng mga guess doon. Syempre naman dapat makinis ka!" "Hindi naman yata para sa akin yan. Hindi naman ako sexy na kagaya mo" Umarko ang ulo nito at nawang ang bibig sabay taas ng isang kilay. Nakatingin ng maloko sa akin. "Bulag ka ba, Dahlia? Thirty-eight, twenty six at thirty eight iyang proportion mo. Tangna, ang sexy mo kaya, malaman ka lang oo, pero maayusan ka ang ganda mo kaya ang puti mo pa" Dumako amg tingin ko sa katawan ko. Kailanman ay hindi ako naging confident doon, lalo na sa braso ko. Kaya panay balot talaga ako, itong si Ashyley lang ang aksidenteng nakakita ng katawan ko sabay sabing bakit ko daw iyon tinatago. Ayoko lang kasi talaga, may mga babaeng magaganda tingnan kapag lantad ang magaganda nilang kurba pero hindi sa akin ang ganun, wala akong ganuong confident. "Sinasabi ko sayo, pumayag ka na. Minsan lang naman, wag mo na ulitin kung di mo magustuhan. Pero di ba sabi mo ay nag-iipon ka, maganda rin itong sideline para mas mapadali ang pag-iipon mo" Totoo naman, gusto ko na talagang makaipon. Iyong sapat upang makabili ako ng kahit na maliit na bahay. Ayoko nang umasa sa Auntie Nympha dahil di ako nakakaipon dahil sa panay nuttong hingi sa akin. "Kailan ba?" "Mamaya iyong party, apat na oras tayo doon hanggang madaling araw. Five digits, wala pa iyan sa pwedeng ibigay ng client kapag nagustuhan ang ka" "Safe ba talaga iyan?", paniniguro ko. Inikutan ako nito ng mata at kinuha ang hanger na anduon sabay tapik sa puwetan ko. "Ano ka ba, Dahlia! Ito ang trabaho ko. Nakita mo ba akong napahamak? Wag kang mag-alala safe na safe tayo dito. Basta at ngumiti ka lang, kikita ka na!" ~~ Inaayos ang mga prutas sa fruit basket ay iniisip ko pa rin ang offer sa akin ni Ashley. Ngayong gabi na kasi iyon, pero nagdalawang-isip pa rin ako pero may karapatan pa ba ako? Kailangan ko kasi talaga ng pera. Mas magiging madali ang pagbubukod ko. Isang malalim na buntong-hininga ang aking kinawala ng isang tunog galing sa tingin ko ay camera. Iniangat ko ang aking tingin at nakita kong sino ang nasa aking harap. Isang lalaki, magulo ang hanggang leeg nitong buhok at mayabong na ang bigote sa mukha, puyat ang mga matang nakatingin sa akin. Wala itong suot na pang-itaas at naka pantalon na tattered. Lantad ang matipuno nitong pangangatawan. May hawak itong polaroid na kulay pink, hinihintay lumabas ang litratong kinuha nito sa akin, saka iyon tiningnan ng maigi sabay tingin muli sa akin. "Aren't you... Uzman's woman?", wika nito sa paos at tila kagigising lang na boses. Papalapit ito sa akin, di ko alam kong lalayo ba ako o ano, mabuti na lang at sa dalawang hakbang lang ay natigil ito. "Ah a-ano, nagtatrabaho ako rito p-pero... Ikaw? Sino ka?", di pa man ito nakasagot ay isang matinis na boses ana ang aming naririnig na papalapit sa amin. "Sir Benille!", biglang tawag ni Manang sa lalaki, may dala pa itong t-shirt. "Sir, kabilin-bilinan ni Sir Uzman na wag kayong palakad-lakad rito ng hubo", pinagsabihan nito ang lalaking tinatawag niyang Benille sabay na pilit sinasabit ang dala nitong t-shirt sa ulo ng lalaki kaya lang matangkad kasi ang ito kaya nahirapan si Manang at itong Benille na ang kusang nagsuot sa sarili niya. "Ah, Miss Dahlia, siya ho si Sir Benille kaibigang matalik ni Sir Uzman. Paminsan-minsan ho ay dito siya namamalagi. Sir Benille, si Dahlia ho" "So, is she Uzman's woman?", tanong nitong muli habang sinusuot ang shirt . Ayaw nitong bitawan ang tanong kaya sinagot ko na. "Hindi ho, nagluluto lang ho ako sa kanya" "Oh so you're the new cook. Laking damulag, pihikan", he hissed, tinutukoy yata nito ay si Uzman. Inabot nito ang isang apple sa mga prutas na inaayos ko sabay walang-anong lumabas na ng kusina. Iniwan lang doon ang litrato ko at ang polaroid niya, na kinuha naman ni Manang. "Pasensya na Dahlia, nakalimutan kog sabihin sa iyo ang tungkol kay sir Benille, pero harmless naman iyong bata na iyon, may pagka weirdo lang", pabuling nitong sabi, natingin pa sa likod at baka anduon pa iyong Benille. "Oo nga ho eh, kung hindi nag-English akakalain kong pulubi na nakapasok rito", natawa nalang si Mamang sa sinabi ko. "Masanay ka na sa kanya, siya lang naman din ang kaibigan ni Sir na madalas manatili rito, uuwi rin iyan sa kanila. Nakilala mo na ang dalawa sina Sir Donovan at Sir Jorge" Inayos ko na ang lunch ni Uzman at inilagay sa isang bento box, di kasi nito nagustuhan iyong lunchbox nung isang araw. Papunta ako ngayon ng opisina nito para dalhin iyon ng kumulimlim.ang oanahon, nagdala ako ng payong. At mabuti na lang talaga, dahil papunta pa lang ako ay umulan na. Nasa harap ako ngayon ng building, lumugar ako sa gilid dahil basa ang palda ko. Ibinaba ko muna ang payong at inayos ang aking sarili. Patuloy pa rin ang malakas na ulan nang mapansin kong may tao sa harap ng building. Kumunot ang aking noo, at pinahid ang medyo humid kong glasses. Si Uzman iyon, nakapamulsa ito at nakatingala lang sa kalangitan na patuloy sa pag-ulan Muling kumunot ang aking noo sa ginagawa nito, medyo napa-pout pa ako. Kanina pa kasi nito itinataas ang isang paa at tila nais humakbanb pababa, ang harap kasi nito ay hagdan pababa. Nais ba nitong humakbang at magtampisaw sa ulan? O nililinis nito ang sapatos niya? Di naman yata. Walang ibang tao ang naroon kasi nga malakas ang ulan kaya anong ginagawa nito dito. Kinuha ko ang payong, bitbit ko pa rin ang bento box ay humakbang ako ng unti, di ako nito napansin, nasa may likuran na kasi ako nito, at dito pansin ko na tila nanginginig siya. Mukhang frustrated rin ito, labas ang litid sa kanyang leeg at nag-igtingan ang panga, kulang na lang ay pagpawisan. Ano ba kasing goal nito sa ginagawa niya? Tanong ko sa sarili ng nagkaroon na yata ito ng lakas na humakbang pero siguradong mababasa ito sa ulan kaya sabay ng pag-apak nito sa unang baitang ay siyang pagbitaw ko ng dalang bento box at pagtakbo ko pababa sa pangalawa baitang, sabay harap rito dala ang payong upang hindi ito mabasa, sandaling nagtama ang aming mga mata. Nawalan ako ng balanse at malalaglag pa yata, napapikit nalang ako dahil sa tindi ng impact na siguradong matatamo ko, ngunit isang kamay ang umagaw sa dala kong payong at isang kamay ang pumaikot sa aking bewang, napahawak nalang ako sa braso nito. Kumulog at kumidlat, tanging nga patak ng ulan at kabog ng dibdib ang aking naririnig, di mawari kong sa akin ba iyon o sa taong hawak ako ngayon. Unti-unti akong napadilat, nasa harap ko ang nagpapantay ang dalawang kilay na si Uzman. "What the hell do you think you were doing?", ito pa ngayon ang galit. Tinulungan ko na nga ito upang hindi siya mabasa sa paghakbang niya, siga pa itong galit? Tila nagpanting ang tenga ko sa sinabi nito. Nasa ulanan pa rin kami, at kung wala lang ang payong ay pareho kaming basa ngayon. At dahil nga galit na rin ako dahil kamuntikan na akong mahulog ng dahil sa pag-aalala ko rito ay gumalaw ako dahilan upang mapahakbang kaming pababa pang lalo, nasa gitna na kami ngayon ng hagdanan, iyong pantay na ang semento at ilang hakbang pa ay mga baitang na naman. Nabitawan nito ang dalang payong upang suportahan ang katawan ko, dahil kong mahulog ako ay mahuhulog rin ito. Nanlaki sa bigla ang mga mata ni Uzman habang ako naman ay deritso lang ang tingin sa kanya. Nakapulupot na ngayon ang dalawa kong kamay sa leeg nito; pareho na kami ngayong basa sa ulan. Para kaming nagsayaw pababa! "W-what did y-you d-do?", nanginginig ang boses nito na tila natatakot, pati ang mga labi nito ay nangangatog pero hindi iyon sa lamig. Kaya upang pakalmahin ito, hinawakan ko kanyang mukha at iniharap sa akin. "Huminga ka, Uzman. Breath. Inhale... Exhale" Ako man ay huminga rin sa ritmo na ngayon ay ginagaya nito at kinalma naman siya nuon. Ang mga mata nitong kanina ay natataranta, ay nakapokus na sa akin. Hanggang sa dumating si Vernon at pareho kaming tinulangan, especially, Uzman. Hindi na ito bumalik pa sa building at imbes ay sinakay ng sasakyan pauwi. Kinuha ko ang bento box na naiwan ko ng hilahin ni Vernon ang aking kamay patayo. Labas ang litid nito sa leeg makikitang galit talaga ito. "Anong ginawa mo?" "W-wala. Wala akong ginawa. Siya, gusto niya--" "Hindi mo siya dapat hinayaang maulanan!" "Bakit? Magkasakit ba agad siya? Allergic ba siya? Wala nam--" "Hindi pero!", napahawak nalang ito sa kanyang sentido at bewang na tila pinipilit na hindi masabi ang tunay na rason kung bakit ganun ang naging reaksyon ni Uzman. "Wala kang alam kay Sir Uzman, and you should just stick to what your job description is at wag na magtanong ng kung ano-ano pa. Wag mo na ulitin ito, Dahlia. Nilagay mo sa kapahamakan ang buhay niya" "Hindi ko naman..." "Alam ko hindi mo alam, so I know he will let it slide pero sa susunod do not let him be near rain again. At wag ka nang magtanong kung bakit", tinango ko nalang ito. "Magiging maayos lang ba siya?" "He will be. For now, just go home, Dahlia", utos nito. Kaya dala ang bento box basang-basa ang damit na suot ay umuwi na ako, pumasok na sa maliit na daanan patungo sa boarding house na inuupahan ko. Di pa rin maintindihan ang nangyari kung bakit ganun na lang maka-react si Uzman. May trauma kaya ito sa ulan? Kung oo, bakit? Halos lahat ng tao sa mundo ay natutuwa sa ulan, pero sa kanya ay iba. Sinusubukan kaya nitong alisin ang trauman niya? Kaya anduon siya? Ang dami ko g tanong wala namang makakasahot kundi si Uzman lang kaya lang wala naman ako sa lugar na manghimasok sa parteng iyon ng buhay niya. Hayaan ko nalang; gaya nga ng sabi ni Vernon, I should stick to what my job description is. Pagkapasok ko agad sa lob ay nakangiting initsa sa akin ni Ashley ang tila isang kapiraso ng tela. "O iyan, yan ang suotin mo", tumama iyon sa dibdib ko na agad kong kinuha bago mahulog. "O bakit basa ka, naligo ka sa ulan, be?", dagdag pa nito. Binuklat ko iyon na isa palang damit. Bodycon dress na kulay teal green, sparkly, spaghetti strap at napakababa ng neckline, siguradong kita ang cleavage ko at hapit sa bewang hangang sa kalahati ng hita lamang ang natatabunan. "Anong gagawin ko rito?", tanong ko rito na sinimangutan naman ako at pinameywangan. "Isuot mo sa ulo mo para masaya? Wag ngang tanga, Dahlia syempre yan ang isusuot mo" "Ha? Isang tuwad ko lang yata ay makikitaan na ako nito eh", pinasadahan ko ng tingin ang dress na kahit saang anggulo ay kapos talaga sa tela. "Ano ka ba may suot ka naman na panloob for support at saka hindi yan may technique ako, sige na magpalit ka na at baka lagnatin ka pa! Go!", tinulak ako nito papasok sa kwarto. Tiningnan ko ang sarili sa salamin, hawak ang damit na susuotin. Di man lang ako tinanong kung pumayag ba ako sa nais niya. Pero siguro mas mabuti na rin ito, magkakapera na ako, makakalimutan ko oa pansamantala ang nangyari kay Uzman. "Dito tayo dadaan, mga VIP lang ang pwede sa harap", bulong sa akin ni Ashley. Tango lang ang naitugon ko sabay hawi sa feather sleeves nito na kanina pa tumatama sa aking mukha. Nakaunat ng buhok at naka red na mini dress ako naman ay nalugay lang ang maalon na buhok, hindi ako naka-glasses kundi contacts ngayon. Isang sign of the krus ang aking ginawa. This is it pancit!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD