Uzman's
I put on a black shirt, three buttons loose and topped it with a blue coat. I look at myself at the full length mirror. Tonight is one of my stakeholders birthday, Godofredo. Kailangan kong pumunta, it would be off if I don't and the man threatens to pull his share, he's that petty.
"Sir, hindi niyo ho kailangan pilitin ang sarili ninyong pumunta"
"Ilang beses ko bang sasabihin sayo, Vernon. I'm fine"
I know, I almost had a panick attack, again almost, dahil di gaya ng mga nakaraan sa pagkakataong ito. They immediately took me to my psych but actually nothing to be worry about, kung tutuusin, advantage sa akin ang nangyari. I manage to be soaked in rain na hindi ko magawa for how many years.
I was diagnosed with Ombrophobia, the rain scares me, mula ng araw na mangyari iyon sa akin. Nag-iwan iyon ng trauma na hanggang ngayon ay dala-dala ko, it is a weakness I try so hard to overcome.
Biglang nag-flash sa aking ala-ala ang mukha ni Dahlia at kung paanong kinalma ako ng mga tingin niyang nangungusap; it was a first. I never thought I would be in that position, and she unknowingly made me face the fear. Hindi ko alam kong anong ginagawa nito doon at kung bakit nito ginawa ang ginawa niya but it helped me, for once, hindi ako nagpanic ng maulanan.
"I will assure you that I'm fine, Vernon now go, hindi ka overtime ngayon"
"Okay Sir, kung iyan ang nais ninyo but I also came here to inform you that your Grandfather called"
Ang magaan kong pakiramdam ay bglang bumigat pagbanggit pa lang nito ng katagang iyon, 'Grandfather'. Ang isang tao na kung pupwede lang ay putulin ang ugnayan naming dalawa ay gagawin ko pero hindi pupwede cause we are tied with the same blood running in our veins.
"You just ruined my mood, Vernon"
"I'm sorry for that Sir pero alam niyo naman ho na hindi ko pupwedeng baliwalain ang Lolo ninyo"
"What does he want?"
"He, he wants to inform you that he is setting you up on a blind date"
Padabog kong nahampas ang gilid ng salamin at nilingon si Vernon.
"A what?!", puno ng disgusto sa aking boses. Inayos ni Vernon ang salamin niya bago muling nagsalita.
"A blind date, with the Vice President's granddaughter. Nais niya ho na malaman ang schedule niyo para malaman kong kailan kayo pupwede", naikuyom ko ang aking kamao.
"Tell him I am not going, and I am not marrying anyone na siya mismo ang pumili para sa akin"
"Sir...", hinarap ko ito.
"If he insisted tell him this... I will never marry anyone or get anyone pregnant. Until my very last breath you will never see an heir that will have my blood as a Deguangco. Our bloodline stops with me."
I petted Kovo whose sleeping on my bed. Grabbed the car key to my Aston Martin, mabilis akong lumabas ng silid. Ayoko nang makarinig ng kahit na ano pang salita mula rito tungkol kay Grandpa. Kapag pumuti na ang uwak ay siya ko lang susundin ang mga ipinag-uutos niya.
Narating ko na ang Nightclub, ibinigay ko na valet ang sasakyan ko. I'm one of the VVIP's, so I can go in without a hassle dahil kahit kaarawan ni Godo ay welcome pa rin ang mga gustong pumunta sa 'Enigma' nightclub nito; it's packed.
I went inside at bumungad agad sa akin ang napakalawak na dance floor. It is not your typical nightclub dahil malaki ito, the place is a ultra modern one, dim lighted in neon lights in shades of red, purple and pink kahit ang dancefloor ay nagliliwanag sa bawat kumpas ng DJ. Godofredo definitely lives for the fun and it's nowhere cheap looking.
I was just looking around at aakyat na sana sa itaas ng makakita ako ng isang pamilyar na pigura. Hindi ko masyadong maaninag dahil magalaw ang lights at sobrang dilim ng loob but I think, I just saw someone who I think should not be here; or I am just seeing things?
Hahakbang na sana ako patungo rito na ngayon ay nakatalikod na sa akin; her bare back is expose. It cannot be her.
I was about to step forward ng biglang may kung sinong tinalunan ako sa likod, kamuntikan pa kaming matumba kung hindi ako nakatukod sa nga taong basa harap ko.
Hinawakan nito ang dalawa kong tenga sabay na malakas na nagsalita sa isa.
"Hahaha! Maaaan yooooow laaaate!", malakas na pasigaw nang sabi nito at amoy ko na ang alak sa hininga nito.
"f**k you! Get off me you d*ckhead!"
Nagpupumiglas ako dahilan upang mapaupo ito sa sahig. It's Godo f*****g Fredo the birthday guy. Naka boxer short lang ito at puting button shirt na bukas ang lahat ng butones at may malaking party hat sa ulo. Nagpupungay na ang mga mata nito at parang baliw na nakangiti.
"Tumayo ka!", sigaw ko rito pero hindi nito ginawa kaya hinila ko ito patayo. Daling kumapit naman agad ito sa akin.
"My dearest friend, Uzman. Kanina pa kita hinihintay", wika nito habang inaalalayan ko paakyat.
"Shut your trap!"
"Pero nagpunta ka ayyiee kiss nga ako bebe ko!", pilit nitong hinuhuli ang aking mukha napaksandal tuloy kami sa gilid ng hagdan. Nilamutak ko ang bibig nitong nakanguso at inalis sa akin.
"f**k off, Godo you're grossing me out!", bulyaw ko rito.
Isang nakakaririnding tawa lang ang naging tugon nito sa akin saka sumenyas sa DJ, biglang tumahimik ang club saka ito pasigaw na nag-announce.
"Dahil birthday ko ngayon at andito ang bestie ko. Drinks all on me tonight!", marahas na idinantay na naman nito sa aking leeg ang kamay niya; naghiyawan ang mga tao at mas lalong umingay ang nightclub.
We went upstairs to the VVIP lounge, may mga kaibigan na itong anduon, drinking and making out with girls. We walked passed them at nagtungo sa tatlong hagdan pang taas na riser. Naupo kami sa isang malaking round chair kung saan kaming dalawa lang ang anduon. Like a presidential chair that could see the whole view of the room.
"So, did Benille, accept my offer?", tanong agad nito sabay hithit sa vape niya at nagbuhos ng alak sa isang baso at ibinigay sa akin.
"Rejected", abot ko rito. I then cross my legs and took a sip.
"No! Not again. Ikaw ang kaibigan di mo ba siya pwedeng pilitin? I badly need him to do something for me"
"He said no, at hindi mo basta-bastang mababago ang isip niya. Like you said, I'm the friend, alam ko ang likaw ng bituka niya"
"Should I sleep with him then? It may change his mind"
"Are you high?", tinaasan kp siya ng kilay.
"No, I'm a year clean, no eight, no six? Basta clean ako ngayon!"
"He doesn't like you, that's it. Humanap ka nalang ng ibang maaring tumulong sayo"
"Siya gusto ko eh, pilitin mo"
"Just go and try sleeping with him then..."
"Aargh you're no help man!", I scoffed at him.
Lumalim ang gabi, I drank, iyong hindi naman lasing. Alam ko pa rin ang ginagawa ko at I can see Godo, dancing in the middle of the bar counter ng naka boxer shorts nalang at ang lahat ng tao sa silid ay naghihiyawan dito, singing what I think is a remix ng happy Birthday. Napailing nalang ako ng may babaeng biglang naupo sa aking mga hita. Her face flush, body curvy at lantad ang cleavage nito.
"Nag-iisa ka yata, Mr. handsome", may landing sabi nito sa akin.
"Not anymore", balik kong sabi ng may kaparehong tono.
Well, this is a night to have fun, might as well be laid tonight. And unlike the last time, may daladala na akong protection ngayon. I won't let that night from a long time ago happen again, not this time.
Sinunggaban agad ng halik ng babae ang aking leeg at ang mga kamay nito ay nagapang na sa aking dibdib. I raised my elbows on the back of the chair at napapikit when a blurry screaming in pleasure face of a woman in bed flash in my head. Mabilis akong napadilat at biglang napatayo, na ikinalaglag ng babae sa sahig.
"Ay! Ano ba!", inis na reaksyon ng babae sa aking ginawa.
"I need a breather", inisang lagok ko ang natitirang laman ng baso at lumabas na muna ng silid.
Malalim na napabuntong-hininga ay napahawak ako sa railing, nasa itaas pa rin ako. Medyo nakahinga ako ng maluwag dahil di gaanong crowded ang area na iyon ng club. Nahilamos ko nalang ang aking kamay sa aking mukha at ilalabas na sana ang vape na dinadala ko palagi at ginagamit lang kapag anxious ako at ngayon iyon, but even before I could use it, I saw a familiar face, I squinted my eyes and stared for a moment.
And there I saw her sa kabilang parte ng club. Siya ba talaga iyon, o sadyang namamalikmata lang ako? How can that girl who always tries to cover herself up, dress provocatively like the girl I'm seeing right now. Nangiti pa ito sa mga lalaking kasama habang may hawak na kung anong inumin.
For the life of me, I found myself staring at her hanggang sa ramdam na yata nito ang bigat ng mga titig ko and she finally look at my direction.
It should be her, for all the times we had look straight in the eyes, I know it is her. Kahit na wala ang glasses nito kahit pa puno ng kolorete ang kanyang mukha, I know it is her.
Halata ang pagkagulat sa mukha nito at inalis sa akin ang tingin. I gritted my teeth in annoyance, ng may isang lasing ang bumangga sa akin. Napadungo ako at ng muling inangat ang tingin upang kompirmahin na si Dahlia nga ang aking nakita ay wala na ito doon. I even ran to the side of the second floor kung saan ko siya nakita pero wala.
I searched but I didn't see her, until may mga babaeng sumigaw at mga basong nagbabasagan. Napatingin ako doon and that's when I saw her, nakaupo sa mismong mesa. Ang isa nitong paa ay bahagyang nakaangat almost exposing her, she looks like she is tipsy, nagpupungay ang mga mata nito at di makaupo ng maayos.
"Anong nangyari sa babaeng yan?", tanong ng isang babae.
"Lasing na yata, bigla nalang na out of balance diyan sa table namin. Sumulpot ba namang bigla", sagot naman ng isa.
Did she already had a lot to drink? Pero maayos pa naman ito kanina. Did she just drank the whole cocktail in one go?
Lalapitan na sana ito ng ilang mga kalalakihan ng mabilis kong tinanggal ang coat ko at initsa sa bandang hita nito upang matakpan ang halos labas na nitong ibaba. Nagulat ang mga ito sa aking ginawa.
"Don't even think about touching the woman. She is mine. I'll take her", I walked closer to where she is and stood in front of her.
"Hey, can you stand?", hindi ito nasagot at naglabas lang ng ungol.
I heaved out a deep sigh at napakamot nalang sa aking ulo. Inalalayan ko na itong tumayo. Idinantay ang coat sa lantad nitong katawan.
Why is she dress like this? No, why is she even here in the first place?
"Woah, who is that Uzman?", sumulpot na naman kung saan si Godo.
"Move, Godo.I know it's your night, Happy Birthday but I need to go. Bye"
Umalis na kami sa loob ng club at nagtungo sa parking area.
"Ang sakit ng ulo ko!", daing nito.
"Yes you are. You must've drank a hard liquor", sagot ko rito ng bigla ako nitong itulak.
"Ah? Sino ka?"
"Really? Now you don't even recognize me", sinubukan nitong ikurap ang mga mata but she was just so wasted at medyo madilim sa king asaan kami. Hindi ako nito nakilala.
"Ay di kita kilala! Di ako sasama sayo", pasuray-suray itong naglakad, di makahakbang ng maayos sa suot nitong heels. Hinayaan ko lang ito, I crossed my arms watching her try ng bigla itong ma out of balance at nasadlak sa lupa.
"Aaaw!",
Sa kalasingan ay di nito maiingat ang sarili. Tinanggal nito ang heels at naupo nalang doon.
"This woman is a pain when she's drunk!", mahinang sabi ko sa sarili bago naglakad palapit rito.
"You can't even walk straight"
"I don't talk to strangers!", umakto pa itong pinipigil ako sa pagsasalita bago gumapang sa isang isang gilid at naupo sa gilid ng sasakyan. It was my Aston Martin.
Isang malalim na buntong-hininga ang muli kong kinawala. Hinayaan ko na muna ito at napasandal na rin sa kotse ko, but standing unlike her.
She's clearly drunk and she thinks of me as a stranger. There is no getting a way to her intoxicated head.
"Sa tingin ko ay hindi ka nagpunta rito upang magsaya. Is this is your side hustle?"
"Sabi kasi ng kaibigan ko kikita ako",
"Do you even realise how dangerous it is to go to places like this? Especially with the woman of your likes?"
"Ano bang magagawa ko? Ang hirap kaya kumita ng pera"
"But it doesn't mean you need to stoop this low"
"Kung makahusga ka parang ang linis mo ah, santo ka ba?"
"No, I'm a business man"
"Business man huh pweh!"
"Excuse me?"
Biglang hinablot nito ang pantalon ko. Pilit ko siyang inaalis pero mahigpit ang hawak niya. Dahan-dahan nitong inaangat ang sarili hanggang sa ang sleeves ko naman ngayon ang hinihila niya.
"Ayan naman kayo lahat mayayaman eh, tingin niyo sa aming mahihirap mga mababa dahil lang sa desperado kami sa pera. Kahit wala naman kayong alam sa hirap namin, tapos sasabihin niyo pa na hindi marangal ang ginagawa namin. Bakit sa tingin niyo lahat may pagpipilian kagaya ninyo? Sa tingin mo lahat pinanganak ng kasing swerte niyo sa pera? Hindi!.", kamuntik na naman ito ma out of balance pero agad kong nahawak ang bewang nito na inalis naman niyang agad. She's mad. Nagpatuloy ito.
"Kaya wala kang karapatang husgahan ako sa paraan ko kung paano mabuhay dahil hindi mo alam ang mga pinagdaanan ko at ang sitwasyon ng mga taong umaasa sa akin. Tangina gusto ko lang naman din mabuhay kagaya niyo, siguro naman kahit dukhang kagaya ko may karapatan!", tuluyan nang tumulo ang mga nangingilid nitong mga luha at tinalikuran ako.
For a moment there I was lost for words. Sinubukan kong abutin ito pero di ko alam kung iyon ba ang tamang gawin, so I stop. Sa unang pagkakataon, di ko alam kung paanong iha-handle ang nangyayari sa harap ko. Just because, she cried.
"I- I didn't mean to offend you. Okay here, iuuwi na kita. Mas mabuti nang umuwi ka na muna at mahimasmasan. Let me take you home", alok ko rito at nagawang tapikin ito sa braso pero hindi ako nito pinanasin ng muli ko itong tapikin ay wala kaya hinarap ko ito and the next thing that happened made me realise it was a wrong move.
"blaaaaaargh! Ah!", sumuka ito sa harap ko at tumama iyon sa aking leeg pababa. Natigil sa ere ang aking mga kamay, all I feel is disgust.
Damn woman!