Dahlia's
Ang lambot ng kamang aking kinahihigaan, malamig din ang silid at napakakapal ng kumot na nakapalibot sa akin. Nakadapa sa kama ay sinubsob ko pang lalo ang aking mukha sa unan ng may napagtanto. Hindi ito ang amoy ng higaan ko, di rin ganito kalambot ang unan, hindi makapal ang kumot lalo nang hindi malamig ang silid.
Napalundag ako ng tayo sa kama. Magulo ang aking buhok at nakasuot ako ng malaking itim na shirt na hindi ko naman pagmamamy-ari. Inikot ko ang tingin sa buong paligid, hindi ito ang aking silid. Bagsak akong napaupo sa kama at ibinalot ang kumot sa akin.
Kung ganun kanino ang kwartong ito at bakit parang pamilyar ito sa akin?
Isip-isip, alalahanin mo Dahlia. Saan ka ba nagpunta kagabi. Napasabunot pa ako sa aking buhok ng ilang mga senaryo ang lumabas sa aking ala-ala at doon ay nakita ko ang mukha ng kaisa-isang taong huling nais akong makita sa sitwasyon na iyon; ang boss ko, si Sir Uzman. Naalala ko lahat ng nangyari lalo na ang ginawa kong pagsuka rito.
Hiyang-hiya na naitakip ko ang kamay sa bibig at naisubsob ang mukha sa kama at malakas na sumigaw doon na parang wala ng bukas. Matapos ay lantang gulay na napabalik ng higa sa kama, nakatitig lamang sa mamahaling kisame.
Paano ngayon yan? Ano na lang ang iisipin nito sa akin? May mukha pa kaya akong maiihaharap rito? Dapat siguro ay mag resign nalang ako? Hindi, tumakbo nalang ako paalis at mag-awol?
Muli akong napasabunot sa sarili. Hindi ko puwedeng takasan na lang ang lahat lalo na at tinulungan pa ako nito sa kabila ng ginawa ko sa kanya. Sa temper nito, ay sa pagsuka ko pa lang ay baka iniwan na ako nito doon.
"Umayos ka, Dahlia. Hindi pa katapusan ng mundo", mahinang sambit ko para sa sarili at tumayo sa kinahihigaan
Mukhang wala ito doon. Alas diez na sa bed side watch nito, Monday yata ngayon kaya siguradong nasa opisina na ito. May oras pa ako upang magpaliwanang sa kanya. Siguro naman ay maiintindihan ako nito. Ang naalala ko kay nag-usap kami, ngunit wala na akong matandaan.
Wala akong dalang cellphone, dahil ang huli kong alala ay iniwan ko iyon sa locker ng club na pinuntahan namin ni Ashley, bawal kasi, dapat sa client lang ang pokus namin.
Mabilis akong lumabas at dahan-dahan na bumaba. Patingin-tingin at baka makita ko ito, pero walang ni ha ni ho si Uzman. Siguro nga ay nasa opisina na ito.
"Dahlia..."
"Ay borat ka!"
"Ano?", si Manang pala iyon at may dalang tray ng pagkain.
"Dalhin mo sa man cave ng Sir. Hindi siya kumain kanina baka nais na nitong kumain ngayon", napakagat labi ako.
Wala pala ito sa opisina kundi na sa man cave niya. At ang nais kong oag-iwas dito ay tila hindi mangyayari dahil nautusan pa talaga ako.
"Pero kasi Manang, ano kasi ah.."
"Dalhin mo na; alam mo bang inalagaan ka ni Sir kagabi. Di nag-uuwi ng babae iyon pero lasing kang dinala dito. Ano ba namang pasalamat mo iyan. Ay hala at dalhin mo na!", pinalo ako nito sa puwet at naalis na.
Hawak ang tray ay sandali akong napahinto sa narinig rito. Totoo ba ang narinig ko? Inalagaan ako nito habang lasing ako?
Oo nga naman, hindi nito alam kung saan ako nakatira. Inuwi ako nito ng ligtas sa tahanan niya at pinaukopa pa sa akin ang isa sa mga kwarto niya. Biglang umangat ang isang sulok ng aking mga labi at naglakad na patungo sa man cave nito.
Tinulungan ako nito kagabi, at sabi ni Manang ay inalagaan pa matapos. Hindi naman siguro big deal dito ang nakita. Hindi naman yata ako maalis sa trabaho. Ang kailangan ko lang ay kausapin ito ng masinsinan at makapagpaliwanag.
Nasa harap na ako ng man cave, ng mapansing bahagya itong nakaawang. Narinig ko itong nakikipag-usap sa kung sino ng may bigla itong sinabi.
"She was giggling with a man, Ben. If she's not an escort she must have been there to have herself some rich dude", wika ni Uzman sa kausap nitong si Benille at sa narinig ay tila naapakan ang aking pagkatao at wala akong ibang nasa isip kundi ang ipaglaban ang sarili ko kaya pumasok ako ng walang paalam.
"Oo, nagpunta ako doon para maging escort ng wala man lang alam sa pinasok ko, pero iyon din ang una at iyon na ang huli. At mas lalong hindi ako nagpunta doon para maghanap ng mayamang lalaking bubuhay sa akin. Mahirap ako oo pero may dignidad pa rin naman ako. Nagkamali ako alam ko pero kung makapagsalita ka ay parang senisintinsyahan niyo na ang buong pagkatao ko gayung wala kayong karapatan!", halos habol hininga ko nang sabi rito, wala na akong pakialam kong anduon man si Benille. Nakatingin lang ito sa akin ng deritso ni hindi ito natinag ng bigla lang akong pumasok at nagtatalak.
"But if some guy would want, wouldn't you grab the opportunity? Tangang babae lang ang hindi", panghahamon pang turan nito.
"Uzman...", pigil ng Benille rito.
Pinipigil ang maluha dahil walang kwenta ang umiyak sa harap ng lalaking ito nakagat ko ang ibabang labi bago nagsalita.
"Napakagago mo... Noon at ngayon, gago ka pa rin talaga", biglangnag-iba ang hilitsa ng mukha nito, wala na ang maangas na dating non. Nagpatuloy lang ako.
"Kaya ayoko na, hindi ko pagsisilbihan ang taong kagaya mo. I resign!"
Walang kwenta ang makipag-usap rito at magbigay ng rason dahil sarado na ang utak niya. Para dito isa akong maduming babae na ang habol lang ay kayamanan ng iba. Ibig sabihin, wala na itong tiwala sa akin, kaya ano pang rason para magtrabaho sa kanya kong wala na pala iyon. Mabilis akong lumabas ng bahay nito ng walang kahit among dala kundi ang natitirang dignidad na mayroon ako.
~~
"Sorry Dahlia, ng dahil sa akin nawalan ka pa tuloy ng trabaho"
"Wala kang kasalanan, Ashley. Choice ko iyon, napakakapal lang kasi ng mukha ng taong iyon upang husgahan ang trabaho na kinabubuhay mo. At wala na siyang tiwala sa akin, at higit sa lahat ay gago siya kaya hindi siya kawalan. Makakahanap rin ako ng matinong trabaho"
Ilang araw na rin ng lumipas mula ang komprontasyon naming dalawa ni Uzman at mula non ay wala na rin akong trabaho. Kumakapit lang ako sa huling sweldo nito sa akin. Kailangan ko nang makahanap sa lingong ito kundi balik na naman ako sa pagiging walang-wala.
Lumabas na muna ako ng boarding house at bibili sana ng load sa labas at nais ko makausap si Miero, dadalawin ko ito bukas. Pampatibay ko kasi ng loob iyon at baka swertehin rin ako kapag nayakap at nahalikan ko siya. Miss na miss ko na talaga ito, naluluha akong naiisip siya. Kinuha ko ang cellphone at bubuksan sana ang photos ng may kung sinong humablot nito.
"Andito ka lang pala. Ang hirap mong hanapin!", isang malakas na suntok sa aking tiyan ang iginawad nito, napaupo ako sa sahig, tumama ang aking braso sa isang matalim na bagay. Ngunit bago pa man ako makapag-react sa sakit ay isang bigwas nito ang tumama sa aking mukha. Napabaling ako patalikod at nagsimulang umikot ang paningin.
Andito na naman sila, sisingilin akong muli sa pagkakautang na hindi naman sa akin at ni hindi ako nakinabang ni isang kusing.
Pinilit kong gumapang ngunit pinatid lang nitong muli ang tiyan ko.
"Uggh!", mariin kong daing ng hinila nito ang buhok ko upang maitayo ako ngunit sa sakit ng aking katawan ay luhod lang ang aking nagawa.
Nasa maliit kami na eskenita papasok ng inuupahan ko. Walang kahit na sino ang tumulong sa akin. Panigurado naman kasing madadamay sila. Limang armadong lalaki lang naman ang narito.
"Ano? Wala ka ba talagang planong magbayad? Idadag ko pala iyong bail ko dahil sa tanginang nangyari doon sa cafeteria, walong libo iyon. Ano kailan ka magbabayad?", humigpit ang hawak nito sa aking buhok.
"M-magbabayad na ako, p-pangako pero hindi ngayon. W-wala akong pera", nangangatog ko nang wika.
"Hindi pwede, ngayon na. Ilang buwan mo na kaming tinatakbuhan"
"W-wala talaga akong maibabayad sa inyo, nagmamakaawa ako, bigyan niyo ako ng palugit"
"Hindi na pupwede. Pero alam mo..." ,pinasadahan ako nito ng tingin.
"Kahit mataba ka pwede ka naman na eh. Makinis, bata, at birhen ka pa ba? Kikita ka sigurado. Ano mga brad, pwede di ba?", sumang-ayon naman ang mga depungal na tauhan nito.
"Ayoko! Hindi mangyayari iyon. Patayin niyo nalang ako!", buong lakas kung sigaw sabay dura sa mukha nito, nabitawan niya ako.
"Pesteng babae ka!", hahampasin na ako nitong muli ng dumaosdos ang mukha nito sa imburnal na nasa gilid.
Lahat kami ay napatingin sa kung sino ang may gawa at laking gulat ko ng makita doon si Uzman, kasama nito si Vernon, nakasuit pa ang mga ito na mukhang galing lang sa opisina.
Anong ginagawa ng mga ito dito?
"Don't ever touch the woman again", buo ang boses na wika nito.
Si Vernon naman ay binuksan ang briefcase na hawak-hawak at naglalaman iyon ng maraming pera.
"Three hundred thousand pesos. Iyan ang buong pagkakautang nga Ama ni Miss Dahlia hindi ba?", nagkatinginan ang mga tauhan at natayo ang boss nilang puno na ngayon ng grasa ang mukha.
"Ibibigay namin ito sa inyo kung ipapangako niyong lalayuan niyo na si Miss Dahlia"
Walang kahit anong sabi ay hinablot ng boss ang dalang briefcase ni Vernon.
"Kaya mo naman palang magbayad eh, gusto mo pang saktan ka", baling nito sa akin at matapos ay umalis na ng lugar na iyon.
Impit na napahawak na lang ako sa masakit kong tiyan ng maglakad papalapit sa akin si Uzman at itinayo ako. Kinuha ang glasses ko at nilinis pa iyon bago muling isinuot sa akin. Pinahiran pa nito ang gilid ng aking mga labi. Napansin nito ang dugo na tumutulo sa aking braso, sinubukan nito iyong pahiran upang maalis pero kusa akong humakbang palayo. Napakapit nalang sa pader na anduon dahil di ako maktayo ng maayos
"Anong ginagawa mo rito?"
"You should've been thanking me first"
"At ngayon, sayo na ako may pagkakautang ganun ba? Hindi ko kailangan ang tulong mo!"
"So you would rather die through their brutal beating than to let me help you?"
"Oo"
Walang salitang sumunod, naghamunan lang kami ng mga tingin. Walang sino sa aming dalawa ang nagpapatalo. Siguro ay nagpunta ito rito na may nais na namang i-blackmail ako at saktong naging opurtunidad naman ang nangyari upang mahawakan ako nito sa leeg.
"Dahlia! Dahlia! Dahlia!", sa gitna ng nangyayari ay isang aligagang Ashley ang natatakbong tinatawag ako.
"Andito ako...", nanghihina ang boses kong wika ng hindi inaalis kay Uzman ang tingin.
"Anong nangyari, Dahlia? Paano ngayon ito...", hindi mapakali nitong sabi.
"Bakit? Anong nangyari, Ashley?", biglang kinabahan ako sa tono ng boses nito.
"Dahlia, hindi ka da ma-contact. Tumatawag si Michelle; nawawala si Miero!"
Tila isang punyal ang mga salitang iyon na tumamas deritso sa aking kalamnan pababa sa aking puso. Hindi; mali lang siguro ako ng pagkakarinig, imposible naman kasi.
Hinawakan ko ang magkabilang balikat nito.
"A- ah, A-ano ulit ang sinabi mo?", nanginig ang aking boses sa sinabi nito.
"Nawawala si Miero, Dahlia! Nawawala siya!"
Kabang abot sa lalamunan, tenga kong wala nang pinapakinggan. Tanging nasa isip ko lang ngayon at ang humakbang upang puntahan si Miero.
"Miss Dahlia...", tawag ni Vernon.
"T-tabi, kailangan kong hanapin si Miero"
"Dahlia, you're injured. Sino ba ang Miero na ito?", pilit akong pinipigil ni Uzman pero winawaksi ko lang ito paalis hanggang sa tuluyan na akong nakalabas ng lugar at pumara ng taxi ngunit walang tumigil pra isakah ako kaya ako na mismo ang humarang sa daan ng hilahin ako ni Uzman dahilan upang mapahiga kami sa malamig na semento.
"Are you crazy? Masasagasaan ka ng sasakyan!"
"Hindi! Bitawan mo ako kailangan ako ni Miero", winaksi ko na naman itong muli.
"Dahlia please snap out of it. I'll take you to whoever this Miero is, pero kumalma ka", hawak nito ang aking bewang at ang aking mukha. Kita ang pag-aalala sa mukha nito.
Hindi na nagtigil ang aking mga luha, patuloy lang ito sa pagdaloy. At ang sakit ng katawan ay tila nawala at napalitan ng sakit ng aking dibdib. Binalingan ko ang naguguluhang si Uzman.
Maigi, naniniguro, desperado, nagmamakaawa. Hawak ang kwelyo ni Uzman, habang patuloy sa pagbaha sa aking pisngi aking mga luha. Sa unang pagkakataon ay makikiusap ako sa kanya dahil alam kong sa sitwasyong ito, siya lang ang taong makakatulong sa akin.
"G-ggawin ko ang lahat ng nais mo. L-luluhod ako sayo. P-pagsisilbihan kita hanggang kamatayan..."
"Dahlia...", mahinang sambit nito sa aking pangalan.
"N-nagmamakaawa ako, tulungan mo akong hanapin si Miero, tulungan mo akong mahanap ang anak ko! Ang anak kong si Miero! Nagmamakaawa ako sa iyo, Uzman!"
Ang inosente kong anak, sa lupit ng mundo umaasa akong nasa mabuti siyang kalagayan ngayon. Please Miero, maging maayos ka, hahanapin ka na ng Nanay.
Si Miero; siya lang ang mayroon akong masasabi kong akin. Pati ba naman iyon ay kukunin ng makasariling mundo na ito. Hindi ko hahayaan iyon, magkakamatayan tayo.