Dahlia's
Ang sabi sa akin ni Michelle ay dinala nito sa arcade ng malapit na mall si Miero. Nalingat lang daw siya saglit dahil may binili siya at naglalaro lang naman daw doon si Miero pero bigla itong nawala at di na niya mahagilap. Napakalaki ng mall at gumagabi na rin. Ilang oras na kaming naghahanap peornhindi pa rin namin ito makita.
Kahit ang Auntie Nympha na siyang dapat na nag-aalaga kay Miero ay hindi ko ma-contact, hindi ba ito nag-aalala sa anak ko? Sa kanya ko ibinilin ang bata at baka madamay ito sa mga loan sharks na humahanap sa akin pero mali ako ng pinagkatiwalaan. Gumagabi na at hindi pa rin nakakauwi pero hindi man lang ito tumawag sa akin o di kaya ay kay Ashley.
Asaan ka anak ko, asaan ka Miero? Please anak, wag mong pakabahin ng ganito si Mama. Hindi ko alam kong anong gagawin ko kung may mangyari sa iyong masama.
"Kanina pa tayo, naghahanap. Bakit ba ayaw mong sabihin sa akin ang itsura niya? How could I find him if you're like that? All I know is his name is Miero!", napaigtad ako sa sigaw nito. Anak ko naman ang nawawala pero kung makaasta ito ay iba.
"May katabaan, wala siyang dalawang ngipin sa harap, nakasuot siya ng Hulk na shirt iyon kasi ang paborito niya at siguradong dala niya rin ang Hulk bag niya", pansin kong napatigil ito sandali parang mag inaalala.
"Why does that seems familiar to me?"
"Anong ibig mong sabihin?"
"Sa tingin ko ay alam ko kung asaan siya but is Miero his real name?"
"Asaan? Puntahan natin...", hindi ko na nasahot ang huling tanong nito. Niyakag ko na itong agad sa para dalhin ako kung asaan maaring anduon ang anak ko.
Nauuna na itong maglakad ngayon sa akin, sa kung saan tingin nito ay anduon si Miero. Naguguluhan man sa sinabi nito kung paanong alam niya kung asaan maaring anduon ang anak ko, ay ipinagwalang bahala ko na, kahit anong tsansa ay kukunin ko, makita ko lang siya ulit.
Tumigil ito sa second floor ng mall at nagtungo sa isang food stall na nagtitinda ng mga french fries. At hindi naman kami nabigo, anduon si Miero, nakaupo sa tabi ng glass railing, nasa gilid nito ang bag niya at maiging kumakain ng french fries.
"Oh, He is here again... Eros!", si Uzman ang tumawag rito na agad naman siyang napansin. Tumakbo ang huli patungo sa bata na nakangiting nakatingin sa kanya.
Eros? Si Eros at Miero ay iisa lang dahil pinagsama ko lang ang pangalan nitong Mikhail Eros. Kilala nito ang anak ko?
"Eros, andito ka na naman. Are you missing again?"
"Ssh, balik rin ako kay Ate Michelle mamaya. Kain muna ako"
Pinapanood ko lang ngayon ang dalawang tila may nabuo nang pagkakaintindihan. Mukhang hindi lang ito ang unang beses na nagkita ang dalawa. Napasinghap ako at naitakip ang kamay sa aking mukha. Ang dalawa ay patuloy pa rin sa pag-uusap.
"Mabuti naman. May hinahanap kasi kaming bata. Palayaw mo ba ay Miero?"
"Oh? Bakit mo ako tawag niyan, si Nanay lang tawag sa akin niyan", sagot nito. Nilapat pa nito ang kamay sa bibig ni Uzman.
Tila nanigas ako sa aking kinatatayuan, hindi lang dahil sa nakita ko na sa wakas ang anak ko kundi si Uzman ang siyang nakakita rito.
"Ah... so ikaw pala si Miero", ginulo nito ang buhok ng bata ng nakangiti sabay na napatingin sa akin at inarko ang ulo bilang hudyat na lapitan ko na ito, pero sa bigla ko ay hindi ko agad nagawa.
Napansin ni Uzman ang naging reaksyon ko at muling kinausap si Miero.
"Miero, andito ang Nanay mo. Gusto mo makita siya?", natigil ito sa pagkain ng fries.
"Bad iyon Mamang mabait. Wag ka mag lie, wala dito Nanay ko"
"Andito, gusto mo dalhin kita?"
"Sige po!"
Daling tumayo si Miero at niyakap ito, natawa pa si Uzman bago natayo at karga karga si Miero na naglakad papalapit sa akin, parehong nakangiti ang dalawa. Biglang nagslow-mo ang lahat at piniga ang aking puso.
"Nanay!", nakalahad ang dalawang kamay ng anak ko sa akin. Hinihintay na abutin ko iyon na aking ginawa saka ito nakalapit at ginawaran ng napakahigpit na yakap.
"Nanay may sugat ikaw, gamot natin. Wag na iyak Nanay, love ikaw ni Miero", tinapik-tapik nito ang aking likod, na mas lalong nagpa-iyak sa akin.
"I'm sorry anak, I'm sorry, sorry si Nanay", sa kagustuhan na maging mayos ang anak ko ay ako pala mismo ang nagdala sa kanya sa kapahamakan. Hindi sapat ang sorry, kaya pangakong babawi ako. Hindi na kita iiwan anak ko.
~~
Dahil sa nangyari, ay hindi na kami nakauwi sa boarding house ko. Hindi ko narin binalik si Miero kay Auntie Nympha, dahil di naman pala nito naalagaan ang bata. Isang matinding pangaral pa nga ang nakuha ni Michelle kay Uzman, naiyak pa ang bata dahil sa hindi na pala isang beses lang itong nangyari at nasanay na si Miero sa pang-aabuso ng mga ito.
Mahigpit kong niyakap ang aking anak na nakatulog na sa aking dibdib. Nalapatan na ako ng paunang lunas sa hospital kanina, ngayon ay andito kami at maiging naghihintay sa sala ni Uzman, may kausap kasi ito sa telepono.
"I called my lawyers. We will file for a child ab*se case. They can't do this to a child", sabi nito sa akin matapos ang tawag niya.
"Maraming salamat sa tulong mo, Sir Uzman pero kailangan ko muna kausapin si Auntie tungkol dito..."
Galit itong lumapit sa akin, pinigil lang nito ang boses dahil sa natutulog na bata.
"You almost lost your child, Dahlia. Not to mention the bruises on his body? You just let those filthy animals do that to him?"
"Anak ko siya, problema ko ito. Kung pupwede wag na sana kayong manghimasok pa. Hindi kami ang dapat na pinoproblema mo, pasensya na talaga", kinuha ko na ang gamit ni Miero at tumayo.
"Maraming salamat sa tulong ninyo, sisiguraduhin kong makakabayad ako ng utang na loob. At bilang Ina poprotektahan ko ang anak ko, di na ito mauulit la", niyuko kong bahagya ang ulo bago ito tinalikuran ng muli itong magsalita.
"And I'm the Father. I won't let anyone harm my child without them dealing with the consequences", hawak ng maigi si Miero ay hinarap ko itong muli, nagsimula akong kabahan.
"Ano bang pinagsasabi mo, Sir D--"
"I remembered you, Dahlia", dahan dahan itong nalapit.
"You were that girl from that night. The girl whose faceless face plagued me in my sleep. Ngayon, sa wakas, I can confirm na ikaw nga ang babaeng iyon, hindi ako maaring magkamali", napalunok nalang ako.
"Now tell me the truth, dahil hindi ko hahayaang makaalis kayo sa pamamahay ko ng hindi ko nalalaman ang totoo at mas lalong hindi ko hahayaang hindi magdusa ang mga taong gumawa nito sa anak ko. So tell me, did that night resulted with this young boy?", lumamlam sandalinang itsura nito ng tingnan si Miero.
"Beach party, four years ago. I know you remembered it vividly..."
Yakap ang aking anak ay naupo akong muli sa sofa. Isa-isang inaalala ang mga nangyari sa nakaraan.
/Flashback/
Debut ng kaibigan ko sa college gusto niyang maglibang. Mayaman ito kaya sinama niya kami sa isang beach trip. Ayoko sanang sumama sa mga ito dahil sa gulo namin ng Tatay ko. Ayoko na nagtatagal ang mga away namin, pero ng subukan ko naman itong kausapin ay tinaboy lang ako nito at sumama nalang daw ako sa trip.
Nag-away kasi kaming dalawa dahil sa utang na naman nito, at umuwi siyang bugbog sarado. Mahilig kasi ito sa sugal at tanging kanya lang ang pera niya dahil scholar ako sa school ko at may mga side hustle akong nagbibigay sa akin ng allowance, gaya nalang din kung saan part time ako, sa isang cafe.
Kung tutusin nga ay ako pa minsan ang nagbabayad sa mga bayarin sa bahay. Pero kahit na ganuon, mahal ko ang Tatay, sadyang masyado na itong lulong sa sugal at hindi ko na alam kong anong gagawin ko rito.
Ni hindi nga ako matapos -tapos dahil sa rason na iyan, kung hindi pa ako nagsipag ay di pa ako makakapag-aral.Kaya kung may pagkakataon, lumalabas talaga ako dahil kahit papaano ay nawawala ang problemang dinadala ko.
"Dahlia, tingnan mo ang gwapo noh?", tapik ng kaibigan ko.
"Ha, asaan?..."
"Iyon o, ang laki ng katawan. Paano kaya pag niyakap ako niyan. Pigain mo ako kuya!", pabirong sabi nito, umarte pang akap ang sarili.
"Ano ka ba ang landi nito", pabirong tinampal ko naman ang bibig nito.
Nagtawanan nalang kami ng muli ko itong tiningnan ngunit wala na uto sa kinauupuan niya. Napansin siguro kami at nainis, nagkibit-balikat nalang ako at bumalik sa pakikipagkwentuhan.
~
Pangalawang araw na namin ngayon. Nag- eenjoy lang kami kanina sa pamamasyal hanggang gumabi na kaya naisipan naming kumain sa isang reaturant. Ngayong araw na din kasi ang birthday ng kaibigan ko at bukas ay babalik na kami sa city. Studyante pa rin kasi, di pwedeng magtagal. Doon ay nahagip ng mga mata ko ang lalaki kahapon.
Kaharap nito ang isang umiiyak na babaeng banyaga na naka-bikini na inaalo ng kaibigan yata nito. Mukhang kanina pa yata may nagaganap na komusyon, pinagtitinginan na sila.
"Is that it? That's the best thing you can do? You think doing that will make mine stand erect? You look like a rat stuck in a sewer, well at least a rat knows when to hide unlike you completely exposing that crusty face", walang emosyong insulto ng lalaki nung isang araw lang ay natitipuhan ng kaibigan ko.
"Move, you filthy hoe"
Matapos nitong sabihan ng ganuon ang babae ay umalis na lang siyang bigla na parang walang nanagyari.
Ano yun? Gwapo nga ang sama naman ng ugali bastos pa ng bunganga!
"Deserve lang iyan nung girl. Dinakma na naman iyong puwet ni guy"
"Buti nga di siya nasapak eh. Iba na talaga panahon ngayon pati mga babae, nangha-harass na rin"
Oh?...
Ang bilis ko naman agad na-humbled nang marinig ang komento ng mga nakasaksi. Hinanap ng aking mg mata ang lalaki pero wala na talaga ito doon.
Ilang oras ang lumipas at walang humpay na party ang aming gabi. Nakasuot pa kani ng mga mask iyong pang fiesta talaga at nagsasayawan lang ng mapagod kaming magkakaibigan at isa-isang nalasing. Bagsak kong dinala ang mga ito sa aming cabin. Di naman kasi ako masyadong umiinom, kaya hindi ako nalasing.
Nang maipasok ko na ang mga ito sa silid ay tila naakit ako ng lamig ng gabi at liwanag ang buwan at napaisipan kong maglakad-lakad ng makarinig ako ng isang iritableng boses.
Iyong lalaki na naman na kanina, pero mukhang nakainom ito ngayon. May mga kausap siya, napakamot ito sa kanyang ulo at inis na nagsalita.
"I told you, I didn't hit on your girlfriend"
"Nakita ko kayo, kung makangiti sayo ang girlfriend ko--"
"If you're the boyfriend I would smile at other guys too"
"Ang angas mo magsalita ah gusto mo bangasan kita?"
"I want to see you try", binugahan nito ang lalaki ng usok galing sa vape niya na kinainis nito at aambahan na siya ng suntok mg mabilis kong sinuot ang aking mask at takbong hinila ito palayo sa pangyayari.
"Hoy! Bumalik ka dito!"
Nagpatangay lang din ito sa akin. Walang kahit anong salitang lumabas sa kanyang bibig, patuloy lang kami sa pagtakbo, pasikot-sikot hanggang sa mapagod na ako. Hinila ko siya at isinandal sa isang pader ng isang cabin. Habol naming pareho ang hininga.
"Ayos ka lang ba?", tanong ko rito pero hindi ako nito sinagot at imbes ay tinawanan lang.
"That was fun! And you even took me back to my cabin. Are you stalking me?"
"Ha? Aba at hindi!", napatinngin ako sa magarang cabin na anduon.
"So, you're just a concern mask girl right?"
"Ano kasi--"
"Forget that, anyway, since you save me from that dimwit and you made me regain my adrenalin. I'll give you a reward..."
Lumapit ito sa akin, inangat ang aking baba at tatanggalin pa sana ang suot kong mask ng pigilin ko ito ng lantad na dito ang aking bibig.
"Well then, what happens tonight stays here tonight so I will kiss you now...", at dinampi nga nito ang kanyang labi sa akin.
Wala na akong nagawa at nanigas nalang sa kinatatayuan. Gusto ko siyang itulak pero may parte sa aking gusto ang nangyayari. At sa bawat hagod ng mga labi nito at galaw ng dila sa bibig ko ay nakukumbinse ako at tuluyang napapikit.
What happens tonight stays here tonight. Bahala na si Batman!
/End of flashback/
"I had a fight with my Grandfather that time. I was so angry, I had to let loose. That's why I slept with you just like that. I know I was wrong, I unseemingly forced you and didn't even had protection. Kaya sabihin mo sa akin ang totoo", bumaba ang tingin nito sa bata.
"Miero; he is mine right?", tanong nito ulit.
Hindi ko alam pero may parte sa akin ang nag-aalala na paano kung malaman nito ang totoo ay magugulo ang nakasanayan na naming dalawa ni Miero.
"Paano mong nalaman na ako ang babaeng iyon?", pag-iiba ko.
"When... when we were doing it, your mask fell loose. I saw your face for a moment and I was stupid to realize it now", tango lang ang ibinigay ko ritong sagot. Hawak pa rin ng mahigpit si Miero, tulog na tulog ito.
"Hindi ka ba talaga sasagot? Do you really want me to make it hard for you?", naupo na ito sa aking tabi, nanghahamon nakatingin, naghihintay ng sagot.
"H-hindi..."
"Dahlia!"
"Isang gabi lang iyon, Sir Uzman. Sa tingin mo ay magreresulta agad iyon ng isang bata? Sa tingin mo talaga ikaw lang ang naging lalaki sa buhay ko?", pagdadahilan ko pa, umaasang papaniwalaan niya.
"I don't believe you!", turo nito sa akin.
"Paniwalaan mo ang nais mo paniwalaan pero iyon ang totoo", tumayo na ako.
"Salamat muli sa tulong pero aalis na kami"
"At saan ka pupunta? Wala kang bahay na matutuluyan ngayon"
"Alam ko at alam ko na ang gagawin"
"Is this the life you keep living? Palipat-lipat kung saan?"
"Oo, at wala ka na doon"
"Do you think I will let you?", hawak nito sa kamay ko sabay tawag kay Manang.
"Kunin niyo ang bata, ilagay niyo sa guest room", naguguluhan na nakatingins a amin si Manang pero wala itong nagawa at sinunod ang utos sa kanya.
"Hindi wag!", pero pinigil ako ni Uzman at nakuha ni Manang ang bata at inalis doon.
Nagpupumiglas pa rin ako pero mas malakas si Uzman at marahas akong hinarap sa kanya.
"Walang aalis. At least not until I know if he really is not my son"
"Uzman, nagmamakaawa ako"
"I will conduct a DNA testing. Hanggang di lumalabas ang result, dito lang si Miero at dito ka lang!", hinila nito ang aking kamay at dinala ako sa itaas na parte ng kanyang bahay at sinadlak sa isang silid.
"Stay here for the mean time"
"Hindi, doon ako sa anak ko. Hahanapin niya ako Uzman!", sigaw na hampas ko na dito.
Nag-igtingan ang mga panga nito at hinila na nana ko palabas at ngayon ay ipinasok ako sa silid kung asaan natutulog ang anak ko. Mabilis ko itong nilapitan at hinagkan sa noo.
"K-kung positive ang result ng test, a-anong gagawin mo?", tanong ko rito.
"That's for me to find out", at lumabas na ito ng silid. Dahan-dahan ay napaupo ako sa gilid ng kama, sa malamig na papag at niyakap ang mga binti at mahinang naiyak na lang.
Si Mikhail Eros ay anak mo Mikhail Uzman.
Bulong ko sa likod ng aking utak. Mga salitang di ko magawang sabihin rito dahil alam ko kung malaman nito ang totoo ay kukunin nito sa akin ang anak ko. Wala na akong takas sa DNA test. Maiiwan akong mag-isa, at di ko alam kung kakayanin ko ba iyon.