Capitulo Nueve

2692 Words
Uzman's I have here in my hand, a brown envelope, containing the result. Hindi ko pa ito nabubuksan, for the first time since the incident I feel the nervousness eating me, na tila .ay napakalaking bara sa aking lalamunan. Sa ngayon ay nasa pamamahay ko parin sina Dahlia at ang bata. Mahigpit kong sinabihan si Manang na wag itong hayaan na makaalis ng bahay. Because if the result is positive, ut means that she is lying to me and she has plans to take Miero away from me. Sa ngayon ay andito kami kina Donovan. I called for them; gusto kong kapag malaman ko ang resulta ay malaman rin nila. I don't know why, I always handle things my way, dahil alam ko naman ang gagawin but with this, nalilito pa ako. Kung maging positibo ang resulta, hindi ko alam kong saan magsimula. "Ano ba iyang dala mo? May kinalaman ba iyan sa pagpapunta mo sa amin?", tanong ni Benille, na nakahiga sa coach, napahikab pa. "It must be, kanina pa siya nakatitig diyan", ani ni Jorge na naghahalungkat sa books shelf. "Buksan mo na kasi, may lakad pa kami ni Akari", nakapameywang na wika ni Donovan, habang nagpapadyak ang isang paa nitong nagmamadali. Tiningnan ko lang ang tatlo bago muling napatingin sa hawak na envelope; wala akong sinabi sabay na nagungolan sa iba't-ibang tingin ang tatlo. "f**k, give me that!", hinablot ni Donovan an ang envelope sa mga kamay ko at wala akong nagawa kundi ang hayaan na lang itong buksan iyon. Nilabas nito ang papel na naglalaman ng resulta at binasa ang nakasulat. I clasped my hands and gritted my teeth in anticipation. "What does it say?", tanong ko rito. Hindi agad ito sumagot at ang irita nitong mukha kanin ay napalitan ng gulat, umawang ang bibig nito at seryosong napatingin sa akin, sa hawak na papel tapos kina Jorge at Benille. "Ano? Magtititigan na lang ba tayo dito? Isa ka pa Donovan. Give me that!", hinablot ni Jorge ang kapiraso ng papel. Tumayo si Benille sa pagkakahiga at lumapit kay Jorge at nakikibasa na rin sa laman nito at baka matitigal rin ito kagaya ni Donovan. "You have a child, Uzman?", tanong ni Jorge. "M-may... okay, let's just say I have a situation here at duda ako na baka anak ko ang bata. So I conduct a DNA test", pagpapaliwanag ko. "At hindi mo pa nababasa ang resulta ganuon ba?", tanong ni Don. "Not yet, you pull it out of my hand you asswipe!", "You're the Father", hayag ni Benille at bumalik na sa pagkakahiga. "I am?", kinuha ko ang kapiraso ng papel. "It says there, ninty-nine point nine and so on. Anak mo si Mikhail Eros" "Dang! She even named it after you, bobo mo naman, Uzman. Kahit walang paternity the child is clearly yours", point out pa ni Donovan. Anak ko ang batang iyon. I have a threeyear old boy, who seems mature for his age. That's when I also realize, there is another Deguangco who would take my surname. If Grandpa would know about Miero, what would he think about him? "Sino ang nabuntis mo?", tanong ni Jorge. "Si Dahlia", sabay na napa-isip ito at si Donovan. "Whose Dahlia?", panabay nilang tanong. "The girl who cooks for him. She's Dahlia", sagot ni Benille. "Oh wow that girl? Sinampal ka talaga ng tadhana, Uzman. You're years late kasi for the sustento!", hampas ni Donovan sa balikat ko. "How old is the child?", tanong ni Jorge. "He is four years old. Hindi pa niya alam na ako ang Tatay niya, but I will inform Dahlia with the result" "And then what will you do?" "I'm still thinking about it..." "I know you hate marriage, Uzman but with a child wouldn't you consider?" "Oo nga mukhang desente naman iyong Dahlia" "But when did you two meet anyway?" Sunod-sunod ang mga tanong ng mga ito sa akin. Hindi ko alam kung anong isasagit, hindi rin naman kasi ako handa. In just a span of two days, I am a Father. Paano ko ida-digest sa utak ko iyon? When all my life I am keen to live on my own, without worries and now... Dahlia and Miero happened. "Please stop pressuring me!", itinaas ko amg dalawang kamay para pigilin silang tatlo. "Ngayon ko lang nalaman na may anak akong qlalaki. Pwede ba dahan-dahan lang, I'm not in for all that responsibility " "At anong ibig mong sabihin?", Jorge said almost growling. Tinapik ito ni Don na siya namang naglitanya. "You're a grown ass thirty year old adult. Anong not ready? Kung nag goma ka sana bago mo pinasok yang iyo ay wala ka sana sa ganitong sitwasyon. Tadyakan kaya kita sa b***t!", galit ang tono nito. I can sense them both frustrated with me, of course dahil pamilyadong mga tao na sila. They value family amongst anything. "Guys, pwede ba wag niyo idaan sa init ng ulo? Uzman here called us first, for the very first time he did. Can we just talk this out ng hindi nakahanda ang mga kamaong manapak? Lalo ka na Don" "Alam ko naman ang point mo Benille but being the elder here. Wala kayong ibang maririnig sa akin kundi ang panagutan niyo ang ginawa ninyo. Ready or not, andyan na yan. That's the consequence for the poor action you took years ago. Be a man!" Wala nang kahit sino ang nagsalita pang muli. Alam naman kasi naming lahat na tama si Donovan. I know it's the right thing to do, papanagutan ko naman talaga dahil nasa tamang gulang naman na kami but to propose marriage. I don't think I can trust Dahlia that much to tie myself to her; I won't. "Hey, your phone's vibrating", tawag pansin sa akin ni Benille. Kinuha ko ang phone ko si Manang ang tunatawag dahil numero ito ng bahay. "Yes Manang ako ho ito...", nagsalita ang nasa kabilang linya. Naikuyom ko ang aking kamaya t mahigpit na napahawak sa cellphone at matapos ang tawag ay marahas kong initsa ang phone na tumama sa sofa na anduon, napatingin sa akin ang tatlo. "What happened, Uzman?" "Dahlia... she runaway with my son" I am fuming mad! Dahlia's Patingin-tingin sa paligid at baka may nakamasid habang pinagbabalat ng itlog si Miero. Hapon na at nasa bus station kami ngayon, ang plano ko ay sa probinsya ng Nanay na muna kami tumira, mabuti doon at malayo kay Uzman. "Ito anak, isasaw mo sa asin, kain ka", abot ko rito sa itlog, patuloy pa rin sa pagmamasid. "Nanay, saan tayo punta?" "Sa probinsya, anak. Di ba sabi ko gusto mo dalawin si Lola? Doon siya nakalibing kaya dalawin natin?", agad naman itong napangiti sa sinabi ko rito. "Yey! Punta kami Lola!", angay pa nito sa dalawamg kamay. Sa tuwa ko ay nilapat ko ang aking noo rito sabay na kinuskos naman nito ang tungki ng kanyang ilong. Ito ang mawawala sa akin kapag lumabas ang resulta, at iyon ang ayaw kong mangyari. Gumawa ako ng paraan upang makatakas kami sa pamamahay nito, mabuti nalang talaga at hindi ito naglagay ng security na magbabantay at matanda narin naman si Manang kaya kahit pa nakita nito kaming lumabas ay di na rin niya ako mapipigil. Di nagtagal ay nakasakay narin kami ng bus. Walang kahit na sinong nakasunod sa amin, mabuti naman, nakahinga ako ng maluwag at sa haba ng byahe ay naidlip na din. Nagising ako at pagtingin ko sa oras ay halos isang oras din pala akong nakatulog, si Miero naman ay natutulog pa rin sa aking tabi. Gumagabi na, di pa rin kasi talaga madilim pero alas seis na ang nasa oras. Dahan-dahan lang akong gumalaw upang hindi madisturbo ang pagtulog ni Miero ng biglang nagpremo ang bus, nagsigawan ang mga tao sa loob ako naman ay hinawakan ng maigi si Miero na ngayon ay nagising na at kinukusot ang mata. "Manong , dahan-dahan naman!", sigaw ng pasahero. "Nanay anong nangyari?", tanong nito ng marinig kong sumagot ang driver ng bus. "Pasensya pero kasi, sino bang hindi titigil eh nakaharang ang mga ito sa daan" Puno ng kuryusidad ay sinilip ng mga tao ang nasa harap. Sisilipin ko na rin sana iyon ng isa boses ang nagsalita galing sa megaphone. "Dahlia Fojas, alam ko na naririnig mo ako. Don't make it hard for yourself. Get out of the bus, now!" Nanlaki ang aking mga mata at nilukob ng kaba ang aking dibdib. Itinayo ko si Miero at niyakap ito. "Nanay may tawag sayo, Dahlia daw", hawak nito ang aking pisngi. "Hayaan mo anak, wag ka makinig", subsob ko sa ulo nito sa aking leeg. Sandaling tumayo ako sa kinauupuan at sinilip ang nasa harap namin at gulat kong nakita si Uzman na siyang may hawak na megaphne. May kasama itong lalaking pula ang buhok na nakadantay ang siko sa balikat ng isa pang lalaki rin na naka leather jacket. Nakaharang lang naman ang humigit kumulang sampung sasakyan sa harapan nila at ng tingnan ko ang likuran ay mayroon din doon. Wala man lang bang ibang dumadaan na sasakyan? Wala bang pulis na tutulong? Paano nilang ganuon ako kabilis na natunton? "Sino ba kasi iyang Dahlia at kung pwede ba ay lumabas na" "Wala man lang bang ko-contact ng pulis? Di makakusad ang bus" "Sinubukan ko na Miss, pero walang sumasagot sa police station kung asaan tayo eh" Hindi makapaniwalang, umawang ang aking bibig. Ganuon ba talaga ito ka makapangyarihan? Kahit ang mga police ay kaya nitov manipulahin? Mali ba ang ginawa kong ito? Sa gitna ng pag-iisip ay nakarinig ako ng paang papasok ng bus at ng tukuyang makapasok ay naharap sa akin ang naninigkit na mga mata ni Uzman. Papalapit ito sa amin, bigla namang humarap rito si Miero. "Si Mamang mabait!", tinuro nito ang Ama. Sandali itong napatigil at mabilis na hinablot ito paalis sa aking pagkakahawak at naglakad pababa ng bus. "Ah! Nanay!", iyak na tawag sa akin ni Miero. "Uzman!", malakas ang sigaw ko rito at sumunod agad sa kanya. Binigyang daan naman ng mga sasakyan ang bus kaya nakaraan na rin ito. Habang ako patuloy sa pagsunod sa kanya. Hawak hawak nito si Miero na ngayon ay umiiyak na, inaabot ang kamay sa akin na hindi hinahayaan ni Uzman hanggang sa mahawakan ko ang braso nito at malakas niya akong winaksi dahilan upang matumba ako sa semento. "Nanay! Eh bad ikaw di ikaw Mamang bait!", hinampas ng bata ang mukha nito. "Miero stop!", pigil niya sa bata. Tinawag nito ng tauhan niya upang kunin ang bata at pinasok sa isang sasakyan. Desperado na at tuluyan nang malalayo sa aking anak ay napahawak ako sa binti ni Uzman. "Nagmamakaawa ako Uzman, parang awa mo na. Ibalik mo si Miero" "Uzman, this is too much. Nakuha na natin ang bata" "I'm not done yet, Kerin!" "You said, someone took your son. Uzman, it's his Mother...", saad ng pula ang buhok. "Mother or not, tinangay niya ang anak ko, Juanco" Kahit anong paliwanag sa kanya ay walang pinapakinggan si Uzman. Galit ito, nais niya akong wasakin at ginawa na niya ng kunin niya ngayon si Miero. "Parang awa mo na, Uzman", walang humapay na iyak. Wala na akong pakialam kung magmukha akong kaawa-awa. "Di tayo magkakaganito kung di mo tinangay ang anak ko. You want this the hard way, let's do it the hard way. Dadalhin ko ang bata sa Italy at doon na kami maninirahan. And you, you will live your life here alone", hinablot nito ang isa kong braso patayo, napadaing ako sa sakit ng paglakahawak nito. Hawak na nais akong saktan pero pinipigil niya lang. "P-parang-awa mo na...", halos di ko na mailabas ang mga salita sa aking bibig. Wala itong kahit anong sinabi at nakatitig lang sa akin ng maramdaman ko ang mga kamay nito na pinahid ang aking mga luha. "Itinago mo sa akin na may anak ako noon, at itinakas mo ang anak ko ngayon. Di mo ako binigyan ng pagkakataon maging Ama sa kanya. So don't cry as if you're not expecting this to happen to you; sinagad mo ang unting tiwala na mayroon ako sayo. So now, learn to live with it", binitawan ako nito sa pagkakahawak at tuluyang tinalikuran at sumakay na sasakyan nito paalis. Sumunod ang mga alipores nito at naiwan akong mag-isa sa gitna ng daan kung saan tuluyan akong bumigay at nasadlak muli sa lupa. Hawak ang dibdib ay nilamukos ko ito sa kirot ng nararamdaman, patuloy sa walang sawang pag-iyak dahil di kagaya ni Uzman, wala akong magagawa. "Stand up, girl", isang boses ang nagsalita at papalapit na tunog ng mga yapak ng paa ang aking narinig. Iyong lalaking kulay pula ang buhok, rinig kong tawag ni Uzman rito ay Juanco. May hithit itong sigarilyo ng pinantay sa akin ang mukha sabay na binuga ang usok sa aking mukha, pikit akong napaubo at natigil sa pag-iyak. "I hate seeing woman cry. Men are just so stupid; Uzman is stupid", nakataas ang itim ng mga mata nito at nag-make face. "A-anong--", binugahan na naman ako nito ng usok. "Tumayo ka, dadalhin kita kung saan sila papunta", alok nito sa aki. "P-pero si Uzman" "Bakit papatalo ka? Hahayaan mong malayo ka sa bata? When you can use yourself as an ace?", wika pa nito. "Dapat mag-isip ka ng gagawin imbes na kaawaan ang sarili mo at mag-iiyak. You're a mother after all", hinilia ako nitong patayo, pinagpag pa ang dumi sa paa ko. Kaibigan ba ito ni Uzman? Bakit ang bait nito sa akin? "S-salamat..." "Saka ka na magpasalamat kung nasa piling mo na ang anak ko. Now, see that Koenigsegg? Get inside, get to him and punch the s**t out of Uzman", tumaas ang sulok ng labi nito at naglakad na papunta sa sasakyan niya. Mabilis na pinatakbonang sasakyan ay napakapit nalang ako mgahigpit sa kinauupuan. Wala nang oras na dapat aksayahin pa, at nakaisip na rin ako ng planong magagmit ko upang makapiling ko ang anak ko. Use myself as an Ace. I am the Mother. Mga katagang hindi lumisan sa aking isip hanggang sa makarating kami sa pamamahay nito. Bukas ang gate, hawak ng isang tauhan ang umiiyak pa rin na si Miero na mabilis na naipasok. Habang si Uzman naman ay kausap ang lalaking tumulong rito kanina. "We are here...", pinahinto ni Juanco ang sasakyan, binuksan ko ang pintuan niyon. Lakas loob na lumbas, at pinahid ang mga natitirang luha sa aking mga pisngi. Napansin ako ng ngayong gulat nang si Uzman, hanggang sa isang dipa nalang ang aming layo rito. "What are you f*****g doing here?", "Andito ako dahil ako ang Ina ng anak mo. At para gawin ito...", isang malakas na sampal ang ginawad ko rito, napahawak siya sa kanyang pisngi at bahagyang napa-awang ang mga labi ng pintulo ko ang distansya sa aming dalawa, hinila ito sa kwelyo at marahas na pinagsaklob ang aming mga labi. Hinalikan ko ito sa harap ng mga tauhan niya at wala akong pakialam. Ni hindi ako nito inalis sa pagkaladikit sa kanya at mukhang gulat na gulat rin sa ginawa ko. Hanggang sa ako ang kusang tumapos ng halik. "Nagka-anak ka sa akin, Sir. Panagutan mo ako", hawak pa rin ang kwelyong wika rito. Ang mga mata nito ay nanlaking nakatingin lang sa akin ng deritso. "Anong ibig sabihin nito?", isang boses ng babae ang narinig. Isang eleganteng babae na nasa labas na ngayon ng kanyang sasakyan at mukhang kakadating lang. "Mom..", ani ni Uzman. Mom? "May anak?... sa babaeng ito?" Galit na palipat-lipat ang tingin nito sa akin at kay Uzman. Ito na ang chance ko. Inalis ko ang kamay sa kwelyo nito ant pasimpleng inikot ang kamay nito sa aking bewang. "Yes, Mrs. Deguangco. Ako si Dahlia Fojas, at nabuntis ako ng anak niyo, apat na taon ang nakakaraan at nasa loob ngayon ang anak ko. Kaya siguro mas mabuting sa loob na tayo mag-usap",binalingan ko si Uzman na kanina pa nakatingin sa sa akin. "Dahil marami kaming kailangang ipaliwanag sa inyo...", hindi makapaniwala sa mga sinasabi ko ang mga tinging ibinigay ni Uzman, inismiran ko lang siya. Tama, ako ang ina at hindi ko hahayaang malayo sa akin ang anak ko ng ganun lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD