Chapter 8

1922 Words
Angel Nang maihatid ako ni Lucinda sa aking tinitirhang condo ay agad akong nagpasalamat sa kanya at nagpaalam na rin. Papasok na sana ako sa gusali nang bigla kong marinig ang aking pangalan at bumalik naman ang sinasakyan niyang kotse. “I forgot to get your number. Since parehas naman tayong mag-s-stay dito sa Paris ay mas maganda kung lumabas naman tayo minsan?” Tumango naman ako at linabas ko ang aking cellphone sabay binigay sa kanya ang aking number. Nang makuha ko ito ay agad siyang nagpaalam sa akin at kumaway pa sa akin habang nakalabas ang kalahati ng kanyang katawan. Napailing na lamang ako sa kanya habang kumakaway din ako sa kanya. Naalala ko nga pala na kailangan ko pa lang ipaalam sa aking ama na nakarating na ako para hindi nanaman siya mag-alala sa akin. Dumiretso na ako sa aking condo upang magpahinga dahil malayo rin ang aking binyahe at hindi rin ako nakakuha ng tulog dahil sa kadaldalan ng aking katabi. Pagpasok ko ay agad akong dumiretso sa aking kwarto at pabagsak na humiga sa aking kama. Pagpikit ko ay agad na akong hinila ng antok at nang lumaon ay nakatulog na ako. Maya-maya ay bigla akong nagising sa tunog ng aking cellphone at pagtingin ko sa labas ay mukhang gabi na dahil wala na akong makitang araw sa labas. Nahilot ko ang aking ulo sabay bumangon at kinuha ang aking cellphone sa aking bag. Binuksan ko na rin ang aking ilaw sabay nakita na tumatawag ang aking ama sa akin. “Hello, Dad?” “How are you, child? Nakarating ka na ba?” “I’m fine. Didn’t you receive my text?” Tumayo ako sabay pumunta sa aking kusina upang kumuha ng maiinom. “I did. Gusto lang sana kitang tawagan para kumustahin ka.” “Dad, I told you I’ll be fine. Isa pa kagigising ko lang dahil medyo inaantok pa ako at hindi ako nakakuha ng tulog kanina sa byahe.” Sabay inom ko ng tubig. “Why?” “Well, there was this girl beside me who keeps on talking. Not that I’m complaining because she was a great company. Sa kadaldalan niya ay hindi na ako nakakuha pa ng tulog kaya bumabawi ako.” Napangiti naman ako nang maalala ko iyong mga kwento niyang nakatatawa. Naalala ko tuloy ang kambal ko sa kanya dahil katulad niya ay sobrang daldal din niya. “I see. Well, I don’t want to disturb you more. Just called to see if you were fine. I have to go. Take care there, child.” “I will. Bye, Dad.” Pinatay ko na ang tawag sabay inisang lagok iyong tubig na aking kinuha. Sa sumunod na araw ay abala akong nagliligpit ng iba ko pang gamit at inaayos ang ayos ng aking condo nang makarinig ako ng doorbell sa aking pinto. Sigurado ako na si Paris nanaman ito dahil sinabi ko sa kanya kagabi na nakarating na ako rito sa France. Pagkarinig niya nito ay binalak niya pang pumunta rito sa aking condo pero pinigilan ko lamang siya dahil sinabi kong napagod ako sa byahe at kailangan kong magpahinga. Pabukas ko ng pinto ay tama nga ang aking hinala dahil mukha niya agad ang bumungad sa akin. May pinakita siyang mga paper bag sa akin at dumiretso na siyang pumasok sa aking kusina. Ilinabas niya ang kanyang mga pinamili at bigla naman akong natakam dahil hindi pa pala ako kumakain ng almusal. “So? How’s Italy?” tanong habang linilipat ang mocha cake na kanyang binili. “Just fine. Just the usual. You?” tanong ko sabay tumusok na ng isang piraso ng mocha cake sabay subo ito. Napangiti siya sa akin sabay parang excited na may linabas sa kanyang bag at pinakita ito sa akin. Nagtataka naman akong napatingin sa dalawang rektanggulong ticket na hawak niya at tinanong siya kung para saan ito. “Naalala mo noong bago ka umalis ay sinabi mo sa akin na maghanda ako ng regalo mo para sa birthday mo?” Tumango ako at nagtatatalon siyang ngumingiti sa akin. “Let’s go to a vacation for two weeks.” “What? Two weeks? Teka saan ba iyan at sobrang haba naman yata ng bakasyon na iyan? Usually, one-week lang naman ang bakasyon ‘di ba?” Kinuha ko ang ticket sabay binasa ang nakalagay dito. “Ano ka ba naman? Ayaw mo ba nun? Dalawang linggo tayong pupunta sa isang bakasyon. Isa pa hindi lang ito basta-basta lang na bakasyon kasi isa itong sikat na Isla malayo rito. This is a private island owned by a handsome businessman. Balita ko nga ay siguradong nandoon din ang nasabing may-ari ng Isla,” paliwanag niya. Tumayo ako sabay kumuha ng juice sa ref. “Paris, kagagaling ko lamang sa isang bakasyon sa Italy at kahapon lang ay bumyahe ako ulit ng sobrang haba. Pagkatapos ngayon ay byabyahe ulit tayo? Ano ba ang mapapala natin sa bakasyon na iyan e para ka rin lang naman yatang pumunta sa Boracay?” “Gaga! Ang KJ mo talaga kahit kailan. Birthday gift ko nga sa iyo ito tapos ayaw mo namang tanggapin.” Sumimangot na siya sabay dinabog na linapag ang dalawang ticket sa ibabaw ng aking mesa. Minsan talaga ay isa ring parang bata kung umasta itong naturingang best friend ko rito sa Paris. Ano ba kasi ang meron sa Isla na iyon at gustong-gusto niya ang pumunta roon? Napahinga tuloy ako ng malalim sabay linapag ang kinuha kong juice at napantingin sa kanyan na para nang iiyak. “Hays. Kapag sasama ba ako ay mag-e-enjoy ako riyan?” tanong ko at napaangat naman ang tingin niya sa akin. “Promise. Cross my heart. Hope to die. Pero ayaw ko pang mamatay pero pangako ko sa iyo na mag-e-enjoy ka.” Tinaas niya pa ang palad niya sabay nag-drawing ng cross sa tapat ng kanyang puso. Inikotan ko siya ng aking mga mata. “Fine. Sasama na ako pero…” Nagsisisigaw siya pero pinatigil ko siya. “Sasama ako basta ipangako mo sa akin na hinding-hindi mo ako guguluhin sa lahat ng gagawin ko roon. Sasama ba si Tristan?” Tumango siya. “Okay. Huwag mo akong alalahanin habang nasa Isla tayo at gusto kong mag-enjoy kayo ni Tristan.” “Promise. I swear,” masayang sambit niya at nagtatatalon na siya. Lumabas siya ng aking condo at narinig ko na tinatawagan na niya si Tristan. Napatingin naman akong muli sa ticket at binasa ang nakalagay dito. “Gehenna Island… Hmmm…” Ayon kay Paris ay sa susunod na linggo na raw kami aalis patungo sa Isla na tinutukoy niya. Nasabi niya na napanalunan niya raw ito sa isang raffle sa mall at may tatlong ticket na binigay sa kanya. Nang binabasa ko ang tungkol sa raffle ay lahat daw ng mga activities sa nasabing Isla ay wala kaming gagastusin dahil iyong ticket na napanalunan ni Paris ay isang Special Ticket. Magdadala pa rin ako ng extra ko na pera just in case dahil malayo sa kabihasnan ang nasabing Isla. Ayaw kong mag-over think pero hindi ko rin kasi masabi kung ano ang pwedeng mangyari sa dalawang linggo na pananatili namin doon. Nag-impake na ako ng aking mga gamit na gagamitin ko ng dalawang linggong bakasyon. Medyo nakaka-excite rin naman na pupunta ako ng bakasyon sa isang Isla. Kailan ba iyong huli na nag-swimming ako sa isang beach? Habang nag-iimpake ay naalala ko na iyong mga swimsuit ko pala ay puro luma na kaya kailangan kong bumili ng bago. Linabas ko ang aking cellphone sabay tinawagan si Paris at sinabing samahan niya akong mag-shopping para sa aking mga gagamitin. “Sakto! Tatawagan din sana kita para mag-shopping tayo pero naunahan mo na ako. Katatapos ko lamang maligo kaya magpapalit lamang ako at hintayin mo na ako riyan.” “Sure.” Binaba ko na iyong tawag at naisipang pumunta na rin sa banyo upang maligo habang hinihintay ko si Paris. Habang nagpapalit ako ng aking damit panlabas ay narinig ko na mula sa labas si Paris. Rinig ko na agad iyong paraang ng paglalakad niya sa hallway kaya alam kong siya na iyon. Kaya naman bago pa siya mag-iingay sa labas ay mabilis ko na siyang pinagbuksan ng aking pinto. Napangiti ako dahil nakita ko na sakto sanang kakatok siya. “Wow. May mind reading power ka ba at alam mo na agad na nandito ako?” Pumasok na siya at napangiti lamang ako. “It’s just a coincidence,” sagot ko naman kahit rinig na rinig ko na siya kanina pa. “Anyway, ready ka na ba? Ihahatid daw tayo ni Tristan sa mall at susunduin niya tayo pagkatapos.” Pahayag niya at sinuot ko na ang aking sapatos sabay sinukbit ang aking bag sa aking balikat. Paglabas namin ay nakita ko nga na nandoon na si Tristan na naghihintay sa amin. Pagsakay namin ay napaikot ang aking mga mata dahil nakuha pa talaga nilang maglandian sa aking harapan. Tumikhim ako at napatigil naman sila sa kanilang ginagawa. “Kanina pa kayo nagkita pero kung umakto kayo ay parang isang taon kayong nawalay sa isa’t isa. May kasama kaya kayo noh?” mataray kong saad at tinawanan lamang ako ng dalawang ito. “Relax, Gie,” simula ni Tristan na talagang pinanindigan ang kanilang ginawa kanina. “You should have you own boyfriend soon. Iba kasi iyong feeling na may mahal ka at hindi ka kontento na nakikita o nakakasama mo lamang siya palagi. You want more.” “Tss! Ehh kung iyang paa mo e itapak mo na sa gas ng kotse mo para makaalis na tayo noh? More na more na ang traffic sa daan para malaman mo. More na more rin ang tao sa mall at baka maubusan pa kami ni Paris.” Umiling na lamang siya habang ngumingisi at pagtingin ko naman kay Paris ay nakasimangot siya. “Bitter,” sabi niya. Hindi ko na lamang siya pinansin at nagsimula nang magmaneho si Tristan. Pagkaparada ni Tristan sa parking area ng mall ay agad na kaming lumabas ni Paris sa kanyang sasakyan dahil nagsisimula nanaman silang maglandian. Wala kaming matatapos dahil sa paglalandian ng dalawang ito. Pagpasok namin sa mall ay dumiretso kami sa mga bilihan ng mga panty at bra at agad na kaming namili ng aming mga isusuot. I am confident with my body kaya naman kumuha na lang ako ng mga sexy na mga swimsuit. Gano’n din si Paris at alam ko na agad ang tumatakbo sa utak niya base pa lang sa kanyang mga ngiti. Nang makapili kami ng swimsuit ay dumiretso naman kami sa mga shorts, shoes, pants at marami pang iba. Iyong binabalak namin ni Paris na bibili lamang kami ng swimsuit ay nauwi sa pagbili namin ng sandamakmak na gamit. Kinailangan pa tuloy na tawagin ni Paris si Tristan dahil sa bigat ng aming mga pinamili. Habang papunta kami sa sasakyan ni Tristan ay parang may nahagip ang aking mga mata na kahawig ng lalaking nakilala ko sa bar. Ang kaso pagtingin ko ay wala naman na ito kaya naisip ko na marahil ay guni-guni lamang ito. Hinatid na kami ni Tristan pauwi at sinabi na magkita-kita na lamang daw kami sa araw ng aming byahe. Nagpaalam na ako sa kanila at saka pumanhik sa aking condo upang ayusin muli ang aking mga gamit. Hindi ko man sabihin ay habang papalapit ang araw ay excited na rin akong pumunta sa nasabing Isla. Sana naman sa pagpunta ko roon ay may mapala naman ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD