Chapter 9

2102 Words
Angel Madaling araw pa lang ay gising na ang aking diwa dahil alas-sais ang oras ng aming byahe papunta sa Isla. Mula kasi rito ay kailangan naming bumyahe ng tatlong oras para lang makapunta sa Gehenna Island. Nagtataka ako kung bakit Gehenna ang panglan ng Isla at noong sinearch ko ito sa Google ay nalaman ko na ang ibig sabihin pala nito ay Impyerno. Nakapagtataka lang na bakit Impyerno ang ipapangalan mo sa isang Isla kung maganda naman ito at isa itong tourist destination. Sa aking kuryusidad ay mas lalo ko tuloy gustong makarating na sa nasabing Isla. Nagbasa rin ako ng ilang reports at ayon sa ibang turista ay gusto raw nila ulit ang bumalik doon at kung pwede nga lang daw ay doon na raw sila tumira. Hinihintay ko na ngayon sina Tristan at Paris dahil sinabi nila na susunduin na lang daw nila ako rito sa condo para sabay-sabay na kaming didiretso sa pampang. Isang trolly at isang bag pack ang aking dala dahil masayadong mabigat kung dalawang trolly ang aking dadalhin. Sakto ay nakita ko na mula sa malayo ang isang pick-up truck na puti na papalit sa amin at nakita ko na iba ang driver ng sasakyan. “Gie!” sigaw ni Paris at napatingin ako sa kanya sa bandang likuran ng sasakyan kasama si Tristan. Binuhat naman nila Tristan ang aking mga gamit at linagay ito sa likuran ng truck kasama ng mga gamit nila. Sumakay ako sa tabi ni Paris habang si Tristan naman ay nasa passenger’s seat. Doon ko lang din nalaman na Tito pala ni Tristan ang driver kaya agad naman akong nagbigay ng galang sa kanya. “Excited na ako, Gie! Ka-chat ko iyong isang katrabaho ko na linibre ng kanyang fiancé at nalaman ko na kararating lang daw nila roon sa Isla. Sabi nila na sobrang ganda raw ng lugar na para raw silang nasa ibang siyudad,” masayang paliwanag niya sa akin. “Babe, huwag mo na munang ibuking iyong lugar sa amin dahil hindi na namin mae-enjoy oras na dumating na kami roon,” sita ni Tristan sa kanya at nanahimik naman siya kaya napangiti na lamang ako. Pagdating namin sa isang cruise ship na maghahatid sa amin ay agad na nilang kinuha ang aming mga gamit at hindi ko alam kung saan nila ito ipupunta. Buti na lamang at may isa rin akong sling bag na dala kung saan nakalagay ang mga importante kong gamit tulad ng cellphone at pera. Pagpasok namin sa cruise ship ay naiwan akong mag-isa sa mismong lobby dahil iyong dalawa kong kasama ay parang kambal tuko na hindi mapaghiwalay. Oh well, ako nga naman kasi ang nag-request sa kanila na huwag nila akong pakikialaman. Gusto ko rin naman ang mapag-isa lalo na at may pagka-clingy si Paris oras na magsama kami. Habang naglalakad ako sa kabuuan ng ship ay napadpad ang aking mga paa sa mismong deck ng barko. Buti na lamang at may dala akong jacket dahil medyo malamig din sa deck dahil sa hangin nito. Maraming tao ang nandito at mukhang lahat ng mga nandito ay pupunta sa naturing na Isla. Gaano kaya kalaki ang Isla na iyon na kaya niyang magpapunta ng ganito karaming tao? Dumiretso ako sa railings ng barko at tumanaw sa malayo habang ine-enjoy ko ang katahimikan sa aking paligid at ang hangin na tumatama sa aking mukha. Feeling ko tuloy ay bumalik ako sa nakaraan at nakasakay ako sa Titanic at ako si Rose. Ang kaso ay nawala ang aking ngiti dahil naalala ko na wala nga pala akong Jack. Napatingin ako sa kalangitan at sobrang asul ng langit na may mga ibong nagliliparan. Naisip ko na buti pa ang mga ibon ay malayang lumipad kahit saan sila magpunta. Sana ay maging ganyan ako balang araw at hindi iyong nagtatago ako dahil sa aking nakaraan. Maya-maya ay narinig ko ang aking pangalan at paglingon ko ay nakita ko sila Paris na magkaakbay. “Gie! Nandito ka lang pala. Kanina ka pa namin hinahanap dahil nagse-serve na sila ng almusal sa dining area,” sabi ni Paris kaya agad naman akong sumunod sa kanila. Pagdating namin sa dining area ay nagulat ako sa dami ng kumakain rito. Kahit maluwang ang buong kainan ay parang nagsisiksikan ang mga tao sa dami nila. Namangha na lamang ako sa dami ng tao na aking nakikita ngayon na para bang nasa shooting ako ng Jurassic World. “Ang dami naman ng mga tao. Huwag mong sabihin na lahat ng mga ito ay pupunta lahat sa Gehenna Island?” Pagtatakang tanong ko kay Paris pero wala akong narinig na sagot mula sa kanya. Pagtingin ko ay mukhang gulat din siya na makakita ng ganito karami na pupunta lamang sa isang Isla. Kumuha na kami ng aming pagkain at naghanap na rin ng pwesto na pwede naming upuan. Nang makahanap ay sinimula na naming lantakan ang aming mga pagkain dahil na rin sa gutom. Maaga kasi kaming bumangon at wala na akong oras kanina para magluto ng aking almusal. Maya-maya ay isa-isa nang umuunti ang mga tao na nandito at hindi ko na alam kung saan na sila napunta. Nang matapos na rin kaming kumain ay dumiretso na muna kami sa aming mga kwarto upang magpahinga dahil may dalawa at kalahating oras pa ang aming byabyahiin. Dumiretso na ako sa aking kwarto at namangha ako na makita na nandito na ang aking mga gamit. Humiga ako sa aking kama pero hindi ko naman magawang matulog kahit na pakiramdam ko ay pagod na pagod ako. Tumitig lamang ako sa kisame ng ilang minuto at hindi ko na rin alam kung ilang minuto na ang lumipas. Naisipan kong ilabas ang aking cellphone at maglaro ng games dito pampalipas oras hanggat hindi pa kami nakararating sa aming paruruonan. Makalipas ang ilang oras ay nagising ako sa malakas na kalabog sa labas ng aking pinto at doon ko lang napagtanto na nakatulog pala ako. Siguro ay inantok ako kakalaro kanina ng games sa aking cepplhone at hindi ko namalayan na nakaidlip na pala ako. Mabilis akong tumayo at pagbukas ko ng pinto ay tinawag na ako nila Paris dahil nakarating na raw kami. Mabilis kong kinuha ang aking mga gamit at dali-dali na kaming lumabas ng nasabing barko. May mga tumutulong na magbuhat sa aming mga gamit hanggang sa naramdaman ko na lang na nakatapak na ang aking mga paa sa mapuputi at kumikinang na buhangin. Pag-angat ko ng aking tingin ay gano’n na lang ang aking pagkamangha sa lugar. “Wow!” iyon ang una kong nasambit pagkakita ko sa Isla. “I know right. Wow! It’s much better than the picture,” rinig kong sabi ni Paris sa akin. Pagkakita ko sa Isla ay para akong nananaginip dahil parang hindi naman ito Isla kung hindi para itong isang siyudad na naihawalay lamang. Ang aming tinatapakan ngayon ay isang maputi at kumikinang na buhangin na parang gawa sa diyamante. Maraming klase ng mga halaman at puno ang nakapalibot dito pero karamihan din ay may mga gusali dito. May hotel, may mall, may mga casino, at marami pang iba. Whoever owns this is a fuc*ing multi-billionaire. Kahit siguro marami akong pera at ipon ngayon ay hindi ko kayang bumili o magkaroon man lang ng ganitong Isla. Sa sobrang pagkamangha ko sa Isla ay hindi ko namamalayan na naiwan na pala ako ng aking mga kasama. Sumunod ako sa mga tao kung saan sila pupunta dahil hindi ko na makita kung nasaan na sila Paris. Pagtingin ko sa aking cellphone ay lowbat na ako at anumang segundo ay mamamatay na ito. Bakit ba kasi hindi ako nag-charge sa may barko kanina? Nakita ko na sumasakay na ang ibang tao sa isang bus kaya pati ako ay sumunod na rin. Bahala na si Batman kung saan ako mapadpad ang importante ay hindi ako mawala sa isang malawak na Isla. Pagsakay namin sa naturing na bus ay nakita ko na pinapakita nila ang kanilang ticket sa isang konduktor kaya linabas ko rin ang akin at pinakita ito sa kanya. Pagkakuha ng konduktor ang aking ticket ay napatingin siya sa akin at may sinabi sa isng lenggwahe na hindi ko maintindihan. “Ma’am, your ticket is a Special VIP ticket. You are not supposed to be in this bus, so we are going to send you to your right hotel after we send these people off.” Marunong naman pala siyang mag-English pero pinahirapan niya pa ako na intindihin iyong sinasabi niya. “Okay.” Iyon na lamang ang aking naisagot sa kanya. Nang maihatid nga nila iyong iba pang mga pasahero sa isang hotel ay ako naman ang kanilang sinunod at hindi ko alam kung saan kami pupunta. Napatingin ako sa aking kanan at napamaang ako na parang nasa Las Vegas ako pero mas magaganda lang ang mga nandito. Sa di kalayuan ay may waterfalls pa kung saan ay pwedeng mag-enjoy ang isang pamilya. Maya-maya ay tumigil na ang bus at binaba na nila ako sa aking hotel. Halos mapalunok ako sa tayog at laki ng nasabing hotel dahil mas maganda pa ito sa Le Dune sa Italy. May mga lumapit sa akin na mga bellboy na naka-uniporme ng pula at agad nila akong tinulungan sa aking mga gamit. Pinakita kong muli ang aking ticket at agad nilang binigay sa akin ang isang room number at hinatid na ako roon. Pagdating namin sa nasabing kwarto ko ay gano’n na lamang ang aking gulat dahil parang bahay na ang nasabing kwarto ko. May jacuzzi, may mini swimming pool, may piano, may automatic close and open ang TV at bintana, at mala-palasyo ang aking kwarto. “This is so unreal.” Dito ako mananatili ng dalawang linggo sa napakagarbong kwarto na ito. I have been to other expensive places, hotels, casinos, but I think no one can compare to this. Just wow. Sa sobrang saya ko ay tumalon ako sa aking kama at nagpagulong-gulong dito dahil sobrang lambot nito. I could live here for the rest of my life. Sa aking pagsasaya ay naalala ko bigla sila Paris kaya naman mabilis kong chinarge ang aking cellphone. Agad ko itong binuksan at saktong nag-ring ang aking cellphone at nakita kong tumatawag na sa akin si Paris. Agad ko naman itong sinagot dahil ayaw ko siyang mag-alala. “Hays. Oh my god! Where have you been? Alam mo ba na halos atakihin na ako sa sobrang pag-aalala sa iyo kasi hindi kita matawagan? Saan ka bang babaita ka ha? Nangako ako na hahayaan kita sa gagawin mo rito sa Isla pero wala sa usapan natin ang mawala ka.” Natawa naman ako sa inis ng kanyang boses. “Ano’ng nakatatawa ha? Tristan oh.” “I’m sorry, okay. Masyado kasi akong namangha sa lugar at nawala ko kayo sa aking paningin. Huwag ka nang mag-alala sa akin dahil safe naman akong nakarating sa aking hotel kaya magkita na lang tayo mamaya,” sambit ko. “Teka nasaan ka ba? Kanina pa kami nandito sa lobby para hintayin ka pero wala ka naman. Kung dumating ka man dito sa hotel e di sana nakita na kita noh.” “Ha? E sabi kasi ng konduktor na Special VIP daw iyong ticket ko kaya rito nila ako sa Vulgate Hotel dinala. Ang ganda nga ng kwarto ko kasi super laki na pwede na akong tumira rito magpakailanman.” Napangiti ako nang maalala ko iyong aking kama na sobrang lambot. “Gaga! Kung gano’n ay nasa pinakamahal na hotel ka mismo ng Isla noh. VIP ticket lang kasi iyong sa amin ni Tristan. Maganda naman iyong hotel pero sayang lang at wala ka rito. Hindi ko naman alam na dalawang VIP at isang Special VIP pala iyong napanalunan ko na ticket sa raffle.” Napamaang akong muli sa sinabi niya dahil may Special at VIP din pala na ticket. “Since gano’n ang nangyari ay hiwalay tayo ng lugar at medyo malayo ang hotel mo sa amin. Mag-e-enjoy ka riyan Gie at tawagan mo lang kami kung may kailangan ka.” “Bakit ka ba nalulungkot? Maging masaya ka na lang total ay makakasama mo naman si labidabs mo. Thank you kasi pinilit mo akong sumama sa iyo. This is the best birthday gift,” sigaw ko at narinig ko naman siyang natawa sa kabilang linya. “O siya sige na. Bye! Basta sabay tayong uuwi ha? Love you friend.” “Eww. Sige na ba-bye na.” Pinatay ko na ang tawag at napangiti na lang dahil masosolo ko rin pala ang bakasyon ko rito ng dalawang linggo. Pakiramdam ko tuloy ay sinuswerte ako ng sobra.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD