Chapter 19

2072 Words
Angel Pagdating ko sa pool party na nasa pinakatuktok ng kanilang bahay ay agad na hinanap ng aking mga mata si Lucinda. Ang bumungad sa akin ay ang mga tao rito na parang nakahithit sila ng drugs o kung ano. They are all just lying on the ground and saying gibberish stuff. Nang makita ko si Lucinda na nakahiga sa gilid ng pool ay agad ko siyang linapitan at pagtingin ko sa kanya ay kung anu-ano ang kanyang sinasabi. Nakita ko na hindi lang siya ang gano’n kundi pati na rin karamahin ng nandito ay gano’n ang inaakto. Agad akong nagtawag ng security at pinatawag si Tito Luther. Mabilis naman siyang nakapunta rito at binuhat naman namin si Lucinda sa kanyang kwarto. “Ano’ng nangyari iha?” tanong sa akin ni Tito Luther at agad ko namang pinaliwanag ang nangyari kanina lamang. Napataas ang aking kilay nang magbukas ang pinto at nakita kong linuwa nito si Blade. Nagtaka naman ako kung ano ang ginagawa niya rito gayong ang sabi ni Lucinda na lumipad na siya sa Mexico ngayong gabi lang. Agad siyang nakipagkamay kay Tito Luther at Lucifer at binigyan naman niya ako ng tango. “What happened to her?” tanong ni Blade kay Tito Luther. “I really don’t know. Angeline was the one who saw her lying on the side of the pool. She said that there’s something wrong with her, and everyone that is on the party tonight,” paliwanag nit Tito Luther. Napatingin naman sa akin si Blade sabay naglabas ng maliit na flashlight at binuka ang mga mata ni Lucinda na abalang natutulog. Pagkatapos nun ay napayuko si Blade at napahinga ng malalim sabay tumayo at humarap kay Tito Luther. “She’s been given a kind of drug. Her eyes are dilated that’s the reason why she’s acting weird.” Nakita kong gulat na napatingin si Tito Luther kay Lucinda at agad na dinaluhan ang kanyang anak. “Someone gave her a drug.” Napatingin naman siya sa akin kaya hindi ko alam kung may ibig sabihin ba iyon. “Why are you looking at me like that?” takang tanong ko. “Well, you were the only one who saw her on that state.” Agad ko siyang tinitigan ng masama. “Wait. Pinagbibintangan mo ba na ako ang nagbigay sa kanya ng kung anumang drug iyon?” Huminga ng malalim si Blade at naglakad palapit sa akin. “You are the only one sober here at the moment. Everyone is a suspect here right now.” Akmang sasagot ako nang pumasok si Lucifer sa pinto. “She’s with me the whole time, Blade. She got nothing to do with this.” Napatingin naman sa akin si Lucifer at balik kay Blade. “I left her just a while ago because she said she was about to go home.” “Hmmm.” “You are actually pointing your finger to me Sir Blade.” Napatingin silang dalawa sa akin. “You are a policeman, right? I think before you accuse me, why don’t you find the evidence first?” “And if I was right?” tanong niya. Linapitan ko siya na halos isang dangkal na lang ang pagitan naming dalawa. “Then let’s continue that sparring, so I can make some sense on that brain of yours. Akala ko pa naman ikaw ang pinaka-magaling na pulis tulad ng sabi ni Lucinda pero mukhang mali lang siya ng akala.” Napangisi naman siya sa akin. “I’ll check on the other people,” sabi niya sabay napatingin kay Lucifer at tumango kay Tito Luther para magpaalam. Bago siya naglakad paalis ay muli siyang napatingin sa akin at mataray ko siyang tinaasan ng aking kilay. Nang makalabas siya ay hindi ko maiwasan ang umirap sa hangin dahil sa inis na nararamdaman ko ngayon. Napatingin ako sa kanila Lucifer at maang silang nakatingin sa akin kaya agad naman akong humingi ng pasensya dahil sa aking inakto. “Maybe, it’s much better if you accompany Angeline to her hotel, son.” Tumango naman si Lucifer at sabay na kaming lumabas ng silid ni Lucinda. Pagkahatid sa akin ni Lucifer sa Vulgate hotel ay akmang lalabas na sana ako ng kanyang kotse nang pigilan niya ako. Napatingin naman ako sa kanya at saka humarap siya sa akin. “Pagpasensyahan mo na si Blade dahil kung minsan ay hindi siya umaaktong parang pulis. I’ll talk to him once I get back.” Tumango naman ako at saka muling nagpasalamat sa kanya. Pagkalabas ko ng kanyang kotse ay dire-diretso akong pumasok ng hotel at hindi na liningon pa ang sasakyan ni Lucifer. Nang maisara ko ang pinto ng aking hotel room ay napapikit ako ng mariin at agad na kumuha ng malamig na tubig sa loob ng aking ref. Kailangan kong magpalamig ng aking ulo dahil sa pangbibintang ng Blade na iyon sa akin. The first time we met, I instantly knew that he doesn’t like me at all. The way he looks at me that night when we were having a family dinner feels like he’s looking at a competition. Sana lang ay matuloy na ang aming sparring dahil ilulugar ko siya nang malaman niya kung sino’ng binabangga niya. Pagkatapos kong uminom ng malamig na tubig ay hindi pa rin bumaba ang init ng aking ulo kaya naman naisipan kong maligo ng malamig na tubig. I need to steam off because I want to punch the face of that police guy already. Lucifer Pagdating ko sa aming bahay ay masama ang timpla ng aking mukha na pumasok sa aming bahay. Agad kong hinanap si Blade pero hindi ko siya makita kaya tinanong ko kung nasaan siya kay Papa. Hindi na ako nasagot ni Papa dahil narinig kong tinawag niya ang aking pangalan mula sa malayo na may nakapaskil na ngiti sa kanyang mukha. Nang makalapit siya sa akin ay seryoso akong napatingin sa kanya. “We need to talk.” Nauna akong naglakad at pumunta kami sa study room ko rito sa bahay at nakita ko namang prenteng nakaupo si Blade sa sofa. “What do you think are you doing?” tanong ko sa kanya. “Geez. Bro, please don’t tell me that you are going to lecture me for how I acted with that woman.” Pagpapaliwanag niya na sinabayan niya ng hand gestures. “You accused her for something she didn’t do, you asshole!” “Wow! Are you seriously siding that woman than me? Come on, dude. You’ve known me for so long already than her. Alam mo na karamihan ng mga hunches ko ay tama,” sabi niya. “What if you’re wrong?” “What if I’m right?” Napahilot ako sa aking sintido. “Lucifer, dude, naging pulis ako dahil gusto kong maglingkod sa bayan ko para matigil ang mga masasamang ginagawa ng mga tao sa paligid natin. You met that girl for like a week only. Simula noong nakilala ninyo siya ay ilang beses nang nalagay sa kapahamakan ang buhay ng pamilya mo. “Think about it. Siya lang ang tanging nakaaalam na may Cy***ide sa mga inumin ninyo at ngayon naman ay nakainom ng kung anong drug ang kapatid mo. Ano? Hihintayin mo pa ba na may mamatay na isa sa inyo bago ka umakto. Try to avoid her for just a day or two then see what happens. Okay?” Napatingin ako sa kanya. “You really don’t like her, don’t you?” tanong ko. “I just don’t hate a person and you know that. There’s something about her that I cannot explain. Masama ang pakiramdam ko sa babaeng iyon kaya habang maaga pa ay iwasan mo na siya bago pa malagay sa kapahamakan ang pamilya mo.” Tumayo siya at lumapit siya sa akin. “Hey, I know you are falling in love with that chick. I can see it. Hindi mo ako naging kaibigan kung hindi kita kilala. But you are making a big mistake to even let her in your lives. Alam ko na hindi pa gano’n kalalim ang nararamdaman mo sa babaeng iyon kaya habang maaga pa ay iwasan mo na siya. I’m making you a big favor, friend. Better listen before it’s too late.” Napalunok ako sa kanyang sinabi at lumabas na siya ng aking study room. Makalipas ang ilang oras bago umalis si Blade ay naiwan akong mag-isa at nag-iisip ng malalim sa mga sinabi ni Blade sa akin. Sa tingin niya ba ay hindi ko rin napapansin na may kakaiba sa mga kinikilos ni Angeline? Ang hindi alam ni Angeline ay nag-aral din ako ng martial arts simula noong bata ako pero hindi ko lamang ito tinuloy dahil nawalan ako ng interes. Iyong mga galaw niya ay hindi iyon nakabase sa martial arts at alam ko na nagsisinungaling siya sa amin. I have my own demons to fight, and I know that she has demons too. I have been surrounded by a lot of liars in my life since I was a child. Alam ko base pa lang sa pagkilos at pananalita kung nagsisinungaling sa akin ang isang tao. Alam kong nagsisinungaling si Angeline tungkol sa tunay niyang katauhan at hindi naman siguro nakagugulat iyon dahil gano’n din naman ako. Pero hindi ako naniniwala sa mga pinaparatang ni Blade sa kanya na siya ang may gawa ng lahat ng mga nangyayaring ito sa aming pamilya ngayon. I know she’s keeping a lot of secrets to us, but I know that she’s the kind of person who cares for the others. I am listening to Blade, but I will not do what he says. Huminga ako ng malalim at saka kumuha ako ng baso sa mini cabinet at isang vodka sabay uminom ng kunti. Naabutan ako ni Papa sa gano’ng lagay kaya naman agad kong kinumusta si Lucinda kung ayos na ba siya. “She’s alright. Sabi naman ng family doctor natin na hindi naman daw malala ang kalagayan niya at maaaring pampahilo lamang ang kanyang nainom. She just needs rest, and she will be back to her usual self tomorrow.” Tumango naman ako. “I think the party is long over for you to be drinking again.” Kumuha siya ng isang baso at nagbuhos din ng alak dito. “Care to share your old man what you are thinking?” “Blade thinks that Angeline is the one responsible for all the things that are happening to our family,” sabi ko. “Do you believe him?” “No.” Ngumiti siya. “Then don’t believe him. I can see that she’s telling the truth, but I can also see darkness within those eyes of her.” Nagtaka naman ako sa sinabi ng aking ama. “Ano’ng ibig mong sabihin, Old man?” Lumagok siyang muli ng alak bago nagsalita. “I used to work with a man before in London. He’s shy, very quiet but at the same time friendly. How do I put this? Hmmm. Think of it like he’s a dog. On the outside he looks harmless, but once you pulled the trigger, he will become a wolf ready to attack his prey. That friend of Lucy, she’s like that. She maybe harmless, but I know within those smiles, there’s a darkness within her.” Huminga siya ng malalim. “Anyway, hindi ko naman na kailangan pa sigurong i-elaborate pa ang ibig kong sabihin, son. Alam ko na naiintindihan mo ang ibig kong sabihin at nasa sa iyo na iyon kung paano mo ito iintindihin. You are old enough to make your own decisions.” Tumango ako. “Thanks.” Tinapik niya ang aking balikat at nauna na siyang lumabas ng aking silid. Lumagok lang ako ng isa pang baso ng Vodka bago ko naisipan na bumalik na sa aking kwarto upang magpahinga. Pagdating ko sa aking kwarto ay hindi pa pala ako nakapag-ayos ng aking mga gamit kaya naman pinasok ko na lahat ito sa aking cabinet. Habang naglalagay ako ng mga damit ay nahulog ang isang necklace box na kulay itim. Pagbukas ko ay napailing ako sa aking nakita rito dahil nakalimutan ko pala na meron akong ganito. It’s a white necklace, and I don’t usually put this around my neck. It’s just a necklace, but it actually has a lot of power than money itself. Muli ko itong binalik sa aking cabinet at saka nahiga sa aking kama upang magpahinga na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD