Chapter 20

2249 Words
Angel Nagising ako kinabukasan sa katok ng aking pinto kaya naman nagtaka ako kung sino ang nambubulabog sa akin ng ganito kaaga. Ngayon lang din may bumisita sa akin sa aking silid dahil kadalasan ay housekeeping o iyong pina-order kong food ang aking pinapapasok dito. Bumangon ako sa aking kama at kinukusot ang aking mga mata na pumunta sa pinto upang tignan kung sino ito. Pagbukas ko ng aking pinto ay nagtataka akong napatingin sa isang lalaki na medyo may edad na at nakauniporme ng parang sa butler. “Good morning, Miss Angeline. I am here to deliver this to you.” May inabot siya sa akin na isang paper bag at pagtingin ko rito ay napansin kong Mocha cake at Mocha drinks ito na aking ikinatuwa. “Wow,” mahinang sambit ko. “Thanks, Mister…” “Oh, no need to call me Mister, Miss Angeline. My name is Edman. I’ll be on my way then.” Yumuko pa siya na para ba akong royalty. Bago siya ay umalis ay sumilip ako sa aking pinto at may pahabol na tanong sa kanya. “Wait, Sir Edman. “May I ask who gave this to me?” “Don’t worry. He will be coming here later to fetch you, Miss Angeline.” Muli siyang yumuko at umalis na at naiwan naman akong nagtataka kung sino ang nagbigay nito sa akin. Sinara ko ang aking pinto na malalim na nag-iisip at napasilip akong muli sa loob ng paper bag nang maamoy ko ang mabangong aroma ng Mocha cake. Agad akong kumuha ng platito at kubyertos sabay linantakan ito. Halos mapaungol ako sa sarap nang isubo ko ang unang bite sa aking bunganga. Habang kumakain ay naisipan ko na buksan ang aking telebisyon dahil ngayon ko lang yata ito ginamit sa buong pananatili ko rito sa hotel. Paano ba naman kasi kung wala ako sa labas kasama si Lucinda ay nasa bahay naman nila ako. Kulang na nga lang ay doon na lang ako tumira. Napagdesisyon kong manuod ng cartoon sa Disney channel total ay wala namang magandang panuod. Halos nakalahati ko na ang aking Mocha cake nang makatanggap ako ng tawag at pagtingin ko ay si Lucinda ito. Agad ko itong sinagot at kinamusta siya. “Hello? Lucinda, ayos ka na ba?” Umayos ako ng upo sa aking sofa at narinig ko ang mahinang pagtawa niya. “Ayos lang ako, girl. Naikwento sa akin ni Papa iyong ginawa mo at gusto ko lang sanang magpasalamat sa iyo. Ito na yata ang pangawalang beses na linigtas mo ang buhay ko.” Napangiti naman ako. “That’s nothing. How are you feeling?” tanong kong muli. “Hmm… I still feel a little bit groggy, but not unlike last night. Hays. Hindi ko alam kung paanong may napuntang pampahilo sa aking inumin gayong wala naman akong maalala na may nagbigay sa akin ng beer.” Napaisip din ako dahil iyon ang una kong naisip kagabi. “Sigurado ka ba na wala kang maalala kagabi?” “Wala eh. All I can remember is that I am dancing with a… guy.” Napatigil siya. “Wait. Hold on. I think I can remember something, but it’s a little bit blurry. Naalala ko na may kasayaw ako kagabi na pinakilala sa akin ng kaibigan ko.” Napatigil siya kaya naman bigla akong naalarma rin. “Lucinda, can you please send me a car over here? I need to talk to you.” Pakiusap ko sa kanya. “I would do that, but I heard that kuya is on his way to you right now.” Lumaki ang aking mga mata at bigla akong napatayo sa aking pagkakaupo sa sofa. “What?” sigaw ko at bigla na lang akong nagpaalam sa kanya at pinatay ang tawag. Napapamura ako ng mahina habang tinitignan ang aking sarili sa salamin at nakita ko na gulo-gulo pa ang aking buhok at hindi pa ako nakaliligo. Kung papunta na rito si Lucifer ay may trenta minutos pa ako para mag-ayos bago siya makarating dito. Kaya hinila ko ang isang towel at dali-daling dumiretso sa loob ng banyo para maligo. Nang matapos akong maligo ay nakahinga ako ng maluwag at nagsusuot pa lang ako ng aking underwear nang may mag-doorbell na sa aking pinto. Agad naman akong napakuha ng towel at pinulupot ito sa aking katawan habang nasa sahig ang aking mga damit. Tumakbo ako papunta sa pinto at agad na binuksan ito kung saan ay bumungad sa aking harapan si Lucifer. “H-Hi!” simula ko at napansin ko na pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa at napatingin naman ako sa aking suot. “U-Uhm…” “Naistorbo yata kita,” sambit niya at umiling naman ako sabay pinapasok siya. “Upo ka muna. Katatapos ko lang kasing maligo kaya hindi ko inaasahan na may bisita pala ako.” Umupo naman siya sa sofa. “Paano mo nga pala nalaman ang room number ko?” “I’m the owner of this island, Angeline.” Napatango naman ako at nagpaalam ako na magpapalit na muna ako ng aking damit. Nang matapos akong magpalit ay lumabas akong muli sa akong kwarto at nakita na prente nanaman siyang nakaupo sa sofa habang nakatingin sa cellphone niya. Nang mapansin niya na nakatayo ako sa kanyang harapan ay umangat ang kanyang tingin at tumayo. “Let’s go?” tanong niya na aking pinagtaka. “May pupuntahan tayo ngayon?” Napakamot siya sa kanyang pisngi bago niya pinasok ang kanyang kamay sa kanyang bulsa. “Hindi ko alam na makakalimutin ka na pala. You told me last night that this is your last week here on this island, so I offered to tour you around it.” Napa-oh naman ako at nagpaalam na kukunin ko lang ang aking bag at ilang gamit. Medyo nahihiya ako kay Lucifer dahil alam ko na pinipigilan niya na hindi magalit sa akin. I saw how his eyes twitch when I asked him a while ago if where we are going. I also heard him heave a deep sigh when I said that I will just get my things. Hindi naman sa natatakot ako sa kanya lalo na noong nalaman ko ang tungkol sa storya sa likod ng kanyang pangalan. Siguro noong una ay oo dahil hindi ko siya gano’n kilala pero ngayon na alam ko na ay parang hiya at respeto na lang ang nararamdaman ko. May takot pa rin naman pero alam ko na tolerable siya. Pagkakuha ko ng aking gamit ay mabilis akong lumapit sa kanya at sabay na kaming lumabas ng aming silid. Habang naglalakad kami papunta sa elevator ay napapasulyap ako sa kanya dahil diretso lang siyang nakatingin at parang ang tahimik niya. “Galit ka ba?” Napatingin siya sa akin na nagtataka kaya inulit ko sa kanya ang aking tanong. “No. Why would you say that?” Umiling ako at sumakay na kami sa elevator. “Why would you think that I’m angry to you?” “I am not a psychology graduate, and I am not a mind reader. Pero kasi kanina noong tinatanong mo ako ay pansin ko na parang nagagalit ka dahil nakalimutan ko na may lakad tayo ngayon.” Napatitig siya sa akin at bigla siyang napangisi na aking ikinakagat ng aking labi. He’s so handsome when he smiles. “No, no. I am not angry to you, Angeline. Siguro naiinis pero hindi ako galit sa iyo. I have this habit of thinking that the people around me should think the same like me.” Nakahinga naman ako ng maluwag at sakto namang nagbukas ang elevator. Dumiretso kami sa sasakyan niya kung saan ay napangiti ako na gentleman pala ang isang Lucifer Salazar at mabait nga siya tulad ng sabi ni Ate Evelyn. Pagsakay ko ay agad kong naamoy ang kanyang pabango na amoy Mocha na aking ikinangiti. Kahit na may pagitan sa aming dalawa ni Lucifer ay hindi ko mapigilan ang kiligin sa kanya. Nagsimula na siyang magmaneho at hindi ko alam kung bakit ang cool niya para sa akin. Bawat kabig niya at ikot niya sa bawat parte ng kanyang sasakyan ay hindi ko mapigilang mapatitig sa bawat parte ng kanyang katawan. Maya-maya ay dumako ang aking mga mata sa gitna ng kanyang pantalon na halos bumukol na roon ang kanyang alaga. Aaminin ko na simula noong makilala ko si Lucifer ay pinagpapantasyahan ko na siya gabi-gabi at kung minsan ay napapanaginipan ko pa siya. Magigising na lang ako na nag-iinit ang aking katawan at pinapanalangin na sana nasa tabi ko siya para maibsan ang init ng aking katawan. Iniwas ko na lamang ang aking mga mata dahil nagkakasala lang ako sa aking ginagawa. Ipinarada niya ang kanyang sasakyan sa isang parking lot at paglabas ko ay namangha ako sa view na aking nakikita. Ang maluwang na dagat na walang hangganan ang bumungad sa akin pero napansin ko rin na may bangka na mas maliit kaysa sa yate ang nakaparada sa pampang. Nakita ko na may kumakaway na lalaki mula rito at pagtingin ko sa aking kasama ay nakasuot na siya ng sunglasses at hinila ako papunta sa bangka. “Sasakay tayo riyan?” tanong ko. “Ano ba sa tingin mo, Miss Angeline?” Napangisi naman ako dahil habang nakikilala ko si Lucifer ay ang dami niya pang ugali na aking nalalaman. Nang makasakay kami sa barko ay agad kaming binati ng sailor at inutusan naman siya ni Lucifer na paandarin na ito. Nagsimula nang gumalaw ang barko at bigla akong napatingin sa malinis na dagat kung saan ay kumikinang pa ito dahil sa sinag ng araw. Ramdam ko rin ang init at ang lamig na tumatama sa aking mukha pati na rin ang amoy ng tubig alat. “Hindi ko natanong baka may sea sickness ka.” Napalingon ako kay Lucifer na nakaupo sa isang tabi habang may binabasa yatang folder. Lumapit naman ako sa kanya at umupo sa kanyang tapat. “Wala naman.” Natahimik kaming dalawa at ngayon ko lang napansin na nakasuot pala siya ng salamin sa kanyang mga mata habang nagbabasa ng kung ano man iyon. Hindi ko mapigilang isipin na mukha siyang tatay sa itsura niya. Maya-maya ay dumako ang aking mga mata sa kanyang mga labi at nakagat ko muli ang aking ibabang labi. Hindi ko namamalayan na kinakagat at tina-thumb suck ko na pala ang aking hinlalaki. “Hindi ko na alam na may pagnanasa ka rin pala sa akin, Miss Angeline.” Napatingin ako sa kanya nang iangat niya ang kanyang mga mata sa akin. “Ano’ng ibig mong sabihin?” Nagtataka kong tanong. Binaba niya ang kanyang binabasa sabay inalis ang kanyang salamin sa mata. “Kung pagnanasahan mo rin lang ako ay huwag mong masyadong ipahalata. Hindi ko lang pinansin kanina sa loob ng sasakyan dahil nagmamaneho ako at ayaw kong maaksidente tayo. Pero ramdam ko kung paano mo ako titigan at parehas na parehas ngayon sa ginagawa mong pagtitig ulit ngayon.” “So? May mali ba kung titigan kita o pagnasahan kita? I think that’s normal.” Hindi siya makapaniwalang tumitig sa akin at tumitig din ako sa kanya na sinasabing seryoso ako. “Usually, women would deny that they are staring at the guy they like, but I guess not you?” Napangiti naman ako. “Okay, you got me there. Ano ngayon kung may gusto nga ako sa iyo? Hindi naman siguro masama na titigan kita o pagnasahan kita ‘di ba? Hindi lang naman kayong mga lalaki ang nagkakagusto o nag-iinit lang ang katawan ‘di ba?” Sabay napakagat akong muli sa aking ibabang labi at napangiti sa kanya ng matamis. Nakita kong sumeryoso siya kaya unti-unting nawala ang aking ngiti rin at alam ko na ang susunod na sasabihin niya sa akin ay hindi ko magugustuhan. Huminga siya ng malalim bago siya umayos ng kanyang upo at gano’n din ang aking ginawa. “What?” tanong ko sa kanya. “Look, Angeline. I appreciate that you have feelings for me, but I… I can’t return it.” Doon gumuho ang aking mundo at unang beses ko na nga lang na umibig ay ganito pa ang nangyari. “I’m sorry.” Napatungo ako at pinipigilan ko ang maiyak dahil ang buong akala ko ay may gusto rin siya sa akin. Maybe, I’m just assuming too much. “It’s okay. Inexpect ko na rin naman ito pero hindi ko lang kasi akalain na masakit din pala.” Nakita ko na parang naaawa siya sa akin kaya ngumiti ako ng malapad para lang ipakita sa kanya na ayos lang ako kahit hindi. “Ayos lang ako. I am a strong woman, and I can easily move on from this.” Buong araw na iyon ay pilit kong kinalimutan na may gusto ako sa kanya at pinilit ko na huwag umiyak kahit masakit. Pinakita ko kay Lucifer na ayos lang ako sa harapan niya at mukhang gumana naman dahil parang naging normal ulit ang pakikitungo niya sa akin. Pinasyal niya ako sa buong isla hanggang sa abutin na kami ng gabi. Nang lumalim na ang gabi at mukhang na-tour na niya ako sa buong isla ay hinatid na niya ako pabalik sa aking hotel. Hanggang sa huli ay pinakita ko lang sa kanya na ayos lang ako at hindi ako nasasaktan. Ngunit pag-alis niya at hindi pa lang ako nakasasakay sa loob ng elevator ay unti-unti nang nag-unahan ang butil ng aking mga luha sa aking pisngi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD