bc

SA BISIG NG BINATANG MAPUSOK

book_age18+
2
FOLLOW
1K
READ
family
HE
opposites attract
single mother
heir/heiress
drama
campus
disappearance
like
intro-logo
Blurb

Limang buwan lang ang plano ni Amara sa Cebu. Bilang isang freelance feature writer, tinanggap niya ang isang malaking proyekto at nangakong uuwi sa Makati pagkatapos nito. Wala siyang balak na umibig, lalo na sa isang lalaking mas bata sa kaniya.Hanggang sa makilala niya si Elion.Isang simpleng service crew na masayahin, mapang-asar, at tila ipinanganak para manggulo sa tahimik niyang buhay. Nang malaman ni Amara na kapitbahay pala ito ng kaibigan niyang si Patricia, naging madalas ang kanilang pagkikita. Sa bawat pagkakataong nagtatagpo sila, mas lalo lang nagiging determinado si Elion na mapalapit sa kaniya.Ngunit hindi alam ni Amara na ang lalaking nakikita niyang namumuhay nang payak ay hindi ordinaryong binata.Si Elion ang nag-iisang tagapagmana ng isang malaking kumpanya. Matapos mamatay ang kaniyang ama at kapatid, pinili niyang talikuran ang marangyang buhay dahil sa matinding galit sa sariling ina na agad nag-asawa muli. Mula noon, mas pinili niyang tumira kasama ang kaniyang tiyuhin, mag-alaga ng mga manok, at mamuhay bilang isang ordinaryong tao.Para kay Elion, hindi hadlang ang apat na taong agwat ng edad nila. Gagawin niya ang lahat-pang-aasar, panunukso, matatamis na salita, at walang sawang panliligaw-para mapasuko ang pusong pilit na umiiwas sa kaniya.Unti-unting natutukso si Amara, ngunit pinipili niyang pigilan ang sarili dahil alam niyang matatapos din ang limang buwan niya sa Cebu.Isang gabing puno ng damdamin ang tuluyang magbabago sa kanilang kapalaran.Buntis na pala si Amara nang bumalik siya sa Makati-dala ang pinakamalaking lihim na hindi niya kailanman sinabi kay Elion.Lumipas ang mga taon.Muli silang pagtatagpuin ng tadhana sa Maynila. Ngunit ang lalaking minsang nangakong gagawin ang lahat para sa kaniya ay puno na ng galit, habang ang batang hindi niya alam na sarili niyang anak ang magiging tulay sa pag-ibig na minsang iniwan nila sa Cebu.

chap-preview
Free preview
THE NIGHT OF US
ELLION POV MAKATI | 8:56 PM Kasalukuyan akong nasa loob ng sasakyan at naghihintay na dumating ang package na ipinakuha pa sa akin ng Uncle Mattias ko. Sobrang importante raw kasi nito, kaya mula Cebu ay pinabiyahe niya ako papunta rito sa Makati. Maya-maya, nakita kong tumatawag siya kaya agad ko naman iyong sinagot. "Uncle?" "Nakuha mo na ba?" "Opo, okay na po." "Okay, pagkatapos mo diyan, kay kumpare Alejandro ka muna makitulog at bukas ka na bumiyahe pauwi." "Opo, sige po." "Mag-ingat ka." "Salamat po." Narinig ko ang pagtatapos ng tawag mula sa kabilang linya. Magta-tatlong araw na ako rito sa Makati at sa kumpare ng tyuhin ko muna ako pansamantalang nakikituloy. May package kasi akong kailangang kunin, at pagkatapos nito ay maaari na akong bumalik sa amin sa Cebu. Maya-maya, may kumatok mula sa bintana ng kotse ko. Pagtingin ko, iyon na ang lalaking hinihintay ko na may dalang package. "Kayo po ba si Sir Ellion?" Tumango naman ako at bumaba ng sasakyan. Tinulungan ko siyang ilagay iyon sa likod ng kotse at binayaran ko siya. Nagpaalam naman siya agad pagkatapos. Pagkabalik ko sa loob ng sasakyan, tatangkain ko na sanang paandarin ito nang magulat ako nang biglang bumukas ang pinto. Isang babae. Pinagkamalan ba niya akong taxi driver? Lasing siya. Amoy na amoy ko iyon. "Miss?" "Dalhin mo ako kung saan mo gusto, basta malayo dito." Sabi niya, halatang lasing na lasing. "Miss, saan ka ba nakatira? Ihahatid kita." Agad siyang humarap sa akin at hinawakan ang mukha ko. Tiningnan niya ako nang maigi. "Ilayo mo ako dito, please," sabi niya. Maya-maya ay humalakhak siya. "Ang gwapo mo sobra! Ikaw na lang kaya boyfriend ko? Ako si Amara, ikaw?" Napailing na lang ako. Kapag ganito, alam kong hindi ko siya makakausap nang matino. Halata namang lasing na lasing siya. Napagpasyahan kong paandarin ang sasakyan at dalhin siya sa isang hotel. Hindi para may gawin akong masama, kundi dahil hindi ko alam kung saan siya nakatira at delikado siyang iwan sa labas. Mas mabuti nang doon muna siya manatili. Kapag nagkaulirat na siya, makakauwi rin siya. Habang nagmamaneho, naririnig ko ang mga kuwento niya. "Bakit mo ako pinagpalit? Ha? Mahal kita, eh. Sobra! Tapos ganito? Alam mo bang hindi ko tinanggap ang offer sa akin sa Canada para sa'yo? Tapos ipagpapalit mo ako sa ka-team mo? Bakit? Maganda ba siya? Magaling ba siya? Matalino? Ahh, kasi mayaman siya? Oo nga pala, mayaman siya. Pero bakit?" Sabi niya. Napailing na lang ako. Broken siya. Hindi na niya kailangang ikuwento ang lahat. Alam ko na kung bakit siya nagkakaganoon ngayon. Pagdating namin sa hotel, agad akong nag-check in para sa aming dalawa at inalalayan ko siyang makapasok. Pagdating sa room, inihiga ko siya sa kama. Pero bago ko pa siya tuluyang mahiga, sinuka niya ako. Pagkahiga ko sa kanya, hinubad ko muna ang pang-itaas kong damit dahil nadumihan iyon. Ngumiti naman ang lasing na babae. Nagulat ako nang bigla niya akong hilahin papahiga sa tabi niya. Sobrang lapit na namin sa isa't isa. Hinawakan niya ang mga pisngi ko at ngumiti siya. "Ang pogi mo." Sabi niya sa akin. Napailing naman ako at tinangkang bumangon, pero hinatak niya ulit ako. Napatingin ako sa kanya nang makita ko ang mga luha sa mga mata niya. "Wag mo naman akong iwan." Doon ko naramdaman ang lahat ng sakit na nararamdaman niya ngayon. Maya-maya, niyakap niya ako at ilang sandali pa ay hindi na siya gumalaw. Dahan-dahan akong bumangon mula sa pagkakahiga sa tabi ng babaeng nakatulog na. Pinagmasdan ko siya. Ang ganda niya. Mukha siyang diwata na hindi mo gugustuhing saktan. Hindi ko mapigilang alisin ang ilang hibla ng buhok na tumatakip sa mukha niya habang natutulog. Naawa ako sa kanya. Mabuti na lang at hindi ibang lalaki ang nakasaksi sa kalagayan niya. Sa ganda niyang iyan, kahit sino ay maaaring matukso, pero hindi ko ugaling samantalahin ang isang tao sa panahon ng kahinaan niya. KINAUMAGAHAN Nagising ako na katabi ko ang babaeng nakilala ko kagabi. Dahil na rin sa pagod sa trabaho, hindi ko namalayang nakatulog pala ako. Kailangan ko nang umalis. Isinuot ko ang jacket ko at bago tuluyang lumabas, muli ko siyang nilingon. Naalala kong may dala akong ballpen at maliit na notebook sa bulsa. Agad ko iyong inilabas at nagsulat. 'I know you're going through a lot right now, and maybe there are days when you feel like giving up because everything seems too heavy to carry. But I want you to remember that you don't have to figure everything out all at once. Take your time, breathe, and allow yourself to heal. Please don't be too hard on yourself. You're only human, and it's okay to feel tired, lost, or broken sometimes. What you're experiencing right now doesn't define your worth, and your struggles don't make you weak. I hope you never forget that difficult days don't last forever. You may not see it now, but there's still so much waiting for you beyond all this pain. Keep believing in yourself, even when things don't go as planned. Take life one day at a time. And most importantly, never give up on yourself. You deserve happiness, peace, and all the beautiful things life has yet to offer. I hope one day you find the strength to smile again, not because everything is perfect, but because you've finally found peace within yourself. At kung kailangan mo ng kausap, here's my number. Text me. I reply. 09517878 - E.A Napatingin muli ako sa kanya at inipit ang papel sa tabi ng telepono na naroon. Nag-iwan din ako ng pera, limang libong piso, just in case na wala siyang dalang pera. "Hope to see you again, Amara." Huminga ako nang malalim saka tuluyang lumabas ng pinto.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Yüzbaşının Cerrahı

read
1.9M
bc

The Silver Wolf

read
718.3K
bc

The Billionaire’s Intern

read
1.3M
bc

Chosen, just to be Rejected

read
938.7K
bc

Inferno Demon Riders MC: My Five Obsessed Bullies

read
1.2M
bc

Claimed by the Biker Giant

read
2.4M
bc

Unscentable

read
2.3M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook