Chapter 2

1530 Words
"Tatay, Naynay, tulungan niyo naman ako na makalikom ng pamasahe," paglalambing niya sa mga magulang. "Manang, hindi ba marami ka pang bote? Bakit hindi ka na lang papasok sa bote at magpapaanod ka sa ilog... malay mo makarating ka kaagad doon..." sabad naman ng kaniyang makulit na bunso. "Sus! Paano ba ako magkasya sa bote Leah? Isa pa 'to, ang talino." "Hayaan mo anak, bukas na bukas din maghahanap ako ng mapagkakitaan natin para may pamasahe ka na," anang ama niya. "Ako rin Tay, bukas pupuntahan ko ang lahat ng mga suki namin ni Naynay kahit mag-overtime ako bukas." "Ay... sasama na rin ako." anang ina niya. "Saan ka sasama Nay? Sa La Isla? Huwag na po walang kasama si tatay at hindi magkasya ang pamasahe natin." "Sa paglalabadaako sasama!" "Ah... okay Naynay." Halos hindi makatulog si Eula at nagiging balisa ito dahil iniisip pa rin niya ang pamasahe. Idagdag pa na atat na atat na siyang makapunta sa bago niyang trabaho. "Welcome 'LA ISLA VARGAS my princess," bati ng mga tao sa kaniya. Halos lahat ay nakayuko na tila isa siyang dyosa. "Ganito pala dito? Ang sarap naman pala mabuhay sa LA ISLA VARGAS." "Oh! Aking prinsesa, maligayang pagdating," aniya. May koronang nakapatong sa ulo ng lalaki. Hagalpak na tumawa siya. Sapagkat nang tumayo ito ay parang duwende sa sobra niyang liit at hanggang puwet lang niya ito. "Will you marry me, aking prinse—" Hindi natapos ang kaniyang sasabihin dahil nahulog ito gumulong-gulong ang prinsipeng duwende pababa ng hagdan. Muli siyang humahalakhak. Nang makita niya ang prinsipe na animo'y isang gulong na nagpaikot-ikot. Hindi natapos ang kanyang panaginip dahil sa isang malakas na sampal na dumapo sa kaniyang pisngi. "Aray! Nay... bakit mo ako sinampal?!" halos mapaiyak si Ula sa lakas ng sampal mula sa kaniyang nanay. "Paano hindi ka masampal ni Naynay! Kanina ka pa tawa ng tawa lahat nga kami nagising. Ginigising ka nga ni naynay ayaw mo pa ring magising," seryosong sagot ng kanilang bunso at banaag sa mukha ang pag-alala. "Ano ba ang nangyari sa'yo Ula? Para kang sinapian," tanong ng ina. "Naynay, salamat dahil ginising mo ako. Kung hindi baka naikasal na ako sa isang prinsipe na duwende. Siya iyong may-ari ng LA ISLA VARGAS naynay. Nakakatawa kasi siya hanggang baywang ko lang" aniya at humalakhak na naman. "Naku! Huwag ka ng tumuloy doon. Baka magkatotoo ang panaginip mo." "Pupunta pa rin ako naynay." "Bak—" putol nitong sabi. "Ehp! Ehp! Huwag mo ng ituloy ang 'baka' mo Naynay, matulog na tayo," aniya at tinakpan ang bibig ng ina. Kinabukasan maagang umalis si Eula alas-singko pa lang ay bumaba na siya sa kanilang kubo. Hindi na niya ginising ang ina dahil napansin niya na medyo inuubo ito. "Spen, tingnan mo itong anak mo, hindi man lang ako hinintay saan ko kaya 'yon hagilapin?" "Huwag ka ng umalis, dito ka na lang sa bahay. Mukhang masama ang pakiramdam mo." "Hindi pwede Spen, kailangan kong tulungan ang anak natin." "Delisia, huwag ka ng makulit, magpahinga ka na lang at ako na ang maghahanap ng mapagkakitaan." Gabi na, pero hindi pa rin nakauwi si Eula. Kaya sobra ang pag-alala ng kaniyang nanay. "Spen, hanapin natin si Ula, hindi pa rin siya umuuwi baka napaano na 'yon." "Sige, sandali kunin ko lang ang itak." "Kayong dawala dito lang kayo, pupuntahan lang namin ang manang ninyo." bilin ni Spen sa dalawa niyang anak. "Opo!" tugon ng mga ito. Dala ng mag-asawa ang lampara at naglalakad ito sa makipot na daan. "Tatay, Naynay, saan kayo pupunta?" tanong niya. Nang masalubong ang mga magulang. "Saan ka ba galing? Hahanapin ka sana namin ng Tatay mo." "Ah... tinapos ko lang po 'yung labahan ni ma'am nay. Kumusta na po ang pakiramdam ninyo?" "Ito gumaling na dahil sa sobrang pag-alala sa 'yo." "Ay! Sayang bumili pa naman ako ng gamot para sa'yo. Itago mo na lang ito nay," aniya. Inabot sa ina ang hawak niyang gamot. Papalapit na sila sa kubo nang marinig nila na nagkasagutan ang dalawang magkapatid. "Ikaw kasi manoy eh!" "Anong ako?! Sinabi ko naman sa'yo na mamaya ka na." "Hoy! Anong nangyari sa inyong dalawa?" tanong ni Ula. "Manang oh." Inabot ng bunso ang phone na nagkahiwa-hiwalay. "H-hala! Ano ang ginawa ninyo sa phone ko?" gulat niyang tanong at lumaki pa ang mga mata. "Sorry manang, hindi naman namin sinasadyang sirain..." anang lalaki niyang kapatid. Hindi siya sumagot umupo ito at pilit inayos ang phone. Pinagmasdan lang siya ng kaniyang mga magulang at parehong naawa sa kaniya. "Manang... galit ka ba sa amin ni manoy?" malungkot na tanong ng bunso niyang kapatid. "Hindi ako galit bagay lang ito na pwedeng mapalitan. Pero sa susunod kung hindi sa inyo ay huwag ninyong pakialamam dapat matuto kayong magrespeto sa may-ari, akin na nga ito!" "Aray... Manang ang sakit!" reklamo ng kaniyang bunsong kapatid at napahawak sa buhok. Dahil bigla niyang hinablot ang lastiko. "Ops! Sorry..." aniya Muling gumana ang phone matapos niyang matalian ng lastiko. "Ula anak, ito pala ang kinita ni tatay mo kanina, dalawang daan lang." Inabot ng kaniyang naynay Sabay ang pera. "Huwag na po Tay, diyan na lang 'yan, pang-ulam ninyo bukas. Kumita po ako ngayon ng anim na daan at ang isang daan ay binili ko ng gamot ni Maynay." "Baka kulangin 'yang pera mo anak." "Pagkasyahin ko po ito Tay madaling araw ako aalis bukas hindi ko na po kayo gigisingin. Sa katapusan ay uuwi ako dito." "Ula, mag-iingat ka doon ha huwag mong pababayaan ang sarili mo. Meehehe magkasakit ka," Humalakhak siya. "Si Naynay talaga!" "Oongaaa... anak," pagbibiro naman ng kaniyang ama sabay tawanan ng buong pamilya. -LA ISLA VARGAS- "Sa wakas! Nandito na ako," masaya niyang bigkas "Excuse me Miss, saan ka pupunta?" tanong ng guwardiya. "Sa loob po magtatrabaho ako dyan." Tumawa ang guwardiya. "Ikaw magtatrabaho dito?" tanong ulit ng guwardiya. Tiningnan siya mula sa kaniyang gumang tsinelas hanggang sa kanyang kulay itim na damit na made in ukay-ukay. "Aba! Grabe... si manong guard kung makatawa ay wagas. Pasensya ka na manong ha, kung hindi magarang ang aking kasuotan. Mahirap lang kasi kami kaya ito lang ang nakayanan kong isuot," taas noong sabi niya. Para namang nakonsensya si mamang guard, kaya agad binawi ang ngiti. "Sorry miss, akala ko kasi nagbibiro ka lang. Ano ba talaga ang pakay mo dito?" "Manong guard, sinabi ko na po sa inyo na magtatrabaho ako dito." "Nasaan ang resume at mga dokumento mo?" "Wala po. Basta sinabi lang mr. Giby La Vargas, tanggap raw ako at mag-report dito para sa training." "Kalukuhan! Nasaan ang pruweba mo?" "Nandito po sa phone ko, naku! Patay, lowbat ako." "Lumang tugtugan na 'yan miss. Umalis kana dito, hindi uubra 'yang drama mo dito." "Manong naman! Hindi po ako nag-drama! Kung gusto niyo tawagan mo ang may-ari." "Wala siya dito. Sandali, tawagin ko lang ang manager, baka may bilin si boss." "Sige po." "Diyan ka lang at huwag kang pumasok, baka mapagkamalan kapang pulubi at bawal ang pulubi sa loob." "Sige po." Bumalik ang guwardya na kasama ang manager, malayo pa lang ay nakasimangot na ito. "Good morning ma'am!" pormal niyang bati sa manager. "Anong maganda sa morning? Ano ang kailangan mo?" nakasimangot pa rin nitong tanong sa kaniya. "Ah, pinapapunta kasi ako dito ni sir Giby La Vargas. Hired po ako sa trabaho, ang sabi niya pupunta ako dito upang mag-training." "Hired? Paano ka ma-hired?Wala naman kaming hiring. Isa pa, walang bilin sa akin si sir. O, baka naman may nanloloko lang sa'yo." "Hindi naman po siguro ma'am, meron po siyang message sa akin kaso lowbat lang ako. Para maniwala po kayo baka pwedeng makahiram ng charger." Halos mapaluha na si Eula sa kaniyang pagpaliwanag ngunit hindi pa rin siya pinaniwalaan. "Imposible talaga iyang pinagsasabi mo alam mo kung bakit? Sa tangkad pa lang ay disqualified ka na tingnan mo nga 'yang sarili mo sa salamin! Hitsura ba iyan sa isang aplikante?! Your wasting my time! Guard, paalisin mo na iyan nakakasira ng imahe dito sa resort!" mahabang litanya niya at umalis na ito. "Hindi ako aalis dito! Hangga't hindi ko nakakausap ang may-ari. Maniniwala lang ako kung siya mismo ang makakaharap ko," inis niyang sabi. "Sinabi ko na sa 'yo wala si boss dito, nasa Manila. Baka sa susunod na araw pa iyon babalik." "Kahit isang taon pa manong guard! Hindi pa rin ako aalis dito hangga't hindi ko nakakausap ang boss mo!" umupo siya sa gilid ng gate. Tiniis ni Eula ang uhaw at gutom, pinanindigan niya ang kaniyang sinasabi na hihintayin niya ang may-ari. Hanggang sa hindi ito nakatiis lumapit siya sa guwardiya at hihingi ng tubig. "Mamang guard, pahingi naman ng tubig nauhaw kasi ako." "Sandali," pumasok ito sa guard house at kumuha ng isang basong tubig sabay abot niya sa dalaga. "Salamat manong ha." "Umuwi ka muna sa inyo." "Hindi nga ako uuwi! Hihintayin ko talaga ang boss ninyo." "Bahala ka nga!" Lumipas ang gabi ngunit nandoon pa rin si Eula. "Ang hirap talaga kung mahirap ang isang tao pero sige lang Ula makakaraos ka rin konting tiyaga lang," bulong niya sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD