Chapter 3

1452 Words
Halos mapaluha na si Eula sa kaniyang pagpaliwanag ngunit hindi pa rin siya pinaniwalaan. "Imposible talaga 'yang pinagsasabi mo, alam mo kung bakit? Sa tangkad pa lang ay disqualified ka na, tingnan mo nga 'yang sarili mo sa salamin! Hitsura ba iyan sa isang aplikante?! Your wasting my time! Guard, paalisin mo na 'yan nakakasira ng imahe dito sa resort!" mahabang litanya niya at umalis na ito. "Hindi ako aalis dito! Hangga't hindi ko nakakausap ang may-ari. Maniniwala lang ako kung siya mismo ang makakaharap ko." inis niyang sabi. "Sinabi ko na sa'yo wala si boss dito, nasa Manila. Baka sa susunod na araw pa iyon babalik. "Kahit isang taon pa manong guard! Hindi pa rin ako aalis dito hangga't hindi ko nakakausap ang boss mo!" umupo siya sa gilid ng gate. Tiniis ni Eula ang uhaw at gutom, pinanindigan niya ang kaniyang sinasabi na hihintayin niya ang may-ari. Hanggang sa hindi ito nakatiis lumapit siya sa guwardya at hihingi ng tubig. "Mamang guard, pahingi naman ng tubig nauhaw kasi ako." "Sandali." pumasok ito sa guard house at kumuha ng isang basong tubig sabay abot niya sa dalaga. "Salamat manong ha." "Umuwi ka muna sa inyo." "Hindi nga ako uuwi! Hihintayin ko talaga ang boss ninyo." "Bahala ka nga!" Lumipas ang gabi ngunit nandoon pa rin si Eula. "Ang hirap talaga kung mahirap ang isang tao pero sige lang Ula makakaraos ka rin konting tiyaga lang." bulong niya sa sarili. Hindi niya napigilan ang sarili at napaluha siya. Sobra na siyang antok ngunit ayaw niyang matulog. Sapagkat natatakot ito na baka lalapitan siya ng mga masasamang tao. "Nandito ka pa rin?" tanong ng guwardiya kinabukas ng umaga. "Sabi ko naman sa'yo na maghihintay ako dito." Napailing na lamang ang guwardiya at pumasok sa loob. Bawat trabahanting dumadaan sa kanyang kinaupuan ay halos napatingin sa kanya. Na tila may pagtataka sa kanilang mga mata dahil kahapon pa siya doon. "May God! Hindi ka pa rin ba umaalis?! Hindi mo ba naiintindihan ang sinabi ko kahapon? Nakakasira ka ng imahe dito sa resort, umalis ka na!" bulyaw sa kanya. Pinagtutulakan pa siya na parang isang baliw. Ngunit hindi iyon pinapansin nanatili siyang matigas at muling umupo. Hindi siya pwedeng umuwi dahil wala siyang pamasahe. At maya-maya pa'y merong isang magarang na sasakyan ang pumasok. Hindi niya ito pinansin sa pag-aakalang isa itong customer. Subalit napansin naman siya ng binata. Nang makapasok na ito sa loob ay agad siyang bumaba at nagtanong sa kuwardya. "May napansin akong babae sa labas sino iyon?" "Isang makulit na babae sir Giby. Kahapon pa nga iyan diyan, pinapagalitan na nga iyan nang manager, tinataboy, pero ayaw talagang umalis kaya pinapabayaan ko na." "Kahapon?! Bakit daw? Ano ang kailangan?" "Naku! Manloloko yata sir, ginamit pa ang pangalan ninyo. Ikaw raw ang nagpapapunta sa kaniya dito para magtrabaho." "What?! Bakit hindi niyo ako tinawagan agad?!" galit nitong sabi at patakbong pinuntahan ang dalaga sa labas..... "Excuse me?" turan ni Giby sa mahinang boses at tinitigan niya ang dalagang nakayuko. Dahan-dahan namang lumingon at inangkat ni Eula ang kaniyang mukha. Na halos mabali na ang kaniyang leeg sa pagnanais na makita niya ang mukha ng lalaking nagsasalita. "Ano siya kapre?" bulong niya sa sarili. Dahan-dahan siyang tumayo sa harapan na tanto niya na lampas baywang lang siya ng lalaki "Goo-!" putol na bati ni Ula. Dahil bigla siyang hinimatay. "s**t!" mura ni Giby. Buti na lamang ay nasalo niya ang katawan nito. Nag-panic siya at dali-daling binuhat ang walang malay na babae. "Guard! Dalhin mo ang mga gamit niya!" galit niyang utos. Halos patakbo niyang dinala ang babae sa kaniyang private room. "Naku! Patay ako nito, parang galit si boss." kinabahan ang guwardiya. Dahil kilala niya ang boss iba ito kapag nagagalit. "Huwag sana akong matanggal," dagdag pa niya. Nagulat naman ang mga empleyado at mga customers, nang makita nila ang may-ari na merong kargang isang babaeng walang malay. "Tawagin mo ang doctor, sabihin mong pumunta sa aking kuwarto. Bilisan mo!" utos niya sa isang empleyada. "Yes, sir!" tarantang tugon nito. Kumaripas ito ng takbo sapagkat nasa boses ng kanilang boss ang galit. "Pasunurin mang manager sa aking kuwarto, ngayon din!" utos na naman niya sa isang empleyadong nadaanan. "Opo! Opo!" nag-panic ang ito at hinahanap ang manager. "Lagot na!" bulalas ng empleyado at napakamot sa kaniyang ulo. Ibinaba niya ang dalaga sa kaniyang kama at napansin niya ang pamumutla nito. Napatingin siya sa kabuuang katawan nito. Nakaramdam siya ng sobrang ayawa sapagkat nasa imahe niya ang kahirapan. "S-sir, s-saan ko ilagay itong mga gamit niya?" kinabahang tanong ng guwardiya. "Ilagay mo diyan at huwag kang lumabas!" tugon nito na may kasamang pagkunot sa noo. "O-opo sir..." para itong basang sisiw na nakatayo sa gilid. Alam niyang galit ang boss at sana lang ay 'wag siyang matanggal. "Giby, ano ang nangyari?" tanong ng doctor. Nang makapasok ito sa loob ng kuwarto. "Hinimatay siya at hindi pa nagkamalay, paki-tingna mo nga doc." "Hmm... I saw her yesterday outside the gate, parang binulyawan pa yata ito ng manager at pinagtutulakan."sumbong nito. Nag-aapoy sa galit si Giby, nang marinig niya ang sinabi ng doctor. "She's good, but she just needs vitamins and more water. Nalipasan lang siya ng gutom kaya siya hinimatay, and she also needs a little rest." "Salamat doctor." "Welcome! Mauna na ako." Tama naman na sa paglabas ng doctor ay dumating rin ang manager. "Sir, pinapata-!" "What did you do to her?! Bakit mo siya sinaktan at binastos?! Para kang hindi manager!" "H-hindi ko kasi alam na-" "Bakit hindi mo ako tinawagan?! Bakit umasta ka na ikaw ang boss dito?! Tingnan mo kung ano'ng nangyari sa kaniya! What about you guard?! Bakit hindi mo siya pinapapasok at binigyan ng sapat na matulugan?!" galit na galit niyang sermon sa dalawa. "A... e... k-kasi sir. A-akal-" "Both of you! Alam niyo bang galing pa 'yan sa malayong probinsya?! Gusto niyo bang tanggalan ko kayo ng trabaho?!" "H-'wag naman po sir. Kailangan ko itong trabaho ko, sorry na po sir," turan ng guwadrya na tila nagmamakaawa. "Ikaw! Manager ka lang! Wala kang karapatang manakit sa mga empleyada dito o baka gusto mong maghanap ng ibang trabaho? Malaya kang umalis!" "Huwag naman po sir. Hindi na po mauulit at hihingi na lang ako ng tawad sakaniya." nakayuko nitong sagot. "Dapat lang! Huwag kayong umalis diyan hangga't hindi siya nagising!" Tinawagan ni Giby ang kusina at nagpapaluto ito ng maraming pagkain para sa dalaga. "Uhmm... T-tubig... tubig..." ungol ng dalaga nang magkamalay ito. Dali-dali namang kumuha ng tubig si Giby, inalalayan niya ito upang makaupo ng maayos at agad makainom ng tubig. "Kumusta na ang pakiramdam mo?" tanong niya. "Medyo okay na po." "Ako pala si Giby La Vargas. Im sorry sa nangyari sa'yo." "Okay lang po sir." "Oh! Ano pa ang hinihintay ninyong dalawa?!" "M-miss... s-sorry sa ginawa ko sa'yo." turan ng manager. Kung gaano siya ka sungit at katapang kahapon at kanina. Kabaliktaran naman ngayon, dahil sobra na itong mabait. Ngunit ramdam ni Eula na pakitang tao lang ang ginawa nito. "Sorry po miss," sabad naman ng guwardiya. "Okay lang po iyon nangyari na e. Pero sana naman sa susunod huwag ninyong husgahan ang isang tao. Dahil lang sa pananamit nito pasalamat nga kayo dahil hindi kayo ang nasa katayuan ko na isang mahirap lamang. Hindi ako mapagkuwaring tao na kahit wala ay pipilitin pa rin na magsuot ng magagarang na kasuutan na hindi naman sa'kin. Alam niyo ba kung bakit hindi ako umuwi? Dahil wala po akong pampasaheng pauwi sa amin. Ang perang pinamasahe ko para makarating lang dito ay galing sa paglalabada ko ng buong araw." emosyonal na pahayag niya at napaiyak ito. Ganoon rin ang manager at ang guwardiya parehong nagpupunas sa kanilang mga luha. Napatingin si Giby sa kamay niya para namang dinudurog ang kaniyang puso. Nang makita niya ang kamay nito at alam niyang nagsasabi ito ng totoo. Sapagkat may mga bakas pa sa kaniyang paglalabada ang mga sugat sa kaniyang dalawang kamay. Kinuha niya ang kaniyang panyo at inabot niya sa dalaga. "Salamat po sir," turan niya. Tinanggap niya ang panyo at pinupunas sa kaniyang luha at muli rin niyang ibinalik. "Bumalik na kayo sa trabaho ninyo at yaw ko ng maulit pa ito!" utos niya sa dalawa. "Opo sir!" Dali-dali namang lumabas ang dalawa at dumating rin ang mga pagkain na ipinaluluto niya. Inilatag niya ang mga ito sa harapan ng dalaga. Napalunok naman ang pobre nang maamoy niya ang mga masasarap na pagkain. Kahit gutom na gutom siya ay nagawa pa rin niyang kontrolin ang sarili. Upang hindi siya magmukhang ignoratante sa harap ng kaniyang boss. "Kumain ka muna para sa'yo lahat ng iyan." "Salamat po sir. Kumain na rin po kayo hindi ko kasi ito mauubos." "Okay, sige." nakangiting tugon nito. Nagsimula siyang sumubo nang bigla niyang naisip ang kaniyang pamilya. "Ang daming pagkain ang nasa aking harapan, ang sasarap nito. Pero ang aking pamilya ay siguradong ginisang bagoong na naman ang ulam. Balang araw makakain niyo rin ito." piping sabi ng isip niya. Hindi na naman niya napigilan ang pagpatak ng kaniyang mga luha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD