#BYAHBook3_ThisTime EPISODE 73 Tulalang nakaupo sa edge ng kama si Khiro habang nagbibihis naman sa harapan niya si Kameon. Napatingin si Kameon kay Khiro na hanggang ngayon ay hindi pa rin kumikilos. “Bakit hindi ka pa nagbibihis?” tanong nito. Bumalik sa reyalidad si Khiro ng marinig niya ang tanong na iyon. Kaagad siyang napatingin kay Kameon. “Ayokong pumunta…” sabi nito. “Pero hindi ka pwedeng hindi pumunta… Kailangan nandun ka dahil… asawa mo siya… Kailangan kahit na sa huling pagkakataon ay masilayan mo siya…” sabi ni Kameon. “Ayaw ko ngang pumunta…” sabi ni Khiro at napabuntong-hininga. Napabuntong-hininga rin si Kameon. Ibinutones muna nito ang huling butones ng suot nitong polo na kulay itim saka naupo sa tabi ni Khiro. Hinawakan n

