#BYAHBook3_ThisTime EPISODE 77 “Ano? Handa na ba ang lahat?” tanong ni Kameon kay Khiro. Nasa living room sila ngayon. Tipid na napangiti si Khiro. “Oo naman… Naihanda ko na iyong mga gamit namin nila Migo… Di ba yaya?” sabi nito na napatingin sa yaya na buhat-buhat si Baby Klio. “Yes Sir… Handan a po...” nakangiti nitong sagot. Napangiti naman si Kameon. “So… Let’s go?” sabi nito. Tango lang ang naging sagot ni Khiro. Binuhat ni Khiro ang isang bagpack samantalang si Kameon naman ay binuhat rin ang isang duffle bag na naglalaman ng mga gamit nilang lahat. Sabay-sabay silang lahat na lumabas ng condo unit. Buhat-buhat ni Khiro si Migo kahit na may bitbit itong bag. Kasama rin nila si yaya na may buhat naman kay Baby Klio. Pupunta sila ngayon

