#BYAHBook3_ThisTime EPISODE 61 Nasa living room sila Kameon at Khiro. Nakaupo sa sofa si Khiro habang nakatayo naman malapit sa bintana si Kameon. Namamayani ang katahimikan sa buong paligid. Si Baby Klio naman ay kasalukuyang tulog pa rin sa crib nito na nasa loob ng kwarto kasama si Migo na tulog ring nakahiga naman sa kama. Napagod kasi ito sa ginawa nilang pamimili sa grocery. Napatingin si Khiro kay Kameon. Mababanaag ang matinding pagkalito sa kanyang mukha at matinding kaba na nararamdaman. Kinakabahan siya dahil sa mga maaaring malaman niya ngayon. “Totoo ba? Totoo ba ang sinasabi ng lalaking nagngangalang Howard? Asawa ko ba talaga siya?” tanong ni Khiro na bumasag sa katahimikan. Napatingin rin sa kanya si Kameon after nitong marinig ang tanong ni K

