#BYAHBook3_ThisTime EPISODE 59 “Welcome to our home…” masayang pagbati ni Kameon pagkapaosk na pagkapasok nilang lahat sa condo unit nito. Nandito na sila sa Maynila. Napangiti si Khiro sa sinabi ni Kameon habang buhat-buhat pa rin nito si Baby Klio. Si Migo naman ay kasalukuyang inililibot ang tingin sa kabuuan ng loob ng condo. Naibaba na siya ni Kameon mula sa pagkakabuhat. “Papa… Nasaan pow tayo?” tanong ni Migo na ngayon ay nakatingin na sa Papa Khiro niya. Napatingin rin sa kanya ang huli. “Ah… Eh…” napangiti si Khiro. “Ahm… Anak… Nasa Maynila na tayo at ngayon, nasa loob tayo ng condo unit ng Tito Kameon mo…” ang sagot ni Khiro sa tanong ng anak. “Bakit pow tayo nandito?” tanong muli ni Migo. “Ahm… Kasi… Simula kasi ngayon, dito na tayo titira…” sa

