#BYAHBook3_ThisTime EPISODE 57 “I need to go back to Manila…” may panlulumong sabi ni Kameon kay Khiro. Nakaupo ang una sa gilid ng kama habang si Khiro naman ay nakatayo sa harap niya. “May kailangan lang kasi akong ayusin regarding sa negosyong naiwan ko roon…” sabi pa nito. Ayaw man kasi niya na bumalik muna ng Maynila pero kailangan dahil sa balitang sinabi sa kanya ng assistant niya. Napabuntong-hininga si Khiro. Naupo ito sa tabi ni Kameon. Hinawakan ang kanang kamay ng huli. “Naiintindihan ko…” sabi nito. Alam na kasi niya ang problema ni Kameon tungkol sa negosyo. Nakatingin lang sa kanya si Kameon. Mababanaag sa mga mata nito ang lungkot. “Ayoko sanang iwan ka rito…” “Sshhhh…” sabi kaagad ni Khiro sabay dikit ng hintuturong daliri nito sa malam

