#BYAHBook3_ThisTime EPISODE 65 “Saang simbahan mo ba balak pabinyagan si Baby Klio?” tanong ni Kameon kay Khiro. Kasalukuyan silang nasa dining area ngayon at magkatapat na nakaupo sa upuan habang nasa gitna naman nila ang dining table. Kapwa umiinom ng mainit na kape habang si Migo naman ay katabi ni Khiro at nakaupo sa katabing upuan habang kumakain ng koko crunch. Nangunot ang noo at nagsalubong ang magkabilang kilay ni Khiro na napatingin kay Kameon. “Bakit mo naman natanong?” may pagtatakang tanong nito. Napailing si Kameon. “Wala lang… Naisip ko lang kasi na di ba dapat… mapabinyagan na siya?...” sabi nito. “Dapat nga nagpaplano na tayo eh…” sabi pa nito. Napatango-tango si Khiro. Pamaya-maya ay napabuntong-hininga. “Actually… Hindi ko pa sa ngayo

