#BYAHBook3_ThisTime EPISODE 67 Inililibot ni Khiro ang kanyang paningin sa kabuuan ng lugar kung saan siya naroon ngayon. Naghahanap ng mabibili. Hanggang sa mapahinto ang kanyang pagtingin-tingin. Dahan-dahang naglakad patungo sa kinalulugaran ng bagay kung saan doon napahinto ang kanyang mga tingin. Tinitigan niya ang bagay na iyon na nakasabit sa may estante. Maliit lamang ang bagay na iyon pero sa tingin niya ay ito ang bagay na pwede niyang magamit para sa binabalak niyang pagtapos sa lahat. “Malakas ‘yan Sir...” sabi ng lalaking sa tingin niya’y may-ari at bantay ng lugar na iyon ng makalapit sa kanya. Napatingin siya rito. “Sigurado ka?” tanong ni Khiro sa lalaking sa tingin niya’y kasing-edad niya lamang. May kaliitan lamang ang tangkad nito pero mati

