#BYAHBook3_ThisTime EPISODE 69 Unang nagising si Khiro. Nakatitig ito ngayon sa gwapong mukha ni Kameon na hanggang ngayon ay natutulog pa rin. Napangiti siya. Napakapayapa ng pakiramdam niya ngayon dahil sa nakikita niya ang payapang mukha ng natutulog na si Kameon. Naramdaman niyang humigpit ang yakap sa kanya ni Kameon. Mas lalo tuloy nagkadikit ang mga hubad pa rin nilang mga katawan. Hinalikan ni Khiro sa labi si Kameon. Smack kiss lamang iyon pero ibinuhos niya sa halik na iyon ang walang hanggan niyang pagmamahal para kay Kameon. Tunay na mahal na mahal niya ito at kahit na ano o sino ay walang makakapigil pa roon. ‘Mahal na mahal kita… Bukod sa mga anak ko… isa ka sa mga taong mahal at pinapahalagahan ko kaya hindi ko hahayaang may mangyaring masama sayo… H

