#BYAHBook3_ThisTime EPISODE 49.1 “Lika… Pasok ka… pasensya na kung medyo magulo dito kasi nag-leave ‘yung tagalinis ko rito kaya ito… hehehehe…” natatawang sabi ni Kameon habang isa-isang pinupulot ang mga damit at iba pa niyang gamit na nagkalat. Tipid na napangiti si Khievo. Pumasok siya sa loob ng condo unit ni Kameon. “Ok lang… ako nga dapat ang mahiya eh…” sabi ni Khievo. Napatigil sa ginagawa si Kameon at napatingin kay Khievo. Tipid itong napangiti. “Hindi ka dapat mahiya… Hindi mo ba alam na simula ng mahalin kita… itinatak ko na sa puso’t-isipan ko na ang lahat ng meron ako… sayo na rin…” sabi ni Kameon. Napaiwas ng tingin si Khievo kay Kameon. Nakaramdam siya lalo ng hiya sa sinabi nito. Tipid na napangiti na lamang si Kameon ng makitang u

