#BYAHBook3_ThisTime EPISODE 53 Nakakaramdam ng kaba si Khiro habang nakaupo sa passenger seat ng kotseng minamaneho naman ngayon ni Kameon. Napatingin siya rito. “Paano kaya kung huwag na tayong tumuloy…” bakas na sa boses ni Khiro ang pag-aalangan. Sandaling napatingin naman sa kanya si Kameon at kaagad ring ibinalik ang tingin sa daan. “Huwag na tayong tumuloy? Pero malapit na tayo sa kanila...” sabi ni Kameon. Muling napatingin ito sandali kay Khiro. “Bakit? Kinakabahan ka ba kaya ayaw mo ng tumuloy pa?” tanong pa nito. Malalim na napabuntong-hininga si Khiro. “Medyo… Pero hindi lang kasi kaba iyong nararamdaman ko ngayon eh… Pakiramdam ko, hindi pa ako handa na muli siyang makita pagkatapos ng lahat ng nangyari...” sabi nito. Hinawakan ni Kameon ang

