#BYAHBook3_ThisTime EPISODE 35 Malungkot ang mukha na nakatingin si Cheska sa isang litrato na hawak-hawak niya habang nakaupo ito sa single sofa. Kitang-kita sa mga mata nito ang lungkot at pangungulila. ‘Ano kaya ang magiging buhay natin ngayon kung hindi ka kaagad nakuha sa amin? Ano kaya ang magiging takbo ng istorya natin ngayon kung nandirito ka pa rin at kapiling namin? Siguro… mas lalo tayong masaya ngayon… mas lalong matatag… mas lalong matibay…’ sabi ni Cheska sa isipan. Kaagad na pinunasan ang luhang tumulo mula sa kanyang mga mata. ‘Hay! Ano pa bang sense ng pag-iisip ko ng mga ganito kung wala ka na ngayon? Ano pa bang sense ng pag-iisip ko ng hinaharap nating dalawa kundi ikaw ang kasama namin ngayon? Alam ko na nakikita mo kami riyan ngayon… alam kong nakikit

