#BYAHBook3_ThisTime EPISODE 37.1 “Anong ginagawa mo rito?” Kaagad na napalingon si Kameon ng marinig niya ang tanong na iyon ng isang boses ng babae. Bahagya pa siyang nagulat ng nakita niya na ang asawa pala ni Khievo na si Cheska ang siyang nagtanong sa kanya na nakakunot ang noo at magkasalubong ang magkabilang kilay. Napansin niya na may dala-dala itong dalawang supot ng sa tingin niya’y pinamili nito. Mukhang kakagaling lang sa palengke. “Di ba ikaw si Kameon? Iyong naging kaibigan ng asawa ko nung nasa Tagaytay kami?” tanong pa ni Cheska kahit na sa loob-loob nito, kilala na niya ang taong ito kahit na hindi na niya ito tanungin. Napatango naman si Kameon. “Ah… Oo… Ako si Kameon…” “Anong ginagawa mo rito?” tanong kaagad ni Cheska. Napatingin pa ito sa gawi

