Chapter 2

716 Words
Kanina pa pilit binablack out ni Kimberly sa isip niya ang tunay na dahilan kung bakit nandito siya ngayon sa Pleasure Club-isang high class club na pag-aari ng isang mayamang Tsinoy. Sa unang tingin ay isang typical na club lamang ito. May inuman at sayawan na kinabibilangan ng mga mayayamang tao sa sociedad. Mabenta ito sa mga matatandang mayayaman at mayayamang bachelors na walang kakayahang magseryoso sa isang relasyon at puro one night stand lamang ang hanap sa isang babae. Hindi na bago kay Kimberly ang ganitong klase ng sitwasyon dahil may kaibigan siyang bakla na manager sa isang mumurahing club. Si Roberta ang nagdala sa kaniya sa lugar na ito, kung saan may mga "talents" din dito ang kaibigan niya. Matagal ng naikuwento ni Roberta kay Kimberly ang tungkol sa Pleasure Club. Kaya ito agad ang unang pumasok sa isip niya na magiging sagot sa kaniyang mga problema. Pero hindi agad siya pinayagan ni Roberta sa desisyon niya. Dahil kilala siya nitong matinong babae. Ngunit talagang desidido na ang dalaga. Bukod sa "mag-e-enjoy" na siya ay maiiwanan pa niya ng malaking halaga ang kaniyang pamilya bago siya tuluyang "umalis". Bago pa man uminit ang kaniyang mga mata ay pinahid na iyon ni Kimberly. Ayaw niyang maging malungkot sa pinaka-espesyal na gabing iyon sa buhay niya. Espesyal dahil sa wakas ay papakawalan na rin niya ang pinakaimportanteng bagay sa buhay niya. Kung susuriin niyang mabuti ang kaniyang sarili ay nagsusumigaw iyon ng matinding pagtutol. Dalawampu't pitong taon niyang iningatan ang kaniyang virginity pero sa loob lamang ng dalawang oras ngayong gabi ay isusuko niya iyon sa taong hindi naman niya kilala. Mabuti na lamang at kahit papaano ay sinabi sa kaniya ni Roberta na puro binata daw ang customer ng Game Room kapag araw ng Biyernes. Kaya panatag si Kimberly na hindi siya masusuka. Kasi iisipin pa lang niya na "Tatay" na niya ang makakaniig ay bumabaligtad na ang kaniyang sikmura. "Sana lang guwapo, galante at hindi manyakis." Kapagkuwa'y kausap niya sa sarili. "Pakunsuwelo na lang sa virginity ko." "Francesca?" Napaangat sa kinauupuang kama si Kimberly nang marinig ang palayaw na ibinigay niya sa management ng Pleasure Club, required daw kasi iyon para na rin sa kapakanan nila. "Francesca?" Napalunok ang dalaga dahil sa baritonong boses na nagmumula sa labas ng pintuan. Hindi niya maintindihan kung bakit may kakaibang dulot sa kaniya ang boses na iyon ng lalaki. Ilang beses munang huminga ng malalim si Kimberly bago tumayo at inayos ang suot na kulay pulang mini dress. Isa iyong see through kaya kitang-kita ang suot niyang kulay itim na bra at tinernuhan ng kaparehas na kulay na bikini. Ngayon pa lang ay parang gusto na niyang takpan ang sarili at mag-back out. Sa suot pa lang ay parang hindi na niya kilala ang kaniyang sarili. Ang layo-layo na niya sa isang Kimberly Ann Dela Cruz-kilalang dalagang Pilipina sa kanilang lugar, mabait na anak at matinong sales agent sa isang malaking land corporation sa Makati. Pero hindi kasingsimple ng buhay nila ang pinagdadaanan ng dalaga. Bata pa lamang siya ay nakatatak na sa kaniyang isip na hanggang pangdalawampu't pitong taon lang talaga ang buhay niya dahil sa "sumpa" na nananalaytay sa kanilang pamilya, na namana niya sa ina. At ayaw niyang mamatay ng virgin. "Francesca? Are you there?" Napakisap siya nang muling marinig ang boses ng lalaki na may bahid na ng pagkainip. Pinakalma ni Kimberly ang sarili bago tumayo. Sanay na siyang makipagdeal sa mga malalaking kliyente at isa na rin siya sa most valuable employee ng kumpanya dahil sa galing niya sa pagbebenta. Ngunit sa isang iglap ay biglang naglaho ang kumpiyansa niya sa sarili habang inaalis ang nakatakip sa maliit na butas na nasa pintuan, kung saan sila mag-uusap ng lalaki. Sa huling pagkakataon ay nais niyang magbago ng isip. Pero muli ay naalala ni Kimberly ang kaniyang kalagayan at ang maiiwang pamilya. Isipin mo na lang ang "benefits" na makukuha mo sa lalaking ito, Kimberly...bukod sa malaking halaga. Anang kaniyang isip. Muli niyang binalikan sa isip ang mga pang-aakit at "kalandiang" itinuro sa kaniya ng kaibigan niyang bakla. Iyon ang gagamitin niya para magmukha siyang may alam kapag nakipag-usap siya sa customer. Kinakabahan man ay pilit na pinatatag ni Kimberly ang sarili. Huminga siya nang malalim bago pinakawalan ang pinakamalambing niyang boses. "Y-yes?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD