Chapter 1

1361 Words
"s**t! This place was so damn amazing!" hindi napigilang bulalas ni Sam nang makapasok na sila sa loob ng Pleasure Club, kasama ang kaibigang si Dean Monreal. Alam nila parehas na isa itong illegal dahil sa pagkakaroroon ng sikretong casa. Pero dahil tulad nila, mayaman at maimpluwensiya din ang may-ari nitong Pleasure Club kaya walang naglalakas-loob na ipasara. May mga sumubok na pero hindi nagtagumpay. Matagal nang naririnig ni Sam ang lugar na ito dahil sikat na sikat sa mga kapwa niya mayayamang bachelors. Ilang beses na siyang niyaya ni Dean na pumunta rito ngunit tinatanggihan ni Sam. Naisip kasi niya na bakit kailangan pa niyang magbayad nang malaki para maka-one night stand ang isang baba, kung nakukuha naman niya ito ng libre sa mga naghahabol sa kaniya. At hindi lang pang-isang gabi kundi want to sawa pa. Hindi na nakapagtataka kung bakit habulin man ng mga babae ang isang half Filipino-half German na si Sam Walker. Kasi bukod sa pagiging magandang lalaki ay mayaman pa ang binata. Dahil nag-iisang anak kaya sa kaniya na ipinamana ng amang German ang pamamahala sa Walker Telecom-isa sa tagapangunahing tagapagtustos ng telecommunications services sa Pilipinas at ilang bahagi ng Asya at Europa. Pero sa kabila ng pagkakaroon ng maayos na buhay, ni minsan ay hindi pa sumagi sa isip ni Sam ang magpatali sa kahit sinong babae... Hindi pa ulit. Hindi pa siya handang magseryosong muli. At kung ano man ang kaniyang dahilan, tanging si Sam at malalapit na kaibigan at pamilya lamang ang nakakaalam. "Mas marami pang amazing surprises amg naghihintay sa'yo rito bro," untag sa kaniya ni Dean. "Siguradong ngayong gabi ay mag-e-enjoy ka sa unforgetttable treat na ibibigay ko sa birthday mo." Ngayon ang ikatatlumpong taong kaarawan ni Sam. At dahil huling taon niya sa kalendaryo kaya pinagbigyan na niya si Dean na dito na sa Pleasure Club mag-celebrate. Wala naman kasing mawawala kung susubukan niya. Dahil hindi man sa pagmamayabang, pero barya lang ang perang mailalabas niya rito. "Siguraduhin mo lang, bro. Kasi nang dahil dito kaya hindi ko sinipot sa date namin si Hillary." Ang babaeng tinutukoy niya ay isang sikat na international model at bagong fling niya. "I assure you, bro. Siguradong babalik-balik ka dito pagkatapos ng gabing ito." Natawa si Sam at napatango na lang. Base sa nakikita niya sa paligid ay maayos naman ito at nakaka-enjoy. "Sigurado ka ba na malilinis at virgin ang mga babaeng dinadala rito, ha?" naiintrigang tanong ni Sam. "Yes, bro. Kaya ihanda mo na 'yan." Nakakaloko itong tumingin sa harap ng pantalon niya. "Dahil siguradong 'mapapalaban' 'yan ng husto." Pabirong siniko ni Sam ang kaibigan. "Gago!" Pero ang totoo ay nakaramdam siya ng init sa katawan nang malamang uso pa pala dito sa Pleasure Club ang mga "virgin". Ilang sandali pa silang nakipag-inuman at naki-party sa ibang mayayamang guest. Pero wala doon ang focus ni Sam. Hindi na siya makapaghintay sa Game of Pleasure na sinasabi ni Dean. Isa raw iyong palaro sa nasabing club kung saan ay bubunot ang host ng party ng apat na kalalakihang gagamit sa Game Room. Binubuo iyon ng apat na kuwarto kung saan bawat isa ay may naghihintay na mga "special" na babae. Mga babaeng pansamantalang magbibigay sa kanila ng aliw at babayaran nila ng ayon sa napagkasunduang halaga ng ddalawang panig. "Handa na ba kayong marinig ang mga pangalang bubuo sa ating first batch?" Napapiksi si Sam nang sa wakas ay marinig ang paninimula ng emcee. Nagpalinga-linga siya sa paligid. Sa dami ng mga lalaking naroroon ay mukhang suntok sa buwan na mabunot ang kaniyang pangalan. "Just trust me, bro. Malakas ang kutob ko na susuwertehin ka ngayong gabi dahil birthday mo," nakangising bulong sa kaniya ni Dean. Nilaro-laro niya ng daliri ang hawak na wine glass. "Heck. I'm freaking excited and I don't know why." Narinig niya ang marahang pagtawa ng kaibigan. Kasunod n'on ay ang pagtawag ng host sa pinakaunang masuwerteng lalaki na gagamit ng Game Room. "And the first lucky man was none other than... Mr. Dunhill Feiro Mondragon!" Sinundan ni Sam ng tingin ang lalaking tinawag ng emcee. Katulad niya ay isa rin ito sa mga tinitingala sa lipunan dahil sa angking kaguwapuhan at nakakaakit na estado sa buhay. Hindi niya ito personal na kakilala. Pero madalas niya itong makasabay at makalaban sa mga business bidding. "Sasamahan naman siya sa listahan ni Mr. Triv Sauler!" anang tagapagsalita matapos basahin ang pangalan na nakasulat sa pangalawang papel na binunot nito. Katulad nila ni Dunhill ng estado sa buhay ang tinawag na si Triv. Minsan na rin itong nakasalamuha ni Sam sa mga social gatherings. Nahigit niya ang pinakamalalim na hininga nang muling dumukot sa babasaging bowl ang emcee at binuklat ang nakabilot na papel. "Oh, this is also great," anito na tila manghang-mangha sa nakita. That expression made him even excited. Hindi maipaliwanag ni Sam kung bakit lihim niyang hinihiling na sana susuwertehin siya ngayong gabi. "And our third lucky guy was none other than..." pambibitin pa ng host. "Mr. Sam Walker!" "Holy s**t!" Halos sabay pa nilang saad ni Dean. "Sabi ko naman sa'yo, eh...." Tinapik siya nito sa balikat bago siya lumapit sa magandang babaeng mag-ga-guide sa kaniya. "Good luck, bro! Galingan mo!" pahabol ni Dean na mukhang excited pa sa kaniya. Dinala si Sam ng babae sa isang kuwarto kung saan ay naroroon ang mga unang tinawag na sina Dunhill at Triv. Pawang may maliit na bag silang hawak-hawak. At alam ni Sam na katulad niya ay money cash din ang laman niyon na ipambabayad nila sa Game Room at sa management ng Pleasure Club. Tinanguan niya ang dalawang lalaki bago nagpakilala. "Sam Walker." Una niyang nilahad ang kamay sa harap ni Dunhill. Pagkatapos nang mainit nilang pagpapakilala sa isa't isa ay sabay-sabay silang napatingin sa bumukas na pinto. Iniluwa n'on ang pamilyar sa kaniyang lalaki na si Paolo Maria Punzalan. Isa itong international football player at minsan na ring napanood ni Sam sa television. Ang pagkakaalam niya, bukod sa pagiging magaling na manlalaro ay katulad din nila itong nanggaling sa mayamang pamilya. Kahit hindi personal na magkakilaa ay mainit pa rin nilang tinanggap si Paolo. Ilang minuto ang lumipas ay pumasok naman ang isa pang magandang babae na magbibigay sa kanila ng instructions. Ayon dito, dalawang oras lang ang katumbas ng malaking halaga na ilalabas nila ngayong gabi. Puwede raw silang mag-back out kapag hindi nila nagustuhan ang mga babae. At gan'on din ang mga ito kapag hindi nagkaintindihan sa presyo. May iniabot sa kanila na listahan ng pangalan ng mga babaeng nasa apat na Game Room. Unang pumili sina Dunhill at Triv. Dalawa na lang sa listahan ang natitira. Agad na umagaw sa pansin ni Sam ang pangalan na "Francesca". That name means "exotic and sexy". Iyon marahil ang dahilan kung bakit tila ang lakas ng dating n'on sa kaniya. "I'll take this one," anang binata na may nararamdamang kakaibang excitement habang itinuturo ang salitang "Francesca". At dahil panghuli kaya napunta kay Paolo ang natitirang pangalan. Mayamaya pa ay sinamahan na sila ng babae sa second floor ng Pleasure Club, kung saan daw naroroon ang Game Rooms. Kabaligtaran sa baba ay napakatahimik ng pasilyong nilalakaran nila. Ang katahimikang iyon ay nagpapadagdag sa excitement na bumabalot sa katawan ni Sam nang mga oras na 'yon. "Francesca"...bulong ng isip niya na para bang nakikinita na niya ang kaseksihan nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD