NATUTULALA si Igop na napasunod sa dalagang nagdadabog lumabas ng bahay. Napapapilig pa ito ng ulo na paulit-ulit niri-replay sa isipan kung tama ba ang narinig o baka namali lang. Pero kahit anong ulit nito ay maliwanag pa sa sikat ng araw na. . . nag-I love you sa kanya ang dalaga. "Hintay naman, madame," paghabol nito sa dalaga. Napanguso si Bella na hinintay makalapit si Igop na naunang sumampa ng kabayo. "Tara," anito na naglahad ng kamay. Hindi naman na umangal si Bella na tinanggap ang kamay ni Igop na hinila siya pasakay ng kabayo. Nangingiti naman si Igop na pasimpleng napayapos ng isang braso sa baywang ni Bella bago pinalakad ang kabayo. Samantala. Naiiling na lamang si Typhus na nakasunod ng tingin sa dalawa na magkaangkas sa kabayo. Hindi niya alam pero. . . nakakadam

