MARIING napapikit si Bella na unti-unting napatugon sa masuyong halik na ginagawad sa kanya ni Igop. Hindi niya rin maintindihan ang sarili dahil kahit tumatanggi ang utak nito ay iba ang sinisigaw ng puso at katawan nito na nagugustuhan na rin nito ang halik ni Igop. "Uhmm. . . B-Bella," nahihirapang anas ni Igop na napabitaw dito. Namumungay ang kanilang mga mata na kapwa malalalim ang paghinga sa may katagalan nilang halikan. Nag-iinit naman ang mukha ni Bella na mapatitig kay Igop lalo na't nangingislap ang mga mata nito na may tipid na ngiti sa mga labi. "Gosh. My first kiss. Ang horse poop na 'to lang ang nakakuha ng first kiss ko. Nakakainis. Paano ko ba iyon hinayaan and eww. . . tinugon ko siya," piping tili ni Bella sa isipan. "Okay ka lang, madame?" nangingiting tudyo ni Igo

