Chapter 7

2010 Words
ISABELLA: NANGUNOTNOO ako na pinakiramdaman ang paligid ko. Napakatahimik ng lugar at ang lamig din. Ramdam kong napakalambot ng kamang kinahihigaan ko na nababalot ang katawan ko ng malambot at makapal na kumot. Dahan-dahan akong napadilat ng mga mata. Unang bumungad sa nanlalabong paningin ko ang puting kisame. Napakusot-kusot ako ng mga mata hanggang sa unti-unting luminaw ang paningin ko. Mapait akong napangiti na nandidito pa rin ako sa silid na pinagdalhan sa akin. Pero nakadamit na ako ng isang plain white vneck t-shirt at maluwag na pajama. "S-sinong nagbihis sa akin?" piping usal ko. Naipilig ko ang ulo na inalala ang hiling naganap. Mapait na napangiti na nangilid ang luhang maalala ang mga naganap. Madilim na rin sa labas dahil salamin lang naman ang dingding dito. May pagkain din na nasa bedside table na natatakpan ng plastic cover. Dahan-dahan akong naupo na napapangiwi at daing sa pagsidhi ng kirot sa kaselanan ko. Pero dahil kumakalam na ang sikmura kong wala pang kain ng umagahan at tanghalian ay wala na akong pamimilian. Mag-iinarte pa ba ako? Gutom na gutom na ako at nanghihina pa. Kailangan kong magpalakas para makaalis na bukas sa lugar na ito. Natatakam naman ako na sunod-sunod kumalam ang sikmura kong mapatitig sa tray ng pagkain. Bago man sila sa paningin ko ay nakakatakam naman ang itsura at aroma ng mga ito. Nagsimula na akong kumain na napangiting ang sarap ng luto nila. Hindi ko tuloy namalayan na naubos ko lahat ng pagkain dito at napadighay pa sa kabusugan. May tableta naman sa gilid ng bottled water na dinampot ko. Kumikirot pa rin ang ulo ko at buong katawan. Particular sa balakang at kaselanan ko kaya ininom ko na ito na mabasang pain killer ang tableta. Ilang minuto pa akong nanatiling gising habang nakasandal ng headboard. Pero wala naman ng ibang tao ang pumasok ng silid. Napapanguso naman ako na inaalala ang lalakeng nakakuha sa akin. Kung hindi ako nagkakamali base sa malalim niyang boses at pangangatawan ay bata-bata pa ito. Maganda ang mga singkit niyang mata na tila nakita ko na kung saan. Hindi lang ako sigurado pero. . . tiyak kong natitigan ko na ang mga matang iyon dati pa. Napasulyap ako sa relo ko at pasado alasdyes na ng gabi. Dahan-dahan na akong nahiga na binalot ang katawan ko sa makapal na kumot. Pumikit na ako at pinilit makaidlip. Kailangan ko ng mahaba-habang pahinga para sa pag-alis ko dito bukas. Mahirap ng bumalik ang lalakeng umangkin sa akin at angkinin ulit niya ako. O baka mamaya ay magbago ang isip niya at bawiin ang titulo ng lupa. Wala pa naman akong ibang pinanghahawakan sa kanya kundi ang mga salita niya lang. Mayaman siyang tao kaya sa batas ay salita niya na muna ang pakikinggan bago ang isang katulad ko. KINABUKASAN ay mas maayos na ang pakiramdam ko. Laking pasalamat ko na lamang na sinundo ako ng lalakeng naka-formal attire kahapon na nagdala sa akin dito sa mansion na 'to. Tahimik ako sa buong byahe namin pabalik ng compound. Hawak-hawak ko pa ang envelope na naglalaman ng titulo ng lupa sa compound. Ang bilis nga dahil nakalipat kaagad sa pangalan ko ang titulo. Pagdating namin sa compound ay nandidito na sa bumangaran nakaabang ang mga kapitbahay namin na puno mg pag-asa ang mga mata. Bumaba ako ng kotse na pinilit maglakad ng normal. Napasinghap ang mga ito na makita ako at sabay-sabay naghiyawan at yakapan sa mga katabi na itinaas ko ang envelope na may hilaw na ngiti sa mga labi. Tumulo ang luha kong makita kung gaano sila kasaya na nasa akin na ang titulo at hindi na namin kailangan pang. . . umalis ng lugar. "Bhella, kumusta ka, anong ginawa sa'yo?" nag-aalalang tanong ng mga itong nilapitan na ako at isa-isang niyakap. "Wala po. Pinapirma lang nila ako para makuha natin ang lupa. Masaya akong. . . hindi na tayo mapapaalis dito. Sa atin na ang lupang kinatatayuan ng ating mga tahanan," luhaang saad ko na may ngiti sa mga labi. Maging ang mga ito ay umiiyak na rin dala ng saya na hindi na kami mapapalayas pa. "Maraming salamat sa Diyos!" pagbubunyi pa ng mga ito. Mapait akong napangiti sa isip-isip ko. Diyos? Maraming salamat? Dapat ba akong magpasalamat sa kanya? Sa kabila ng mga napagdaanan naming pamilya. Sa magkakasunod na dagok na ibinigay niya sa aming pamilya. Sa akin. May dapat ba akong ipagpasalamat kung. . . kung kamalasan naman ang mga binigay niya sa akin. Bakit ako? Bakit kailangan kong magdusa ng ganto? Anong nagawa ko? Anong kasalanan ko? Nagpahid ako ng luha na pilit umaktong normal sa paningin ng mga kapitbahay ko. Nakisalo na rin sa kanilang munting salo-salo na ginanap sa basketball court dito sa compound namin para i-celebrate ang hindi natuloy na pagpapalayas sa amin. Wala akong pinagsabihan ng totoong naganap sa akin kapalit ng lupa. Ano pang mukha ang ihaharap ko sa kanila? Para na rin akong pokpok na babae sa nangyari. Binayaran ang puri at nagpaangkin sa 'di kilalang lalake para sa pera. Nanlalata akong pumasok ng bahay namin. Mabuti na lang at naging abala na ang lahat at hindi na ako napansin pa. Gusto ko na lamang matulog ngayon. Hindi rin naman ako nakapamili ng mga gulay kaninang madaling araw na ibebenta ko sa pwesto namin sa palengke. Kahit ang nagluto ng kakanin ay 'di ko na nagawa pa. Mabuti na lang at may pasok ang mga kapatid ko ngayon. Wala akong kasama dito sa bahay at walang makakapansin sa kilos ko. Muli akong naligo bago nagbihis ng pajama at loose shirt ko. Pero hindi pa man ako nakakaakyat ng hagdanan ay may kumatok ng magkakasunod sa may pinto. Bumilis ang t***k ng puso ko na napapunok habang nakamata sa pintuan na sarado. Kabado man ay pinagbuksan ko pa rin ang bisita at laking gimbal na makilala ito! "Dos!? Pasok ka!" bulalas ko na hinila ito papasok. Naka-uniporme pa ito at suot ng shades na lalo niyang ikinagwapo. Inakay ko ito sa sala na pinaupo ng sofa naming 'di kalambutan. "Uhm, gusto mo ng inumin?" "Hindi. I'm good. Come here," anito na hinawakan ako sa kamay at marahang hinila paupo sa tabi nito. "Hey, are you okay?" puna nito. "Ha? O-oo naman, bakit naman hindi?" sagot ko na nag-iwas ng tingin sa mga mata nitong matiim na nakatitig sa akin. Nangunotnoo ito na napababa pa ng tingin sa akin hanggang paa ko na tila sinusuri niya ako. "There's something wrong in you. What's the matter, huh?" "W-wala ah. Ano ka ba? Kung ano-anong napapansin mo," aniko na pilit pinasigla ang boses. "Are you sure? C'mon, Isabella, pwede kang magsabi sa akin kahit ano. Tutulungan kita kung may maitutulong ako," saad pa nito. "Wala nga. Pagod lang ako sa trabaho. Alam mo naman na hanggang madaling araw akong kumakayod," kindat ko na ikinalamlam ng mga mata nito. Ngumiti ako na tinapik pa ito sa hita. "Okay lang ako. Anong meron, hmm?" saad ko. Huminga ito ng malalim na napanguso. Lihim akong napapangiti habang nakamata sa kanya na nagpo-pouting na parang bata sa harapan ko. Ang cute niya lang kasi kapag gantong naka-pouting siya. "Nakausap ko na noong nakaraan ang Kuya ko. Ang sabi ay dalhin na lamang kita sa opisina niya for formality. Kaya mo na ba? Hwag kang mag-alala. May sarili kang driver na maghahatid at susundo sa'yo dito para ligtas kang makauwi sa pamilya mo. Wala kang trabaho sa weekend at up to eight hours lang ang trabaho mo sa opisina. Okay ba 'yon sa'yo?" masiglang saad nitong ikinangiti at tango ko. "Sige. Walang problema. Salamat talaga, Dos. Utang ko sa'yo 'to," sagot kong ikinangiti nitong hinaplos pa ako sa ulo. "Hwag kang mag-alala. Binalaan ko na ang Kuya ko na hwag ka niyang pakikialaman doon. At tungkol naman sa sweldo mo ay nasa fifty thousand pesos monthly. Ako ang nag-utos no'n kay Kuya," kindat nito na ikinamilog ng mga mata ko! "F-fifty thousand?" ulit kong tanong. "Yeah. Madali mo lang makakabisa ang trabaho mo sa kanya. May magiging mentor ka naman eh. Ituturo muna sa'yo ng dati niyang secretary ang daily routine mo para hindi ka mahirapan," saad pa nito. Napalabi naman akong malamlam ang mga mata na nakatitig ditong napapangiti at taasbaba pa ng mga kilay. "Salamat talaga, Dos! Hulog ka ng langit sa akin," naluluhang saad ko. "Sus. Gwapong anghel ba ang datingan ko sa'yo, hmm?" nanunudyong saad nitong ikinatawa kong napailing. Wala sa sarili na napayakap ako ditong natigilan pero kalauna'y niyakap din naman ako na hinagod-hagod sa likuran ko. Para akong hinahaplos sa puso sa mainit niyang paghaplos. Naiibsan no'n ang bigat sa dibdib ko sa mga napagdaanan ko nitong nakaraan. Ramdam ko ang seguridad at comfort sa kanyang yakap na ikinapapanatag ng isipan at puso ko. Ilang minuto din kaming nanatiling nakayakap sa isa't-isa bago ko na-realize ang ginawa ko. Dahan-dahan akong kumalas na nahihiya dito. "Sorry," nahihiyang paumanhin ko. Nagtama ang mga mata namin na ikinalunok ko. Bumilis kasi ang kabog ng dibdib ko na hindi na maalis-alis ang paningin sa kanyang mga mata! Mas lalo namang nagwawawala ang puso ko na umangat ang kamay nito at hinaplos ako sa pisngi. "Why do I have this strange feeling that. . . I have to protect this little angel in front me, hmm?" anas pa nito. Napangiti akong hinawakan ang kamay nitong nakasapo sa pisngi ko na ikinalunok nito. "Can you heal this broken angel, Captain?" "Of course. You can lean on me, Isabella. Magsabi ka lang. Kahit ano pa 'yan as long as matutulungan kita ay gagawin ko." Mas lalo naman akong napangiti sa sinaad nito na nangilid ang luha. Sumubsob ako sa dibdib nito para ikubli ang tumulong luha ko. Hinahaplos-haplos naman ako nito sa ulo at hinahagkan-hagkan sa noo na ikinangingiti ko habang nakapikit. Gusto ko na lamang namnamin ang mga sandaling ito na nakakulong sa bisig ng lalakeng gusto ko. Dahil bawat hagod ng mainit niyang palad ay naiibsan no'n ang bigat sa aking dibdib. Kahit wala kaming label ay dama kong especial din ako sa kanya. Na nararamdaman din nito ang comfort na nadarama ko sa prehensya niya. "Kailan nga pala ako magsisimulang magtrabaho sa Kuya mo?" tanong ko habang nakayakap pa rin dito. "Ikaw. Kung kailan mo gusto," sagot nito. "Tingin mo ba magugustuhan niya ako?" "Oo naman. Basta. . . hwag ka ring magkakagusto sa kanya, ha? Magseselos ako no'n," anito na ikinakalas ko sa yakapan namin. "Ano ka ba? Ang ibig kong sabihin ay bilang secretary niya," natatawang saad ko na makuha ang ibig nito. Napabungisngis naman itong nagkamot sa pisngi. "Oh, I see. Of course, Isabella. Alam ko namang gagalingan mo sa trabaho kaya nakakasigurado akong. . . magugustuhan no'n ang performance mo sa trabaho," kindat nito na nangingiti. Kahit paano ay nakahinga ako ng maluwag. Kung sabagay ay kapatid niya iyon. Sana lang ay katulad niya si Dos na napaka-gentleman at hindi matapobreng anak mayaman ang magiging amo ko. Napalapat ako ng labi na panaka-nakang sinusulyapan si Dos. Hindi ko talaga mapigilan ang sarili na makadama ng kilig sa taong ito. Napakagwapo naman kasi. Idagdag pang makulit siya at madaling makisama. Sinong babae ang hindi magkakagusto sa kanya? Lalo na kapag gan'tong naka-uniporme ito ng police uniform. Napaka-astig at gwapo niyang pagmasdan. Para kang nanonood ng korean drama na bida ang lalakeng pulis. Gano'ng-gano'n ang datingan ni Dos. Para siyang si bigboss sa kdrama na Descendants of the Sun. Napakalakas ng datingan nito kapag gan'tong naka-uniporme siya. Idagdag pang mukha naman talaga siyang koreano. Maputi, makinis ang balat, matangos ang ilong, mapula ang mga labi at. . . chinito. Na tipong kapag nakatawa siya ay halos magsarado na ang mga mata. Labas na labas din ang mapuputi at pantay-pantay nitong mga ngipin. At ang malalalim niyang biloy sa magkabilaang pisngi na bagay na bagay sa kanya. Napatitig ako dito. Kung gan'to kagwapo si Dos. . . gan'to din kaya kagwapo ang kapatid niyang magiging boss ko? O baka naman mas gwapo pa kay Dos!? Diyos ko! Malalaglag yata ang panty ko sa mga Del Mundo na 'to!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD