HINDI maipinta ang mukha ni Bella habang nandidiri itong kinukuskos ng dayami ang likuran ng kabayo. Nangangalay na rin ang mga braso nito pero heto at hindi pa niya natatapos paliguan ang isang kabayo! Nababagot na rin si Igop na pinapanood ito na panay ang tili lalo na sa tuwing gagalaw ang kabayo o matitilamsikan ng tubig mula sa hose ay para na itong kiti-kiti na nagtatatalon. Naiiling na lamang ang binata habang nakamata sa dalaga na saksakan ng kaartehan sa katawan. Inabot na ito ng isang oras pero hindi pa nagagawang mapaliguan ang kabayo! "Ako na nga. Tanghali na wala ka pang natatapos. Napakaarte mo naman kasi, madame." Pagalit nito na kinuha ang hose at ang dayami na ginagamit ng dalaga. Napanguso naman si Bella na naghugas kaagad ng mga kamay nitong namumula kaagad. Mangiya

