PALAKAD-LAKAD si Bella sa balkonahe nila nang may sumitsit dito mula sa ibaba. Napadungaw ito na umasim ang mukha na mabungaran kung sino ang tumatawag sa kanya. Si Igop. Napairap itong nagtungo ng silid at kumuha ng limang libong piso bago nagdadabog na bumaba ng hagdanan. Nangangalay pa ang mga braso nito sa pagpapaligo kanina ng kabayo sa rancho. Hindi naman kasi ito sanay sa kahit na anong gawain kaya malaking adjustment ang kailangan nitong maaral para makatagal dito sa farm. Ayaw naman niyang sumuko at hindi siya papayagan ng ama na maging modelo. Kaya wala itong ibang pamimilian kundi ang sumunod sa gusto ng ama. Nakabusangot ito na lumabas ng bahay at nilapitan si Igop na ngingiti-ngiti sa kanya. Kitang bagong ligo pa ang binata na namamasa pa ang buhok. Lihim itong napangiti

