Chapter 10

2011 Words
ISABELLA: NAKANGUSO ako habang hinihintay matapos itong kumain sa pinuntahan naming kalapit na japanese restaurant. Natapos na akong kumain at nakapag pahinga na pero heto at kumakain pa rin siya. Napakahinhin ba namang kumain na dinaig pa akong babae. Napapasulyap ako sa relo ko dahil maga-alasdyes na. Ang sabi nito ay may meeting siya sa investor bago magtanghalian. Pero sa kupad niyang kumilos ay tiyak na aabutin pa kami ng oras dito. Tila nang-aakit pa ang uri ng pagkain nito na malagkit na nakatitig sa akin habang sumusubo. Nag-iinit tuloy ang mukha ko na parang malulusaw dito sa kinauupuan. Napanguso ako na mapansing hindi nito ginagalaw ang mga seafood. Ako nga lang ang tumikim sa mga 'yon. Nakakatakam pa naman ang itsura ng mga sugpo at king crab na in-order nito pero. . . ni tikim ay hindi naman niya ginagawa. "Ayaw mo sa seafood, Sir?" 'di nakatiis kong tanong. "Ayoko." Agarang sagot nito na sumubong muli. "Masarap naman ah," saad ko na ikinangisi lang nito. "Sarap now. . . suffer later," kindat nito na hindi ko naman nakuha. "Ano po?" "Wala. Kumain ka pa." "Busog na po, Sir. Salamat na lang," sagot kong ikinatango lang nito. MATAPOS nitong kumain ay ilang minuto pa kaming tumambay ng restaurant kesyo busog daw ito. "Saan tayo pupunta, Sir?" takang tanong ko na mapansing napapalayo naman na kami. "To our client," kindat nito na sa harapan lang nakamata. Napanguso naman akong sa labas ng bintana na lamang ibinaling ang paningin. Nakikita ko naman sa salamin na panaka-naka itong sinusulyapan ako at napapangiti pa. Parang may sayad. Tss. Napapahikab ako dala ng haba ng byahe namin. Nakalabas na nga kami ng lungsod pero hindi na ako nagtanong pa. Pasipol-sipol naman ito na napapapilantik ng mga daliri habang mabilis ang patakbo ng kotse. Mabuti na lang at maluwag ang kalsada. Mangilan-ngilan na lamang ang nakakasabayan at nakakasalubong namin. Naisandal ko ang ulo na ipinikit ang mga inaantok kong mata. Ramdam ko naman na napapasulyap itong hindi ko na pinansin pa. Ilang minuto pa lang akong nakapikit ay naramdaman ko ang paghinto ng sasakyan. Maging ang mga kaluskos nito at ang pagtanggal niya ng seatbelt. Pigil-pigil ang hininga ko na malanghap ang pabango nito at ang matiim niyang pagtitig. Hindi ako kumikilos na pinapiramdaman lang ito. Maya pa'y dahan-dahang bumaba ang kinauupuan ko na lihim kong ikinangiti. Ini-slide kasi nito pahiga ang upuan ko at naramdaman ko pa ang coat nitong ikinumot sa akin bago muling pinatakbo ang sasakyan. TYPHUS: NANGINGITI ako na pasulyap-sulyap kay Isabella na nahihimbing. Damn. Hindi ko lang lubos akalain na siya ang tinutukoy ni Dos na magiging secretary ko. Paano ba sila nagkakilala ng Dos na 'yon? Mukhang chiks nga siya si Dos, dahil 'di manlang ito apektado sa akin. Pansin ko rin na malapit sila at tinatawag na niya si Dos sa nickname nito. Napailing na lamang akong kakamot-kamot sa batok. Fvck! Tangayin ko ba naman ang chiks ni Dos sa probinsya para ma-solo. Damn. Napaka-isipbata ko naman yata para lang masarili ito. Ang totoo ay wala naman talaga akong appointment ngayong araw. Dahil kinansela ko lang naman lahat ng gagawin ko. Para madala ito sa farm ko sa Zambales. Pagdating namin sa farm ay sumalubong pa sa amin ang mataas na bakod na yari sa kahoy. Ilang minuto pa ang tatakbuin ng kotse bago makarating sa farm house dito. May mga tauhan naman ako ditong farmers na siyang namamahala ng farm. Sa tuwing gusto kong magmuni-muni ay dito ako nagtutungo sa farm. Maganda kasi dito. Maaliwalas ang kapaligiran, tahimik at payapa. Dito ay nagkakaroon ako ng piece of mind. Pagdating namin sa harapan ng farm house ay kaagad na lumapit si Manang Cecil. Ang mayordoma ko dito. "Señorito!" bulalas nito na nagagalak na makita akong bumaba ng kotse. "Manang, kumusta ho?" aniko na niyakap ito at pinaghahalikan sa ulo. "Eto, maayos naman kami dito. Mabuti naman at napadaan ka. Sakto ang dating mo, anihan na ngayong linggo sa manggahan natin," bulalas nito na napapairit pa. Napangiti naman ako na umakbay dito. "Gano'n po ba?" "Oo, teka. . . gi-girlfriend mo?" bulong nito na natigilan. Napasunod ako ng tingin sa tinitignan nito at nakita si Isabella na napapakusot pa ng mga mata na bumaba na rin ng sasakyan. "Mapapangasawa ho," bulong kong ikinatingala nitong namimilog ang mga mata. "Pero hindi pa niya alam," segunda ko na kinindatan itong impit na napairit at nakurot ako sa baywang. "Ikaw talagang bata ka. Tumino ka na nga," saad naman nitong ikinatawa ko. "Pero malapit na, Manang. Mapapasagot ko din siya," bulong kong ikinakurot nito sa baywang ko. Natatawa naman akong hinuli ang kamay nito. "Tumino ka kasi para mapasagot mo siya. Ikaw talaga." Anito. Bakas ang kamanghaan sa mga mata ni Isabella na napagala ng paningin sa paligid. Dito kasi sa harapan ng farm house ay may mga tanim na climbing rose sa paligid. Iba't-ibang kulay at uri ng orchids na nakasabit sa mga makapuno na nagkalat dito sa bakuran. Idagdag pang may mga bulaklak ang mga ito ngayon kaya napakaganda nilang tignan at ang halimuyak ng paligid. Malamig ang hangin dito at tahimik dahil malayo na ito sa bayan. "Nasaan tayo?" bulong nito habang papasok kami ng bahay. "To our place," kindat kong ikinabusangot nitong napairap. Mahina akong natawa sa inasta nito na hindi manlang alintanang ako ang amo niya. Pasimple ko itong inakbayan na mabilis namang tinabig ang kamay ko. "Akala ko ba, may meeting ka sa investors mo?" muling tanong nito na nagsasalubong na ang mga kilay. "Later, baby. D'yan sa kabilang farm lang naman ang pupuntahan natin mamaya eh," sagot ko na sinasabayan ang paghakbang nito. Napapagala ito ng paningin sa kabuoan ng bahay na bakas ang kamanghaan sa kanyang mga mata. Old fashion kasi ang disenyo ng bahay. Gawa sa magagandang uri ng kahoy ang sahig at dingding kaya napakaaliwalas niyang tignan na para kang nasa sinaunang panahon nila Maria Clara at Crisostomo Ibarra. "Sa inyo 'to?" tanong nito na inalalayan kong makaupo dito sa sala. "Sa atin." "Nagtatanong ako ng maayos," sikmat nito na sinamaan ako ng tingin. Natatawa naman akong napakamot na lamang sa batok. "Fine. Sa akin. . . nakalaan sa amin ng future wife ko," sagot ko. Natigilan naman ito na napalingon sa akin at bakas ang katanungan sa kanyang mga mata. Kimi akong ngumiti na napadekwatro ng binti. "Gugustuhin mo bang tumira dito? Kasama ako?" tanong ko na nagtaasbaba ng mga kilay. Umasim naman ang mukha nito na ikinabungisngis ko. "Kasama ka? Eww. Hwag na lang kung ikaw lang din," pambabara naman nito na napaikot pa ng mga mata. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko pero. . . aminado akong nasaktan ako sa sinagot nito. Marahil dahil ito ang kauna-unahang babae na paulit-ulit na akong tinatanggihan sa lahat. Na tipong kahit katiting na pagtingin niya sa akin ay wala. Samantalang libo-libong kababaihan ang naghahabol sa akin, fvck! Models, actress, beauty queen at iba pa na mga galing din sa mayayamang pamilya. Pero ang babaeng ito na napupusuan ko ay ni katiting ay walang pagtingin sa akin. Kung sabagay. . . may Dos na nga pala siya. Pero hindi pa naman sila. Kilala ko si Dos. Kahit nga ang makipag-date ay hindi no'n magawa-gawa. Ang boring kaya ng lifestyle no'n. Headquarters, bahay, bahay, headquarters. Ni hindi pa nga nagkaka-girlfriend ang isang 'yon eh. "Ang sama mo naman sa akin. Bakit, ayaw mo bang mapangasawa ang isang tulad ko?" may halong pagtatampong tanong ko. Lumingon naman ito na nagtaas ng isang kilay at matamis na ngumiti. . . ng nakakaloko. "Wala akong plano, Boss Typhus Del Mundo." Napalis ang ngiti ko sa isinagot nito na napaka-sarkastiko ng pagkakasabi. Napairap pa ito na muling iginala ang paningin sa paligid. Nakakainis talaga ang babaeng 'to. Wala manlang kalambing lambing sa akin. Hindi manlang kiligin sa mga banat ko. Mukhang macha-challenge akong mapasagot ang isang ito, fvck! "Magmeryenda na muna kayo, señorito, señorita." Ani Manang Cecil na may dalang meryenda. "Bella na lang ho, Nay. Salamat, nagutom nga ako sa haba ng byahe," magiliw nitong saad na lihim kong ikinangiti. Inalalayan niya pa si Manang sa mga dala nito na inilapag sa center table. "Nakakahiya naman po, Ma'am." Ani Manang. "Naku, mas nahihiya po ako na napaka-formal niyo sa akin. Mas komportable ho ako na tinatawag niyo ako sa pangalan ko, Nanay." Saad nito nakaalalay kay Manang tumayo. "O sige, kung d'yan ka mas palagay, B-Bella." Sagot ni Manang ditong ikinangiti nito. "Salamat po sa meryenda, Nay," nakangiting saad pa nito na ikinangiti din ni Manang sa kanya. "O siya, maiwan ko na muna kayo dito," pamamaalam pa nitong ikinatango namin ni Isabella. Napasunod kami ng tingin dito na pumasok na ng kusina. Napalingon naman ako sa kaharap ko na napaawang ang labing makita ang umuusok-usok pang bibingka na dala ni Manang. Napangiti akong nakatitig ditong nasa tray ang attention. Sinasamyo-samyo niya pa iyon na may ngiti sa mga labi. "Uhmm." Mahinang ungol nito na nakapikit pa rin at kitang nagustuhan ang amoy ng bibingka. "Nagustuhan mo?" usisa ko na pasimpleng umakbay dito. "Yeah, masarap siya." "Masarap talaga. . . ako, baby." Malutong akong napahalakhak na nasamid ito at sunod-sunod na napaubo. Lumipat ako ng upuan na tumabi dito at hinagod-hagod siya sa likod. "Bwisit ka, alam mo ba 'yon?" asik pa nito na kinurot ako sa hita ng napakapino. "Urgh! Fvck, baby! Ang sarap ng kurot mo," impit kong daing na napapaiktad. Pabalang nitong binitawan ang hita kong kinurot niya lang naman ng pinong-pino. Sa sobrang pino nga ay para akong natapyasan sa balat, fvck! "Itlog mo ang kurutin ko d'yan eh," asik pa nito na napapairap sa akin. Napakamaldita naman ng babaeng ito. Ni hindi marunong maglambing sa akin. Pero pagdating naman kay Dos ay nangungutitap ang mga mata niya at ngiting-ngiti pa. "Sure, baby. Gusto ng mga itlog kong. . . magpahawak sa'yo," ngisi kong ikinaningkit ng mga mata nitong nagbabadya na namang maniris. "Urgh! Fvck, I'm just kidding, baby!" impit kong daing na napahawak sa kamay nitong kinurot lang naman ako sa. . . singit! Fvck! Para akong maiiyak na napahawak sa singit kong parang tinapyasan ang balat! "Ayusin mo ang mga biro mo, hindi ako natutuwa sa'yo." Pagalit pa nitong ikinalapat ko ng labi. "Aba. . . boss mo pa rin ako," reklamo ko na ikinatikhim nitong nag-iwas ng tingin sa mga mata ko. Napabusangot ako na pinapakiramdaman itong dumampot na ng bibingka at sinubo. "Gusto mo ba. . . ng bibingka ko?" ngisi nitong sunod-sunod na ikinaubo kong nasamid sa sariling laway. Malutong itong napahalakhak na tinapik-tapik ako sa likuran. Pero sa lakas ng tapik nito ay para naman na niya akong hinahampas sa bigat ng kamay niya, fvck! "Asan na?" "Ang alin?" naguguluhang tanong nito. Napangisi ako na ikinalunok nitong unti-unting pinamulaan ng pisngi. Fvck! Napakaganda niya talaga lalo na sa tuwing pinamumulaan ito sa harapan ko at kitang nahihiya sa akin na hindi masalubong ang mga mata ko. "Yong bibingka mo, baby. Gusto ko ng bibingka mo. Kakainin ko 'yan. . . ng buong-buo," sensual kong paanas na pinalamlam ang mga mata. Bumaba ang mga mata ko sa nakaawang niyang bibig at tila nagpapaanyaya ang mga iyon ng isang masarap na halikan, fvck! Ginigigil talaga ako ng bubwit na 'to. Ang sarap niyang gutay-gutayin eh! "Aahh!" Napakurap-kurap ako na biglaang may isinubo ito sa nakaawang kong bibig. Malutong naman itong napahalakhak na naiiling sa akin. Sinamaan ko ito ng tingin na nginuya ang isinubo nito. Punong-puno tuloy ang bibig ko at hirap ngumuya dahil malagkit ang bibingka. "Hwag mo nga akong tignan ng ganyan. Sabi mo gusto mo, gusto mo ng bibingka ko. Kakainin mo ng buong-buo. Isinubo ko lang naman sa'yo ah," ingos nito na natatawa. Mariin akong napapikit na nagpipigil matawa. Mahirap ng mabulunan ako sa bibingka. Punong-puno pa naman ang bibig ko. Damn this naughty girl. Kung ibang babae lang ito ay hindi ko kailangang magpa-cute o magbigay ng pahiwatig. Sanay akong babae ang sumasamba sa akin at pinapaligaya ako kahit wala pa akong sinasabi. Pero ito? Fvck! Wala manlang effect ang mga pagpapabebe ko sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD