ISABELLA:
NAKABIBINGING katahimikan ang naghahari sa aming dalawa ni Sir Typhus, matapos kaming iwanan ni Dos. Pero bago siya umalis ay paulit-ulit niyang pinaalalahanan ang kapatid na umayos. Tatawa-tawa lang naman ito sa mga babala ni Dos sa kanya. Na tila hindi natatakot kahit sinabihan siya ni Dos na makakatikim siya dito, kapag binastos niya ako.
Nagkataon naman na hindi pumasok ang dating secretary nito kaya hindi ko malaman ang gagawin. Nandidito lang ako sa desk ko katabi ito na abala sa pagpirma ng mga papeles. Inaantok tuloy ako dahil wala naman siyang ipinag-uutos sa akin. Ni wala ngang demo dito ng mga dapat kong gawin.
Napatuwid ako ng upo na napainat ito at humikab na napalingon sa akin. Napalapat ako ng labi na pinanatili sa laptop ang paningin.
"Baby, pwede mo ba akong igawan ng kape?" malambing utos nito.
Napalunok ako na pilit ngumiti at tumayo na ng desk ko. Nakamata lang naman ito sa akin kaya hindi ko maiwasang mailang sa matiim niyang pagtitig. Nagtungo ako ng pantry na ginawan ito ng. . . ano nga bang uri ng kape ang gusto ng nilalang na 'to?
Napapakamot ako sa ulo na nilingon itong nakatitig pa rin at nagawa pang ngumiti na magtama ang mga mata namin.
"Um. . . Sir, ano nga palang kape mo?" nahihiyang tanong ko.
Mahina itong natawa na nagkamot sa kilay at tumayo na. Napalunok naman ako na lumapit ito sa akin dito sa pantry. Nagbaba ako ng paningin na hindi matagalan ang pagtitig nito. Lalo na't nakakalaglag panty ang maganda niyang ngiti na ikinagugwapo niya lalo. Katulad kasi ni Dos ay singkit siya. Kulay abo ang mga mata na may malalim ding biloy sa magkabilaang pisngi.
"Black coffee, baby," bulong nito sa punong-tainga kong ikinasinghap ko.
Para akong mabibingi sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko na tumayo ito sa aking likuran at halos sumubsob na sa balikat ko. Tumatama tuloy sa leeg ko ang mainit at mabango niyang hininga na ikinaiilang ko.
"Um. . . m-may sugar po ba?" nauutal kong tanong.
"Just a little, baby," pabulong nitong sagot na ikinalunok ko.
"S-sige po," utal kong sagot na ginawa ang kape nito.
Mabuti na lang at nilubayan din ako nito na naupo sa silya. Maingat kong inilapag sa harapan nito ang kanyang kape. Nakapikit kasi ito na sapo ang noo at marahang hinihilot 'yon.
"Okay lang po ba kayo, Sir?"
"No. Masakit ang ulo ko," sagot nito.
"Kukunan ko po kayo ng gamot?"
"Head massage ang gusto ko."
Napalunok ako na nag-init ang mukha at bumilis ang kabog ng dibdib sa tinuran naman nito.
"Massage me," utos nito na muling ikinalunok ko.
"C'mon, masakit ang ulo ko," pagalit nito na ikinaalarma ko.
"I-ito na po," utal kong sagot na nagtungo sa likuran nito.
Napairap ako dito na mahina pa siyang natawa at napatikhim. Nangangatal ang mga kamay ko na marahan itong hinilot sa ulo na napaungol pa.
"Ooh, damn. . . so good," anas nito na ikinalunok kong tumayo ang mga balahibo sa katawan.
Napatingala ito na ikinasalubong ng aming mga mata. Ngiting-ngiti pa ang hudas na tila may magandang nangyari.
"Damn, so beautiful," anas nito na ikinainit ng mukha ko.
Mas lalo namang lumapad ang pagkakangiti nito na namula ang mukha ko sa pambobola nito. Tama nga si Dos. Mabulaklak siyang magsalita na sanay na sanay ng. . . mambola ng mga babae.
"Alam ko po," pambabara ko.
"Ang butiki sa kisame ang tinutukoy ko, baby."
Namilog ang mga mata kong wala sa sariling nahampas ito sa balikat na malutong niyang ikinahalakhak.
"Bwisit ka!" asik ko.
"Woi, boss mo ako."
Napalapat ako ng labi na maalalang boss ko nga pala siya. Mariin akong napapikit na lumayo na lamang dito. Tatawa-tawa naman itong dinampot ang kape niya na sumunod sa akin sa cubicle ko.
"Hey, I'm just kidding, baby."
"Isabella pa ang pangalan ko, Sir." Ismid ko na padabog na naupo sa swivel chair ko.
Tumabi naman ito na hinila ang swivel chair niya at inilapag sa mesa ko ang kape niya.
"Isabella. . . hmm. . . such a beautiful name. It suits you, but I prefer to address you as. . . baby. My baby," anito na napakalandi ng tono.
Hindi naman na ako nagkomento pa para hindi na humaba ang debate namin. Mukhang siya pa naman 'yong tipo na hindi nagpapatalo.
Napaikot ito ng upuan paharap sa akin habang sinisimsim ang kape nito. Hindi ko tuloy maiwasang mamula ng pisngi sa matiim niyang pagtitig. Tumatagos sa aking buto ang pagtitig nitong nakakatayo ng mga balahibo.
"Hmm. . . ang sarap," ungol pa nito na nilalakasan ang paghigop sa kape habang nakamata sa akin.
Lihim akong napangiti na hindi ito nililingon. Napanguso naman ito na nakamata pa rin sa akin.
"Hwag ka ngang tingin nang tingin, Sir." Sita ko.
"Napakaganda kasi ng tinitignan ko, baby."
Napaikot ako ng mga mata na ikinabungisngis nito.
"Alam kong maganda ako, Sir."
"Yong view sa labas ang tinutukoy ko, baby."
Namilog ang mga butas ng ilong kong pinaniningkitan itong napataas baba pa ng mga kilay at malapad ang ngisi.
"Alam mo, Sir. Hindi ito ang inaasahan ko dito. Ano bang magiging trabaho ko dito? Magtambay sa opisina mo, buong araw?" aniko na humalukipkip.
Napanguso naman itong pinapakibot-kibot. Lihim akong napangiti na magkapareho sila ni Dos ng style kapag hindi makasagot sa tanong. Na tipong dinadaan sa pagpapa-cute na lamang. Mabuti na lang at nuknukan sila ng kagwapuhan. Wala ka na yatang maipipintas sa kanila.
"Gusto mong kumain sa labas?" pag-iiba naman nito na ikinasalubong ng mga kilay ko.
"Don't get me wrong, baby. Hindi ito date, okay? May investor akong imi-meet sa labas. Hindi pa ako nag-aagahan at. . . kailangan ko doon ang secretary ko, which is. . . you," kindat nito na ikinangiwi ko.
"S-sige po," sagot ko na lamang na ikinangiti nito.
"Good girl."
Mabilis nitong inubos ang kape nito bago tumayo at inabot ang black coat nito. Napasunod na rin ako dito na dinala ang Ipad nito, note at ballpen.
"H-hwag na po, Sir," pigil ko na akmang kukunin nito sa akin ang dala ko.
"Are you sure?"
"Opo. Magaan naman eh," sagot ko na napapayuko at sinasabayan ang hakbang nito.
Nagpamulsa naman ito na tuwid na tuwid maglakad. Nakakahiya tuloy dahil para akong matatapilok sa sandal ko. Hindi ako makalakad ng maayos na parang naglilingkisan ang mga binti ko. Tahimik akong pinapakiramdaman ito habang nakasakay kami ng elevator. Kaagad akong napasuksok sa sulok na may mga kasabayan kami pero sumunod din naman ito at paharap pa sa akin ang pagpwesto. Naiilang tuloy ako dahil nakatutok sa mukha ko ang malapad nitong dibdib. Hindi ko tuloy mapigilang masinghot ito dahil napakabango nito sa gamit na perfume.
Napatukod ito ng kamay sa gilid ko na tila pinoprotektahan ako at hindi matabihan ng kung sino. Mga lalake kasi ang mga kasabayan naming bumaba kaya pasimple ako nitong tinatakpan.
"Have you heard the news, guys?" ani ng isang lalake.
"What news?" sagot naman ng isa.
"The latest one," sagot nung unang nagsalita.
Napapasilip ako sa mga ito pero inihaharang naman ng hudas ang katawan na ikinatingala ko sa kanya. Ngingisi-ngisi ito na halatang tinatakpan nga ako. Ano bang problema nito?
Magsasalita na sana ako na mabilis nitong idinampi sa bibig ko ang kanyang hintuturo na ikinatigil ko habang nakatingala sa kanya. Sinenyasan naman ako nitong hwag mag-ingay.
"Our boss's new secretary. Ang ganda niya, dude. For sure magiging babae 'yon ni boss Typhus," bulalas ng isa na ikinamilog ng mga mata ko!
"Really? You saw her?" tanong ng isa na bakas ang pagkamangha sa tono.
"Oo. Inihatid nga siya ni Sir Dos, kaninang umaga sa opisina ni boss." Napapailing na sagot ng isa.
"Sayang naman. For sure, magiging palipasan lang 'yon ni boss eh."
"Sinabi mo pa," sang-ayon ng isa.
"Gusto niyo bang. . . masesante ngayon, ha?" sarkastikong saad ni Typhus na humarap sa mga ito at itinago ako sa kanyang bulto.
"Boss!"
"Boss!"
"Boss!"
Mahina akong napahagikhik sa pagkagulat ng mga ito.
"Sorry, boss!" paumanhin pa ng mga ito.
"Tsk! Magtrabaho nga kayo! Kalalake niyong tao pero. . . ang chichismoso niyo," pagalit nito sa mga itong napapayuko.
Sakto namang bumukas na ang pinto na ikinalabas ng mga itong napapayuko pa sa amo.
"Haist. Sisantihen ko kaya ang mga 'yon. Nagkakalat ng fake news," bulalas pa nito na napasapo sa noo.
Napalapat ako ng labi na pinipigilang mapahagikhik sa himutok nito. Mabuti na lang at mabait nga siyang amo. Kung iba lang ito ay natanggal na ang mga 'yon na huling-huli niyang pinag-uusapan siya.
"Hwag kang maniwala sa mga 'yon. 'Di naman ako babaero," himutok pa nito.
Napailing na lamang ako na nangingiti kaya pinaningkitan ako nito.
"Bakit parang naniniwala ka sa mga chismosong 'yon, huh?" pagalit nito na nanunuri ang tinging ginagawad sa akin.
Halos magsarado na nga ang mga chinitong mata nitong pinaningkit pa nito lalo dahil namumula na ako at 'di ko maitago ang pagngiti ko.
"Ahem! Ang defensive mo naman yata, Sir," pang-aasar kong ikinalukot ng mukha nito.
"Hindi ah. 'Di ba pwedeng. . . pinagtatanggol ko lang ang sarili ko sa fake news?" sagot naman nito.
"Fake news daw," bubulong-bulong saad ko.
"Hindi nga kasi ako babaero," pagtatanggol pa rin nito sa sarili na ikinataas ng kilay ko dito.
"Okay. . . sabi mo eh," tumatango-tangong pagsang-ayon ko.
"You don't believe me, right?" tanong nito na napaseryoso.
Tumikhim ako dahil kita namang sumeryoso na ito. Kahit saang anggulo titignan ay boss ko pa rin naman ito. Wala ako sa posisyon para husgaan kaagad ito kahit na dama ko namang. . . isa siyang palikerong uri ng lalake.
"Hindi naman po sa hindi ako naniniwala sa inyo, Sir. Binalahan na rin kasi ako ni Dos na babaero ka. Kaya hwag akong magpa biktima sa'yo. At narinig ko na rin mismo sa mga staff mo. Na babaero ka. Siguro naman walang masama na maniwala ako sa kanila," sagot kong ikinaawang ng bibig nitong natulala sa akin.
"Fvck," malutong mura nito na napakamot sa batok.
Natatawa naman akong inakay ito palabas ng elevator dahil nakarating na kami ng ground floor kung saan ang parking lot.
"Um. . . may driver po kayo, Sir?" tanong ko na nilapitan namin ang magarang puting sportcar nito.
"Wala. Hop in," kindat naman nito.
Napanguso ako na sumunod na lamang dito na inalalayan akong makaupo sa front seat. Naiiling na lamang ako na iba na naman ang sportcar na gamit nito noong unang kita namin.
"A-anong ginagawa mo?" utal kong saad na dumukwang ito sa akin at halos maghalikan na kami!
"Seatbelt, baby." Paanas nito.
Kasabay ng pag-click ng kung ano sa gilid ko. Saka ko lang nakuha na kinabit niya lang pala ang seatbelt ko.
Napalapat ako ng labi na humarap ito at pinagtapat ang aming mukha. Halos maduling na nga ako sa sobrang lapit ng mukha nito sa akin. Nalalanghap ko na rin ang mainit at mabango niyang hininga na tumatama sa mukha ko. Napalunok ako na bumaba ang paningin nito sa aking mga labi. Heto na naman kasi ang puso ko na kay bilis ng kabog! Para akong maiihi sa panty ko na mas inilapit pa nito ang mukha. Na halos magdikit na ang mga labi namin!
"L-lumayo ka nga. Ang baho ng hininga mo," paasik ko na itinulak ito.
"Fvck!"
Napahagikhik ako na malutong itong natawa at sinamyo pa ang hininga kung mabaho nga.
"Damn, baby. Hindi naman ah!" bulalas nitong ikinalapat ko ng labi.
"Ahem! Joke lang, Sir. Masyado ka namang paniwalain. Tara na po," saad kong muli nitong ikinamura.
"Damn, I can't believe this," iiling-iling saad nito na ikinahagikhik ko.
"Na ano, Sir? Na may nabahuan sa hininga mo?" natatawang saad kong ikinabungisngis nito.
"Itigil mo 'yan. Kung ayaw mong lapain kita ng maamoy mong mabuti kung gaano kabango ng hininga ko," ingos nito na nagbabanta ang tono.
Naiiling na lamang akong napalapat ng labi at umayos ng upo dahil binuhay na nito ang engine ng kotse. Panaka-naka pa itong napapasulyap sa akin pero sa harapan lang ako nakatingin. Mahirap na. Mamaya ay dakmain ako nito bigla.