****
Chapter 13- Weird Feeling
****
CZARINA'S POV
Nakabalik na kami ni Lorraine ngayon sa hell room. Ugh. Tinginan naman silang lahat sa'kin. Nakakainis. I hate this feeling! Yung pinagtitinginan ka at alam mong pinaguusapan ka.
Magnet talaga ng kamalasan yung mokong na 'yon! Speaking of mokong, nasan na ba yon? Wait, pakielam ko ba? Baka kasama yung Anna. Remember? Hinatak niya kanina at iniwan akong nagiisa! I hate him!
"U-uhm. C-czarina, pinapatawag ka ni Miss Santos sa faculty room." napalingon naman ako sa nagsalita. Si Meeka pala. Ang geek s***h nerd dito sa room. Teka, bakit naman kaya ako pinapatawag ni Ma'am?
"Ah, okay sige. Pupunta na 'ko." sabi ko sakanya at tumayo na 'ko ng upuan ko.
"A-ay, s-sandali lang." natigilan ako dahil tinawag niya ako ulit.
Bakit ba nauutal 'tong isang 'to? Sa sobrang pagaaral nagmamalfunction na ang braincells. Sobrang talino kasi eh.
"Bakit?" tanong ko.
"Isama mo daw si Rod." sabi niya.
"Ahh--what!?" At bakit ko naman dapat isama pa yon aber!?
"Ah eh, hindi ko alam eh." sagot niya habang napapakamot pa ng ulo. Psh! Bakit naman kaya!?
"Haynako. Edi sumunod nalang siya sa faculty! Wala akong balak tawagin at isama yung Dela Fuentes na 'yon!" napasigaw na 'ko dahil sa inis.
"Bakit kailangan niyo ng pogi?" napalingon naman kami sa nagsalita at nakita ko ang nakakabwiset, nakakabadtrip at nakakasurang tao na nakasandal ngayon sa may pintuan ng room at nakangiti na naman ng nakakairita! Argh. At ang kapal niya talaga ah!
"T-tawag daw kayo ni Miss Santos sa faculty." sabi ni Meeka sa kanya sabay alis na habang bitbit ang sangkaterbang libro niya. Nahiya pa, di pa dinala buong library?
Ang init ata ng ulo ko ngayon eh no? Tinatanong pa ba bakit? May salot eh.
"Ah ganon ba, sige. Thanks." nagwink si jerk sa kanya kaya naman biglang nagblush si nerd.
Yuck lang. Ang landi talaga nitong lalakeng 'to!
"Tch." inirapan ko siya at nilagpasan sa may pintuan. Bahala siya! Ayoko siyang makasabay! Inis to the max ako sa kanya!
**
"Hoy, lumayo layo ka nga. Nakakaasiwa." inis na sabi ko sa kanya.
Pano ba naman kasi, kasabay ko siyang maglakad ngayon papuntang faculty. Psh! Sumabay sabay pa! Dapat pala sa kabila nalang ako dumaan.
"Grabe ka naman. Dapat nga proud ka pa dahil sinasabayan ka ng tulad ko." sabi niya sabay wink. Luh! Kapal talaga ng bwiset. Napakabipolar talaga ng isang 'to.
Kanina lang seryoso siya nung nakita niya yung Anna, tapos ngayon nambubwisit na naman! So talagang jerk siya kapag kasama ako, ganon? Psh.
"Alam mo, tama na yung pambubwisit sa' kin ng mga babae mo kanina, okay? Kapag nakita na naman nila tayo, ako na naman ang may kasalanan." inis na sabi ko sa kanya. Tama naman eh. Ako na naman magmumukhang nagki-cling sakanya. Wow lang ha. Asa!
"Bakit, inaway ka ba nung mga yon nung iniwan kita?" tanong niya. Wow lang talaga! As in. Natanong niya pa? Tch. At teka, buti naman alam niyang iniwan niya 'ko!
"Ano sa tingin mo, ha?" sabi ko sabay inirapan siya.
"Mali kasi akala nila. Akala nila magboyfriend tayo." sabi niya at napakamot sa ulo.
Aba malamang! Lintek kasi na Tiboy yun eh. Hayagan pa talaga yung sulat niya. At isa pa, sino ba kasi may sabing magpanggap kang boyfriend ko di ba!? Tss.
"Sino ba kasi nagsabing sabihin mo kay Tiboy na ikaw boyfriend ko, ha? Nakakadiri lang!" sabi ko sa kanya.
"Pfft~! nagenjoy ka naman ata." bulong niya pero narinig ko rin naman.
"Wow! Ang kapal mo talaga, noh?" sabi ko dahil nanggigigil na naman ako sa kanya.
"Ang sarap mong sakalin." bulong ko.
"Paano nalang kung hindi ako dumating don? Edi baka kung naano ka na nung stalker mong mukhang manyak." napatingin naman ako bigla sa sinabi niya. Nakita kong seryoso ang mukha niya this time. Don't tell me, concerned lang siya sa'kin kaya niya nagawa yon?
"Oh, edi baka madyaryo ka pa. Madaig mo pa 'ko sa kasikatan. Pfft~" biglang bawi niya at tumawa ng tumawa. Leche! Kala ko pa naman.. Psh! Nakakainis talaga siya..
"Err!" binuksan ko na yung pinto ng faculty at pumasok sabay pinagsaraduhan siya kaya tinamaan siya.
"Aww." narinig kong sabi niya.
"Pfft~" natawa naman ako pero napatigil agad nung makita kong nakatingin pala sakin si Ma'am. Hala. Nagulat ata sa pagsaldak ko nung pintuan.
"Good Morning, Ma'am." I greeted her.
"Good Morning, too. Sit down."
"Si Mr. Dela Fuentes?" tanong niya bigla pagkaupo ko.
"Ah, eh--" biglang bumukas yung pinto kaya napatingin kami kay Rod na papasok palang. Nakahawak naman siya sa noo niya. Mukhang yung ang tinamaan nung pinto! Pfft! Buti nga!
"Oh, you're here. Sit down, mister." sabi ni Ma'am sa kanya.
Pinipigilan ko naman ang tawa ko habang nakatingin siya sakin ng masama at umupo na rin sa tapat ko. Namumula kasi yung noo niya.
"Bakit niyo po kami pinatawag, Ma'am?" tanong ko naman. Bakit kaya? At bakit kasama ko pa 'tong si mokong?
"Oh, yes. Almost all of us alam na every year ay nagkakaroon ng inter-school competition. So, as the head of Math department, I called you two to say na," nagsmile muna siya samin bago niya ipagpatuloy ang sasabihin niya. Teka kinabahan ako sa ngiti niya.
"Kayong dalawa ang napili kong representatives for Math Quizbee." dagdag niya sabay hawak sa balikat namin na para bang naeexcite siya.
"Ano!?" napalakas yung boses ko dahil sa gulat. Halos malaglag ako sa upuan dahil sa sinabi niya. Saka ko naman narealize na napalakas pala ang boses ko.
"A-ah, I mean, po? Ma'am, alam niyo pong mabababa ako sa quizzes sainyo." sabi ko sa kanya.
Hello? Si Czarina po ako. Worst in Math! Baka naman nagkamali lang siya?
"Kung etong si mok--Rod po, pwede pa." I added. Psh. pasalamat ka jerk pinuri kita ngayon. Mas mabuti pang ikaw nalang ang ialay kesa madamay pa ako.
"Tama. Tama." sang-ayon naman nitong si mokong habang tatango tango pa. Tch.
"Yes, that's why I chose you two." sabi naman ni ma'am. Teka, mas lalo ko siyang hindi maintindihan.
"I believe na hindi ka mahina sa Math, tamad magsolve ng equations at mag-memorize ng formulas, pwede pa." she added.
"Aww. Hahaha." tinignan ko naman ng masama 'tong kaharap ko na nagpipigil ng tawa. Edi siya na talaga! Luh. Pero sabagay, tama si Ma'am. Huhu.
"Hehe. Tama po kayo." sabi ko sa kanya sabay kamot sa ulo. Ako lang ba tamad sa Math dito?
"Kaya nga, Miss. Gusto kong madevelop at maimprove mo ang Math skills mo. And I trust you, Miss." sabi niya then nagsmile pa. Waaah. Natouch naman ako dun. Pero teka, kakayanin ko ba yun?
"Ma'am, sa tingin niyo kakayanin ko?" sabi ko sa kanya. Sigurado ba siya? Kasi ako sa sarili ko, hindi!
"That's the point. Kaya magiging partner mo si Mr. Dela Fuentes."
What!? Tch! Pwede bang iba nalang? Kahit yung Tina na maldita nalang! Wagang siya please. Puro kamalasan lang ang dala niya sa buhay ko.
"He'll be your partner and your tutor at the same time." sabi niya pa. Psh! Malas naman. Ayoko ayoko ayoko. Ayoko nga!
"Pwede pong tumanggi? Hehe." sabi ko habang tumitingin na parang nagmamakaawa.
"Choosy pa. Swerte mo na nga sa'kin." sabat naman nitong mokong na 'to habang nagcecellphone. Bastos talaga. Kapal ah.
"Pwede naman." sabi ni Ma'am.
Yun naman pala eh! Whoo!
"Pero zero ang grade mo sakin, okay lang?" she added then nagsmile siya sarcastically.
Aish! Seriously!? Makakatanggi pa ba 'ko? Psh.
"So, okay na?"
Tumango tango nalang ako kahit masama ang loob ko. Ano ba kasalanan ko sa mundo at nilalapit ako sa jerk na 'to?
"Alright. Good. So, I want you to trust and follow Mr. Dela Fuentes for whatever he says. May tiwala ako sa kanya at alam kong matututo ka sakanya. Kayo ang magiging representatives ng school na 'to so you should do your best."
Anak ng tipapaw naman oh!
Tumingin naman bigla sa'kin si mokong habang obvious na tuwang tuwa siya sa narinig niya. Argh! Baka utus-utusan na naman ako nito! Waaahhh! Pwedeng maglaslas?!
"Masaya yon, Babab." sabi niya sabay smirk.
Mali, pwede bang leeg nalang nito laslasin ko?
Okay, masyadong brutal.
"So, ikaw nalang bahala sa tutorial schedule niyo, alright?" sabi ni ma'am sa kanya.
"Sure." sagot naman nito sabay kindat sa'kin. Nakatingin lang naman ako ng masama sa kanya. Ahhhh! Malas malas! Bwiset talaga!
"Umaasa sainyo ang pangalan at reputasyon ng university. We've been champion in terms of quizbee for more than five consecutive years, so kailangan talagang kayo ang manalo sa competition na ito. Huwag niyo akong papahiyain sa dean, okay?" sabi niya samin.
"Yes, Ma'am." malumanay na sagot ko. Aish. Paano na? Lagi ko siyang makakasama. Nakakaewan naman.
"Don't worry, if ever kayo ang manalo, the Dean said that she will grant you two a wish, kahit ano. Kaya dapat pagbutihan niyo!"
"The Dean? Anna's mom?" tanong naman bigla ni Rod.
So mommy pala ni Anna yung. College dean? Hmm, okay. Anyways, Anna na naman 'tong jerk na 'to eh no. Luh. Wait, ano na naman ba ulit pake ko?
"Yes. The Dean. Siya ang nagsabi niyan. So for you two, Goodluck! Basta you still have a month to prepare. Kayo na bahala sa tutorial schedule niyo ah. You can go now." she said, smiling.
**
Asar asar asar! Tch. Wala na 'kong magagawa! Kailangan kong magtyaga ng isang buwan sa mokong na 'to!
Pero pero, good thing may wish! Ayos ah, kakaiba naman yung naisip nung dean para mamotivate talaga kami. Okay na rin siguro 'yon. Eh kung iwish ko kayang pagsuotin si jerk ng barney mascot!? Pfft~
Kasabay ko na naman siya paglabas ng faculty. Binunggo ko siya sa side pagdaan ko dahil naiinis pa rin ako sa kanya.
"Aww naman." reklamo niya.
"Hala, masakit ba? Bagay lang yan sa'yo! Che." sabi ko sabay irap sa kanya.
"Haha. Galit ka pa rin ba?" tanong niya habang nakasmirk.
Hindi ba halata!?
"Sabagay, lagi ka namang galit. Pfft~" bulong niya. Kala niya di ko narinig yun ah.
Tinatanong pa talaga kung galit ako? Wow ah. Kala niya nakalimutan ko na yung ginawa niyang pagiwan sa'kin kanina!
"Hindi ba halata ha?!" bulyaw ko sakanya dito sa may corridor.
"Relax! About san ba?" tanong niya ulit. Ano to, is he playing dumb again!?
"Wow! Nagtanong ka pa, ganon? About sa lahat ng ginawa mo!" sabi ko sabay irap sa kanya at tumalikod na. Err. Tumataas presyon ko sa kanya kahit kailan.
"Dahil ba naiwan kita kila Tina kanina?" seryoso niyang tanong. Hindi ko siya pinapansin. Lumakad pa rin ako palayo.
"Oy, Kate!" sigaw niya dahil hindi ko pa rin talaga siya pinapansin.
Ang ingay niya! Nakakahiya baka pagtinginan kami dito.
"Kate!!" sumisigaw pa rin siya kaya naman hinarap ko na siya. Pakiramdam ko ilang minuto lang pagtitinginan na kami kung di ko siya papansinin.
"Sino bang hindi magagalit kung iwanan ka sa ere dahil may dumating lang na iba ha?! Bigla mong hahatakin yung kamay palayo tapos yung isa nakatayong nag-iisa? THE HECK ROD!" sabi ko sabay talikod na ulit paalis sa kanya.
"Teka teka." sabi niya sabay hatak sa kamay ko na nakapagpahinto sa paglalakad ko.
Napalingon naman ako at napatingin sa kamay ko, then sa kanya na mukang nagtataka ngayon. Problema nito?
"Nagseselos ka ba?" tanong niya habang natatawa tawa. What the? Ako? Nagseselos?
"H-huh!? Wow ah! Ang hangin dito. Whoo~ grabe di ko kinaya. Bakit naman ako magseselos!?"
Kapal talaga ah! FEELINGERO!
*silence*
Nakatingin siya sa'kin ngayon ng seryoso. Napatigil naman ako bigla at napatahimik na rin. Bakit niya ba ako tinititigan? At bakit ba ako nanlalambit bigla??
"HAHAHA. JOKE. Si Babab talaga hindi mabiro!" bigla siyang tumawa habang nakahawak pa sa tiyan niya.
Nakakainis talaga siya. Nakakabuwang na talaga ang tulad niya. Hindi ko matimpla!
"Psh. Mangaasar ka nalang ba lagi, ha? Isang salita lang hindi mo pa masabi!" sigaw ko sa mukha niya.
"Mokong ka talaga." bulong ko saka tinalikuran na talaga siya.
Isa lang naman hinihintay ko eh! SORRY lang naman! Sabihin niya lang na SORRY!
"Isang salita?" narinig kong tanong niya na para bang nagtataka siya.
"Ewan ko sa'yo!" napakaslow! Err.
Nagdadabog akong maglakad palayo sa kanya habang nararamdaman ko na sumusunod naman siya sa likod ko.
"Ah! Gets ko na, Babab!" sigaw niya para pigilan ako. Buti naman! Okay, sasabihin niya na ba?
Naghintay ako ng ilang minuto pero WALA. Tahimik lang siyang sumusunod sa likod ko.
Nilingon ko siya at nakita kong napapakamot siya sa ulo. Inirapan ko siya bigla.
AKALA KO BA GETS NIYA NA? SLOW BA TALAGA SIYA O SADYANG MAPRIDE LANG AT WALA SA BOKABULARYO NIYA ANG MAGSORRY?
"OO NA! OO NA!" sumigaw ulit siya pero hindi ko masyadong naintindihan dahil binibilisan ko ang paglakad dito sa corridor pala makalayo sa sa kanya.
''Ano!?" nilingon ko siya.
"Psh. Oo na, sasabihin ko na." napakamot na naman siya sa ulo niya. May kuto ba siya!?
Bakit ba hirap na hirap siyang magsorry!? Kung ayaw edi wag, hindi ako mamimilit kung hindi naman siya sincere.
"Alam mo Rod, kung ayaw mong magso--"
"SORRY NA KUNG INIWAN KITA. SORRY NA KUNG NAPAHIYA KA. SORRY KUNG INAWAY KA NILA DAHIL SAKIN. NAGKAMALI AKO. OKAY? SORRY NA, KATE" napayuko siya habang nakahawak aa batok niya na para bang nahihiya.
Kahit medyo malayo siya mula sa akin, rinig na rinig ko ang mga sinabi niya dahil sa lakas ng boses niya. Rinig na rinig dito sa buong corridor.
Hindi ko maintindihan kung bakit, pero biglang bumilis ang heartbeat ko dahil sa sinabi niya.
"Sabi ko, isang salita lang. Sobra sobra naman yan. Psh. Jerk." napayuko nalang ako at hindi ko mapigilang ang mapangiti mag-isa.
Bakit ganon? Ang weird bigla ng pakiramdam ko ngayon. Galit ako sa kanya eh! Oo, galit ako. Inis na inis nga ako sa kanya eh. Halos isumpa ko na siya, di ba?!
Pero bakit nung sabihin niya lang ang mga salitang 'yon, parang biglang napawi lahat?
Lagi nalang ganon. Galit ako sa kanya at JERK ang tingin ko sa kanya, pero bakit kapag may bigla nalang siyang ginagawang mabuti naiiba tingin ko sa kanya?
Wait, what!? Ang gulo!
Pinapagulo ng jerk na 'to.
***
To be continued...
-Thisisrajuma