Chapter 14- His House

2261 Words
****  Chapter 14- His House  **** "Woy? Nakatulala ka diyan?" Ha? Napatulala pala ako? Nagulat lang naman kasi ako kasi sinabi talaga niya. Totoo ba 'to? Nagsorry si jerk? End of the world na ba? Sabagay, binigyan niya ba naman ako ng cellphone case as peace offering! Nakakapagtaka din yun! So, may good side rin pala tong jerk na 'to.. Hmm. Hindi naman pala siya ganun kagago.. No! Erase erase! JERK PARIN SIYA SA PANINGIN MO CZARINA! JERK! AT HINDI NA MABABAGO YON! OKAY? "Bakit ba? Pake mo! Tch." Taray mode kahit deep inside natuwa ako sa apology niya. Teka, ano ba 'tong pinagsasabi ko. "Sunget mo talaga kahit kailan. Ganyan ka ba talaga sa mga pogi? Di ko naman kasalanan 'to eh. Sadyang sumpa na sa'kin ang maging ganito. Tsk tsk." HUWAW. Wala na 'kong masabi sa kapreskuhan nitong hinayupak na 'to. Makahingi nga minsan kahit konting fighting spirit! Tinignan ko lang siya ng what-the-ef-anung-sinabi-mo look at natawa naman ang loko. "HAHAHA. Napakaseryoso ni Babab. Siguro araw-araw kang meron 'no?" pangasar niya. WHAT THE? Hindi ba talaga nakukumpleto araw niya ng hindi ako binubwiset? Pinanindigan niya na talaga 'yong Babab!? "HOY! Hindi mo ba 'ko tatan-" nagsasalita palang ako ng bigla niyang hinila yung wrist ko. Ahh! Ano na naman ba jerk!? "OY SAN TAYO PUPUNTA?!" sigaw ko sa kanya. "Sumunod ka nalang dami mong satsat." sabi niya habang naka-smirk. Ano na naman bang plano nito? May sira ata talaga sa utak to eh. Bigla bigla nalang ginagawa kung ano man ang maisipan!  "Baliw! Saan nga?! Oy!" nagpupumiglas ako pero ayaw niya parin ako bitiwan. Kainis ah! Masakit na kaya pulso ko, ang bilis bilis niya pang maglakad! Ang haba haba pa naman nitong corridor. Ano na naman ba trip niya? "Ano ba!? Hindi pa ba tayo babalik ng room!?" pangungulit ko pa rin sa kanya. "Ayaw." parang batang sagot niya. "Tinatamad na 'ko." dagdag niya sabay kamot sa ulo at ngisi. "Edi saan nga tayo pupunta!? Sagot agad!" inis na sabi ko. "Sa puso mo?" sabi niya sabay lapit sa mukha ko at tingin sa mga mata ko. "H-huh!?" Ahh! Bakit ba 'ko nautal bigla!?  "Pfft~Hahaha. Joke. Sa bahay, siguro?" sagot niya habang nagkakamot ng ulo na para bang nagiisip. "Sainyo!? Bakit naman!?" takang tanong ko. "Ay hindi. Hindi. Baka sa bahay ni Lola?" sabi niya sabay tawa. Pilosopo. Babatukan ko na talaga 'to. "Hoy, ikaw.Wag mo 'kong pinagloloko. " sabi ko tapos bigla kaming napahinto sa paglalakad dahil hinatak ko na 'yong kamay ko. "Bakit ba tayo pupunta sa bahay niyo ha?" dagdag ko habang nakapamaywang at nakataas ang kilay. "Dami naman tanong." reklamo niya. Aba malamang. Hinila niya kaya ako! "Bakit, may sinagot ka ba kahit isa, ha? Psh." inirapan ko siya. "Di ka ba nakikinig? Di ba nga ako na ang gwapong  partner at tutor mo." sabi niya sabay hawak sa baba niya. Talagang kailangan may 'gwapo' pang kasama? "Oh, eh ano naman?"  "Edi magtututorial na tayo sa bahay. Pentium one? Slow lang?" sabi niya sabay poke sa noo ko at ngumiti. Bakit ba napapadalas kakaibang ngiti nito? Yung tipong hindi nakakagago? Bigla tuloy akong naninibago! Ilang segundo ko ding hindi naialis kaagad ang pagtingin ko sa ngiti niya.  Waah! Kilabutan ka nga Czarina! "Ah, eh paano na yung klase natin, ha!?" tanong ko ulit tapos bigla naman siyang tumalikod at naglakad na ulit. "Tinatamad na nga ako pumasok. " sagot niya sabay hikab. Tapos, bigla siyang huminto na para bang may nakalimutan sabay tingin sakin at inabot ulit yung wrist ko. Hinila niya ulit ako. "Baka tumakas ka eh." kinindatan niya ako. Automatic naman na napatingin ako sa wrist ko na hawak hawak niya ngayon, tapos sa kanya naman na nakangiti mag-isa ngayon habang naglalakad kami. Bakit hindi ako makapalag dito? Parang, naiba yung pakiramdam ko. Ay ewan! Napagod nalang siguro ako makipagtalo sa kanya. "Yuck lang. Wag ka nga kumikindat! Kinikilabutan ako." pangaasar ako. Natawa naman siya at kinindatan na naman ako. Nakakapagtaka lang dahil natawa ako imbis na mairita. For the second time, KILABUTAN KA NGA CZARINA!  >. "O-oy! Bitiwan mo na nga ako. Daming nakatingin oh! Baka mamaya pagdiskitahan na naman ako ng mga crazy fans mo!" sabi ko sa kanya. Paano ba naman kasi, dami ng nakatingin na mga babae samin dito sa corridor tapos nagbubulungan! Psh! "Ah, ganon ba? Bitiwan ko na?" tanong niya. "Malamang! Sakit narin ng pulso ko! Bitaw na!" binitiwan niya naman nga ako. "Mabuti nam--" "Masakit na pala eh, edi ito nalang kamay mo." binitiwan niya nga yung wrist ko pero kamay ko naman ang hinawakan niya bigla.  Napasinghap naman bigla yung mga babaeng nakatingin. Nagulat ako sa ginawa niya at tinignan ko siya ng masama pero nakatingin lang siya ng diretso at nagpipigil ng tawa. "Gusto mo talagang awayin nila ako ano?" I bit my lower lip dahil sa hiya at gigil. "Napakabwisit mo talaga, alam mo yun?" sabi ko sa kanya habang nakayuko at pilit na hinahatak yung kamay, pero sobrang lakas niya at di ko magawang makabitaw. "Aw. Paano ba yan? Kailangan mo na atang mag-ingat lagi." sabi niya at mas lalo niyang hinigpitan ang hawak niya sakin. Loko talaga tong mokong na to eh! Gusto niya talaga akong napapahamak. Grrr! "Hindi mo 'ko bibitawan?" medyo nanggigigil na talaga 'ko. Ayaw niya kasi talaga akong bitawan! "AYAW." nagsmile siya sabay hatak pa sa'kin papunta sa side niya kaya naman nagkadikit kami. Ahhhh! ABNORMAL ABNORMAL ABNORMAL TALAGA! Nakikisabay pa yung heartbeat ko! ABNORMAL! Bakit!? "Haha. I-enjoy mo lang. Dapat nga magdiwang ka." Hindi na 'ko makasagot. Biglang naging awkward pakiramdam ko. Lahat nakatingin, tapos.. Hindi pa 'ko sanay na may ka-holding hands!  "Omo! bakit sila HHWW?! Look look!" sabi nung dalawang babae sa gilid.  Si Eimee at Grace na naman pala 'to! "Oh my! Oo nga! Wait, HHWW? Ano ulit yon? Hehe. *kamot sa ulo*" sabi ni Grace. *pak* "SHUNGA! Ilang beses ka ba pinanganak!? Kabisote! Holding hands while walking nga!" iritang sabi ni Eimee. "Aray ko naman." reklamo ni Grace. "Bakit naman hahawakan ni Papa Rod yang haliparot na babaeng yan! Shocks!" she added. Letsugas. Ano daw!? Haliparot!? "Hoy! Sino haliparot ha!?" Lalakas ng loob nilang magsalita. Mga chismosa! Eh balita ko sila nga yung tatlo tatlo boyfriends! Lalo na yung eimee na yon. Alam ko nahuli ata ng boyfriend yon na may kaharutan sa park. Tsk. Tapos humingi siya ng patawad at pinagbigyan naman siya. Well, narinig ko lang kay Lorraine yon. Nabalitaan ko rin na-- Wait, hehe. Narinig ko lang talaga 'yon. Oh bakit? Sige na, may pagkachismosa din ako eh!  "Huwaw! Wonderful!" Sabi ni Eimee sabay tawa ng sarcastic. "At tinanong mo pa talaga, aber?" bigla siyang umirap na naman. Grrr. Bahala na nga sila dyan! Wala akong time. "Kwento mo sa ingrown mo. Pfft~" bulong ko. Di ko nalang papatulan tong mga 'to. "What!? Your voice are down tone! Psh! If ever you talk something, make it surely we are hearing it, okay? Stupidity is defined to you! Duh!" sabi ni Grace. Ano daw?  "What the! Tumahimik ka na nga lang Grace pwede!? Sumasakit ulo ko sa English mo!" pangangil ni Eimee. Napakamot naman si Grace. "Whut? That is surely right, Eimee. I am always sure with what I surely say. So don't worry, I'll make it sure---" "AHHHH! Redundant b***h!" pambabara ni Eimee. "Ako nalang, okay?" dagdag niya kaya napayuko nalang si Grace. Tumingin naman ulit siya sa'kin. "You, flirtatious creature, don't you dare---ooyy!" Tinalikuran ko na sila. Haha. Masakit sila sa brain cells! Che. "Tissue please! I'm noseblood! Don't English me! I'm panic! Pfft~" sigaw ko habang naglalakad palayo sabay nilingon ko ulit sila at nagbelat ako. "Okay, I'll keep that in brain! Thanks to you! Pfft~" dagdag pangasar ko sabay kaway palayo. "What the!!" inis na sabi niya, maya maya pa tumakbo siya papunta sa harapan ko habang nanlalaki ang butas ng ilong sa galit at muling magsasalita. "You bit-" "Hep. Toothbrush muna." bigla ko naman pinigilan yung pagbuka ng bibig niya. "Masyado ng polluted dito." dagdag ko sabay tawa. Narinig ko naman na napangisi rin si Rod dahil sa sinabi ko. Ang iingay eh! Mohaha. "How dare you!" mangiyak-ngiyak sa inis agad 'tong si Eimee sabay layas.  Hahaha. Haay. "Ang bully mo." sabi sa'kin ni Rod habang nakangiti at nakatitig sa'kin. Napatigil na naman ako ng ilang segundo dahil sa kakaibang ngiti niya ngayon. Di ko namalayan na natawa rin ako dahil natawa siya. Wait, what? Ano bang pake ko kung natawa siya!? O nakangiti man siya!? O nakatitig man!? Baka naninibago lang talaga ako sa kinikilos niya ngayon. Oo tama, ang bipolar niya talaga! "A-ah, ha ha ha. Look who's talking." sagot ko nalang sabay iwas ng tingin sa kanya. Napahinto naman na kami ni mokong ngayon sa tapat ng dean's office habang hawak niya pa rin yung kamay ko. Nagkaroon naman ako ng pagkakataon na bitiwan siya agad dahil naramdaman kong lumuwag ang pagkakahawak niya sa kamay ko. At isa pa, baka may makakita samin na school official, baka kung ano pa isipin. Teka, bakit nga pala nandito lang kami? Lumilinga-linga lang siya na para bang may hinahanap o hinihintay. Ano meron? "Bakit tayo nakahinto?" tanong ko sa kanya pero hindi siya sumagot. Nakatingin lang siya sa harapan, at maya-maya pa napangiti nalang siya. Tumingin na rin naman ako sa harap para malaman kung bakit siya napangiti.  Ah, si Anna pala. Naglalakad siya ngayon sa harapan namin habang nakatingin sa labas ng office ng dean. Oo nga pala, mom niya ang dean dito. Nagstep-forward naman siya habang nakangiti pa rin para lapitan si Anna. "Ann--" Pero hindi siya napansin nito dahil pumasok na sa office. Nawala naman agad ang ngiti niya dahil dito. Baka naman hindi lang talaga namansin? Hindi naman siguro. "Oy, tara na." niyaya ko na siya. Gusto ko sana siyang asarin na 'obvious na hindi ka talaga pinansin oh!'. Pero mukhang hindi siya pwedeng biruin ngayon. Takot ko lang na mag-ala Simon ako!  "Haay." he sighed. "Siguro nga di lang talaga ako napansin. So, tara na?" sabi niya sa'kin at ngumiti. Ngiting pilit. Tumango lang naman ako at sumunod sa kanya. Di ko maiwasan na di siya tignan habang naglalakad kami, halatang ang lungkot niya bigla.  Gano'n ba talaga epekto ni Anna sa kanya? **** Nasa parking lot naman kami ngayon. Teka, may kotse siya? Ay wala. Baka napadaan lang, Czarina? Shunga lang, te? Pati konsensya ko pinipilosopo na 'ko. Sabagay, may point siya. Tsk. "Uy teka!" sigaw ko nang may bigla akong naalala kaya napahinto siya. "Yung bag pala natin nasa room! Paano yon?" sabi ko sa kanya habang medyo natataranta. "Chill. Di mawawala yon. Nandon pa rin 'yon bukas." sabi niya sabay tawa. Seriously!? Hindi manlang siya nag-aalala!? "Ha!? Bukas? nagbibiro ka ba? You mean, maghapon tayo sainyo? Hindi na tayo babalik dito mamaya?" Hindi naman niya ako pinansin at pumunta nalang siya dun sa isang kotse don at sumakay. Loko talaga! Iwan ba naman akong nakatayo dito? Anyways, in fairness, blue Audi ang kotse niya. Binuksan niya yung glass window at saka nagsalita. "Ewan ko. Sakay na.." utos niya.  GENTLEDOG TALAGA.  **** Nakarating na kami sa bahay nila. Malapit lang pala sa subdivision namin tong village nila. Executive village din siya. Medyo malaki ang bahay nila. Hanggang 3rd floor at maluwag ang lot. Napansin ko rin yung BMW at Ferrari sports car na nakaparada sa garage nila. Well, hindi naman obvious na tinitignan ko lahat di ba?  Hindi naman sa ignorante ako dahil halos pareho lang kami, pero kasi, medyo natutuwa lang ako at may nadagdag akong kaalaman tungkol sa mokong na 'to! Oh bakit? Don't misunderstood! Natutuwa ako kasi alam ko na yung address niya kung sakaling ipapasalvage ko siya.    Pumasok na kami ng gate, tapos may sumalubong samin na babaeng may katandaan na din. Mga nasa 50s na siguro ang age niya. "Mamang. Magaaral ho kami ngayon sa kwarto ko." sabi ni Rod sa kanya. Bigla namang ngumiti ng nakakaloko yung mamang tapos tumingin kay Rod ng weh-di-nga-look. Malisyoso si Manang! Wait, ano kaya siya ni Rod? "Ikaw talaga Mamang oh." napakamot si Rod sa ulo habang mukhang napahiya. "Opo nga, magaaral lang kami." nagsmile siya kay Mamang at tumingin ng maniwala-ka-naman-look.XD "Kaklase ko nga po pala, si Spongebob, ay este Kate pala." pangaasar naman ng loko. Tinignan ko lang naman siya ng masama. "Pfft~Haha.Laughtrip. Cute naman ng tawag mo sakanya. Joke lang hija, wag kang ma-BV. Osige hijo. Pasok na kayo sa loob at maghahanda ako ng pagkain." 'Laughtrip'? BV? Eh? Matanda ba talaga 'tong kaharap namin? Ayos sa words ah.  "Okay lang po. Hehe. Salamat po. Czarina Kate nga po pala." bati ko naman. "Sige hija.Ingat ka ha." sabi nanaman niya with matching nakakalokong ngiti at natawa pagtingin kay Rod. Tapos medyo sinuway naman siya ni Rod sa pamamagitan ng tingin. Hehe. Ang kulit lang. Pumasok na kami sa loob. Nasa second floor daw yung room niya. Sabi ko bakit hindi nalang sa sala, pero sabi niya nandun daw kasi mga books at study table niya. Blah blah. Edi fine. Oo nalang ako ng oo. Para masimulan na namin agad dalawa sa kwarto niya! Oy oy! Wag berde utak niyo ah! MAGAARAL kami. As in ARAL. Tsk tsk. Takot niya lang na bugbugin ko siya kapag may gawin siyang kalokohan. Nasa tapat na kami ng kwarto niya. Nauna na siyang pumasok tapos susunod na sana ako ng biglang.. "s**t! Ba't nandito parin 'to!?"  tapos bigla niyang sinaldak yung pinto ng kwarto niya kaya muntik na 'kong tamaan! Lokong 'to. Ano naman ba nasa loob at ganoon siya makareact?!  **** To be continued... ThisIsRajuma    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD