Prologue

555 Words
Hi! This is a Love & Hate story with exciting twists and turns! Kung kilig, tawa at iyak din ang hanap niyo, eto po ang para sainyo. Enjoy reading!  ***** Prologue~ ***** ++ "One of the hardest situations you'll encounter in life is experiencing the battle between your heart and mind; the point whether to choose to listen with your heart's desire to pursuit happiness or to follow your brain's precautions to avoid the chance of getting hurt." ++ "Napipigilan ba ang tuluyang mahulog sa isang tao?" Mayroon nagtanong sa'kin niyan noon. Medyo napaisip pa ako dahil mukhang mahirap sagutin sa umpisa. Ang ginawa ko, nagtanong ako sa iba. May mga nagsasabi na oo, may mga nagsasabi na hindi.  Oo daw kasi pwede mo naman ipairal ang pagsunod sa utak mo na hindi tama para sa'yo ang isang tao, maaaring dahil sa maling pagkakataon o yung mismong tao lang talaga ang mali para sa'yo. Kumbaga uutusan mo yung puso mo na, "Huy, wag kang mahulog dyan, masasaktan ka lang." Dahil utak naman daw talaga ang masusunod kung gugustuhin. Sa kabilang banda, hindi naman daw, dahil kahit anong pigil ng utak mo sa nararamdaman mo, puso pa rin talaga ang umiiral dahil tayong mga tao, palagi lang naman pipiliin kung saan tayo sasaya eh, mali man o tama. Pagkatapos, binalik ulit nila sa'kin yung tanong. Ang sagot ko naman sa kanila, para sa'kin oo. Dahil alam ko sa sarili ko na kapag masasaktan lang ako, iiwasan ko na agad para hindi ako tuluyang mahulog. Kaya nga no-boyfriend-since-birth ako, dahil nirereject ko yung mga alam kong di ako seseryosohin kahit pa interesado na rin ako sa kanila. Ayun, sa huli hindi naman na natutuloy na main-love ako sa kanila. Natawa ng bahagya yung isa sa'kin, siya na nagsabing hindi napipigilan ang pagmamahal. Sabi niya, "Akala mo lang 'yon dahil hindi mo pa nahahanap yung katapat mo. Yung lalakeng magpapatibok ng puso mo nang hindi mo namamalayan. Tipong nakikita mo nalang sarili mo na hinahanap hanap mo na pala siya, na bawat araw siya lang  yung gusto mo makita. Hanggang sa mapagtanto mo nalang nahulog ka na pala. Paano mo pa mapipigilan? Eh wala na, hulog ka na." "Hindi yan. Ako pa. I'll see it coming, and by that time, poof  syempre, pigil sa puso. Easy."  Matibay ang paninindigan ko na kaya ko pigilan ang sarili kong mahulog sa taong hindi ko balak mahalin. Ganyan ako katiwala sa sarili ko noon pa man. Hanggang sa nakilala ko siya.  Siya na sumisira ng araw ko pero bumubuo rin nito, siya na sinasaktan ako pero pinapasaya rin ako. Siya na ayoko makita pero hinahanap hanap ko. Siya na iniiwasan ko pero hinahatak ng pagkakataon palapit sa'kin. Ang gulo di 'ba? HIndi pwede, ayoko mahulog sa isang katulad niyang gago, jerk! Hindi! At isa pa, may mahal na siyang iba... Teka, ano nga ba ang pakielam ko kung may nagmamay-ari na ng puso niya! Ang puso ko ang mahalaga, hindi ako pwedeng mahulog sa isang katulad niya dahil siguradong masasaktan lang ako. At isa pa, hindi niya rin naman ako magugustuhan eh. Hala, ano ba 'tong mga naiisip ko. Ah basta, tama pa rin naman ang paniniwala ko 'diba? Ikaw, ano sa tingin mo? Will I be able to save my heart, Before I Fall For This Jerk? -ThisIsRajuma April, 2012.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD