Chapter 1- He saw my...WHAT!?

2166 Words
Enjoy~  ****** Chapter 1- He saw my...WHAT?! ******  HER POV  "Manong! Pahatid na po!" Inayos ko na yung mga gamit ko para sa pagpasok sa school. Tinawag ko na rin si Manong Mario na driver namin para ihatid na 'ko. First day of college life ko nga pala ngayon sa Greenwoods University. Marami akong iniisip. Kung ano bang magiging takbo ng College life ko. Ano nga kaya? Magkalove life na kaya ako? Chos. NBSB kasi ako, never pa kasi akong na-in love.  Love? Ano nga 'ba yon? Hahaha. "Malapit na po tayo Ma'am Charina." sabi ni Manong after 30 minutes ng byahe. Charina? Si Manong talaga hanggang ngayon di pa rin alam paano bigkasin ng tama pangalan ko. "Czarina po, Manong. As in, Sharina." sagot ko habang natatawa, natawa nalang din si manong. Ay teka, malapit na daw kami? Medyo kinakabahan ako dahil first day ko nga ng college life! Sana naman magkaroon ako ng friends sa new chapter ng buhay ko. Hindi lang friends, sana true friends. Magustuhan kaya nila ko?  Eh ang tanong, magustuhan ko ba sila? Hmm. Bahala na! "Dito na tayo Ma'am." sabi ni manong. "Sige Manong Mario,  salamat po. Siya nga po pala, Czarina nalang po itawag niyo sakin wag na Ma'am." sabi ko at nginitian siya. Bumaba na ko ng sasakyan at nasa tapat na ko ng malaking gate ng University. Hindi naman na ako nagulat sa itsura kasi nagpunta na ko dito nung nagentrance exam ako. Wait, may NAALALA na naman ako! Sana hindi ko SIYA makita, and worse, sana hindi ko maging kaklase yung guy na 'yon! Nakakahiya talaga ang nangyaring 'yon! Hinanap ko na sa bulletin board ang room number and schedule ko. Pagkatapos, pumunta na ako sa tapat ng room. Madami na'ng tao sa loob pero buti wala pa yung professor! Phew. Kinakabahan akong pumasok. Tsk.  Anong klaseng environment kaya meron 'tong school na 'to? Sinilip ko muna yung mga tao sa loob. At isa pa, tinignan ko na rin kung nandoon ba sa mga magiging kaklase ko yung JERK GUY na iniiwasan ko! Fortunately, wala siya sa loob! Aha! Baka hindi nakapasa nung entrance exam! Haha. Buti nga sakanya. Ayokong siyang makita. Parang gusto ko na sigurong lumubog sa lupa kung sakaling makikita ko siya ulit dito! Lalo na kung magiging kaklase ko man yung lalakeng yon! Sino siya? Basta, nakilala ko 'yon nung entrance exam!  Mamaya ko na ikukwento. Nakakahiya lang, o kaya wag nalang! Ibaon nalang natin sa limot! Pumasok na 'ko sa loob at naghanap ng mauupuan. Nilakasan ko nalang ang loob ko dahil hindi naman dapat ako maging mahiyain di ba? Maya-maya may nakita na 'kong seat. Doon sa tabi ng bintana ako umupo. Ugh. Ang iingay ng mga blockmates/classmates ko, Block A nga pala kami.  Wala pa akong nakakausap dahil wala pa ako sa mood sa ngayon. May bagay pa kasi akong ikinakaba. Makalipas ang ilang minuto.. Dumating na yung professor namin sa MATH. MATH? I hate this subject. Pero ang shunga ko lang kasi sa Architecture malamang marami ding computations! Yeah, Architecture kinuha kong course. Gusto ko kasi sana ako magdesign ng own house ko someday. Anyways, ang magandang balita, mukhang hindi ko blockmate yung jerk na yun! Mouhaha. Wala siya dito eh!  Buti naman! Whoo! At dahil first day nga, puro introduction lang ng subject ang sinasabi kaya sobrang inaantok na 'ko. Nayuko nalang ako sa may desk ko.Tapos maya-maya, pakiramdam ko, unti-unti parang makakatulog na 'ko.. Mapapapikit na sana ako ng biglang narinig ko naman na may lalaking nagsalita kaya napatigil yung professor sa pagdidiscuss. "Morning. Sorry late. San ako pwedeng umupo? Sino yung magalang na 'yon?  "Uhm..You can sit beside that sleepy girl near the window." sabi nung professor. Wait, ako ba tinutukoy niya?  Napaangat agad ako ng ulo dahil mukhang ako nga ang tinutukoy niya. "S-sorry ma'am." sabi ko dahil sa'kin nga siya nakatingin. Uh-oh, patay. "Dahil first day, pagbibigyan kita. But next time don't sleep during my class." mataray na sabi nung prof, kaya napatango nalang ako ng ulo. Aish. Nakakabored naman kasi talaga siyang magsalita eh.   "Understood Miss--? " "Montemayor po." sagot ko. Tsk. Malas agad oh. "Oh, oo nga pala. I forgot class. Kindly introduce yourselves first one by one, so that I know what to call you. Anyways, I am Miss Marie N. Santos." Teka, tinignan ko naman yung guy na pinapatabi sakin... at nang makita ko... Anak Ng Tinapang Buntis! SIYA!? [flashback] Araw ng entrance exam ngayon. Sana makapasa ako! Naghihintay kaming mga examinees sa labas ng isang room kung saan ito gaganapin. Ang tagal magsimula! Naiihi tuloy ako bigla. Ihi kaya muna ako? Hindi pa naman siguro magsisimula. Hinanahanap ko yung CR at sa kasamaang palad, dahil sa iang laki-laki nitong school na 'to, nahirapan pa talaga ako sa paghahanap ng CR. Ang hirap hanapin! Waah. After a few minutes.. Finally! Nakita ko rin. Pumasok na ako sa isang cubicle at naglabas ng hinanakit sa trono. Habang nando'n ako, narinig ko naman yung mga babae sa labas sa harap ng salamin na naguusap. "Hala! Start na daw ng exam for Architecture students! Bawal pa naman malate hindi na pwedeng pumasok!" sabi nung isa sabay narinig kong nagtakbuhan na sila. OMG! What to do!? Kakaupo ko palang! Hindi pa ko tapos dito my ghali. Mukhang isang balde ata 'tong nilalabas ko my ghad! Sobrang nagaalala akong ma-late kaya binigay ko na ang full force ko sa pagihi, medyo kinilig kilig pa ako sa pagihi ah. In fairness, ihi nalang nagpapakilig sa'kin. Huhu. What the, tama na yan Czarina! Nang matapos na, wisik wisik, then sabay tayo at binutones ko agad ang pantalon ko. Pagkatapos, kumaripas na ako ng takbo papunta sa exam room! Sana makaabot!!  Too much info ba? Sorry na! Pagkatapos ng kay haba habang takbuhan, sa wakas nakaabot din ako! Sakto pagkapasok ko sinarado na yung pinto. Buti nalang! Pinaupo na kaming lahat at nagstart ng nagbigay ng test papers mula sa harapan, nang biglang nagsalita yung guy na katabi ko. "Miss, naghehello si Spongebob oh. Pfft." sabi niya habang nagpipigil ng tawa. "H-huh? Spongebob?" nagtatakang tanong ko naman. "Eherm." He cleared his throat at tumigil na sa pagngisi.  "A-ano kasi, zipper mo..bukas." sabi niya sabay tingin sa ibang direksyon. H-huh?  Bukas daw alin? Zipper ko bukas? Bukas zipper ko?  Medyo ilang segundo pa bago nag sink-in sa'kin 'yong sinabi niya. OMG. WHAT. THE. FUDGE. Waaaaahhhh. Kill me now! Si spongebob! Nakita niya! Nakita niya yung undie ko na may Spongebob print!  NAKAKAHIYA! SHEEEET! Napakashunga mo talaga Czarina! Sa lahat ng makakakita ng ano mo, bakit isang cute--este pwe! Bwisit na lalake pa!? Pinagtawanan pa talaga ako!? Dapat pinasabi niya nalang sa ibang babae! Huhu. What a perv! "Nga pala, hindi ko naman sinasadyang makita si Babab. Don't take it wrong. Anyways, nice design." sabi niya sabay wink at nagpipigil siya ng tawa habang nakahawak pa sa tyan niya. Waah! What a jerk! "P-pakielam mo ha!? E-eto uso ngayon! Tss!!" nauutal na sagot ko, habang pakiramdam ko nagiinit na ang mukha ko sa sobrang kahihiyan. Waaah. PERV! JERK! BASTOS!   I hate him! [End of flashback] Shocked talaga ako ngayon! Makakatabi ko 'tong jerk na 'to!? Errrrrrr! Spell M-A-L-A-S! MALAS! Papaupo na siya sa may tabi ko, kaya naman umiwas agad ako ng tingin at sa bintana humarap. Huhu. The heck talaga.  Spell A-W-K-W-A-R-D this time! CZARINA! "Okay next..introduce yourself." sabi nung professor.  "I said next! In front! The girl near the window!" naiiritang pagulit niya. Ay anak ng siopao! Ako na pala! "A-ahh. Sorry Ma'am." Paghingi ko ng pasensya.  Leshe. Ilang na ilang ako. Patagilid pa akong naglalakad makaiwas lang ng tingin sa kanya. Mukha na akong tanga dito. Sana talaga hindi niya 'ko maalala! Pleaseeee LORD! "Oh, H-hi. I'm Czarina Kate Cruz Montemayor. Cza for short. Please don't call me Kate, thanks." Tumingin ako sakanya ng saglit pero nagcecellphone siya. What the. Boring ba akong pakinggan!?  Pero okay lang, para di niya ako mamukhaan agad. "I'm 17. From Nuebla Village." bigla akong kinabahan nung makita kong nasa akin na ang atensyon niya. Jusme. Hindi niya sana ako matandaan. *crossfingers* Please..please?  Tama na yung mapahiya once!  "Tell us something about your interests, hobbies, favorites.etc." sabi ni Ma'am sakin. Kainis naman. Gusto ko nang umalis dito eh. Dami pang tanong. Err. Bakit may ganyan pa? Highschool? Highschool? "Ahh, my hobbies are cooking, surfing the internet, watching movies and shows." Di ko maiwasang hindi ulit mapatingin sakanya. Expressionless naman ang mukha niya kaya naman medyo napanatag ako. OMG. Thank you, Lord.  MUKHANG HINDI NIYA AKO NAAALALA. "Lastly, my favorite show is..." Teka. Sasabihin ko ba? Baka maalala niya 'ko! Mali mali. Sige, ibahin ko nalang. "M-my favorite is.." Di ko matuloy tuloy! Wala akong maisip bukod don! "Is?" Tanong ni Ma'am. Bahala na!  "Uhm, my favorite show is--" "Si Babab? Pfft." Nagulat ako ng may biglang nagsalita. What the.. Si Jerk. He is grinning. Pangasar ang ngiti niya. Nakakaloko. Nakakainis! Akala ko nakalimutan niya na!? Shocks, naalala niya! "Aye aye captain! Who lives in pineapple under the sea~"  Feeling ko mas lalo akong nagblush ng bigla niyang kantahin yung theme song ng Spongebob! "Spongebob Squarepants!" pagpapatuloy naman ng mga kaklase ko sabay sila nagtawanan. Sheez. Napayuko nalang ako. Anong gusto niyang iparating ha!? Lakas niyang mampahiya ah! Kainis! Argh. Pero hindi ako papatalo sakanya! Err. Tumingala ako at nagismid sakanya.  "No, my favorite show is I'LL KICK YOUR BALLS, Jerk." sabi ko then I smiled sarcastically.  "That's all thank you." sabi ko ulit sabay irap sakanya. Nakakainis talaga! Sinira niya ang first day ko! Bwiset! Umupo na ulit ako sa pwesto ko habang inis na inis parin. Bakit kailangan siya pang katabi ko? Baket?? "Nasan si Patrick?" tanong nya while chuckling. Bwiset talaga!    I faked I smile tapos hinarap siya. "Wala eh. Busy daw sa pagpapaplano kung paano mapapatay ang isang JERK." sabi ko at pinagdiinan talaga yung 'JERK'.  "Ah talaga? Hahaha." He laughed na parang di manlang naapektuhan sa mga sinasabi ko.  Hilahin ko kaya buhok nito sa kili-kili? Tignan natin kung makatawa ka pa. Nakakapikon na talaga. "Next student." sabi ni Ma'am. Tss. Itong mokong na pala ang magsasalita. Psh! "Silvester Rodney Dela Fuentes is the name. Rod nalang." sabi niya habang napapakamot sa ulo. In fairness, cute siyang tignan in one second. Take note, one second lang sabi ko! Wait, ano bang kahibangan pinagsasabi ko? Binabawi ko na pala! 0.000001 second lang! "Oh well, sisiw lang sakin ang Math. Ano pa 'ba?" Huminto siya tapos humawak sa chin niya na parang nag-iisip isip pa. Kasura lang ha. Ang angas! Tumingin naman siya bigla sakin. Ano na naman kailangan nito?  "Hindi nga pa pala ako nagsusuot ng printed underwear." He said then he smirked at me. Nagtawanan na naman yung mga classmates ko, pati si ma'am nakitawa. I rolled my eyes. Unang araw palang kumulo na agad ang dugo ko sa isang tao! AAHHHHHHH! Makalipas ang ilang minuto.. "Okay class. Natawag na ata lahat. See you all again tomorrow. Goodbye." sabi ni Ma'am. Nakakaasar. Bwiset talaga. Badtrip 'tong araw na 'to. Ang yabang niya! Napakajerk niya! Akala ko pa naman magiging masaya first day ko? Huhu. Padabog akong nagliligpit ng bag ko ngayon para umalis na, nang biglang may nagoffer ng hand shake bigla sa may harapan ko. "Seatmate pala kita. Wow. Yun ba ulit suot mo ngayon? Pfft." natatawang pangaasar niya. "JERK!!" sigaw sabay irap sakanya. He burst out laughing pagkasigaw ko sakanya. Nagtitinginan na ang mga classmates namin ngayon dahil sinigawan ko siya. Anong nakakatawa, jerk!? Leche! Kinuha ko yung bag ko sabay nagwalk-out na ako sa harapan niya. Hindi ko dapat sirain ang araw ko nang dahil lang sa isang tulad niya! Gwapo nga jerk naman! Teka!? Did I just compliment him again!? Psh! "Hi. Nathan nga pala." Nagulat ako ng may biglang humarang sa harapan ko sa may pintuan. Inoffer niya yung kamay niya. "A-ah, Czarina pala.." I offered my hand din. "Pagpasensyahan mo na si Rod ah? Maloko lang talaga yan minsan. Pero mabait yun!" sabi niya habang nakasmile. What? Mabait? San banda? "Talaga? Mabait? Pag tulog ba?" sagot ko naman agad sakanya, tapos bigla siyang natawa.  "Haha. Maybe? I guess." sabi niya then he chuckled.  Bakit ang cute ng isang 'to??  "Oh sige na, gotta go. Nice to meet you, Czarina." He said then he smiled. Feeling ko bigla akong nagblush nung tinawag niya'ng pangalan ko.  Hay nako, ang harot mo, Czarina. Napatango nalang ako.  "Sige. Nice to meet you din." ngumiti din ako tapos umalis na siya. Sigurado ba siyang magkaibigan sila nung ROD THE JERK na 'yon?? Bakit mabait 'tong isang 'to? Nakakatuwa lang din, nabadtrip man ako sa simula, mukhang naging okay rin naman ako ng konti at the end of the day dahil kay Nathan. May matino rin pala kasi dito sa klase na 'to. Anong klaseng tao kaya siya? Makakasundo ko ba siya? Mukha naman. Mukha siyang gentleman. Eh yung si Jerk? Tss!  Tinatanong pa ba yan?! I think never! As in NEVER!  ****** To be continued..    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD