Chapter 2- A Total JERK!

1615 Words
Enjoy~ ****** Chapter 2- A Total JERK!  ****** CZARINA'S POV Ilang araw narin ang nakakalipas simula nung first day, at ilang araw na rin akong nagtyatyaga na makatabi at makasama ang mayabang na 'yon! Argh. Ang hilig niyang mambwiset ng araw! JERK JERK JERK! Nandito nga pala ako ngayon sa canteen at kasama ang bestfriend kong si Claud. Hindi kami pareho ng course kasi Civil-Engineering ang kinuha niya. Magaling sa Math yun eh.  "Teka lang Claud ah, bili lang ako drinks." paalam ko sakanya.   "Okie. Sige sige." sabi niya. Pumunta na ko sa isang store para bumili ng juice. "Ate, dalawa nga pong orange juice." "Eto miss oh." abot niya sakin.    "Thank you." Pagkatapos kong bumili, pabalik na sana ako habang dala-dala yung juice, sa table namin ni Claud nang bigla ba namang.. "KYAAAAHHHH" nabunggo ako ng mga nagtitilian at nagtatakbuhang babae! Aysh! "Ow... yung polo ko.." Hala, may natapunan ako!  "Ay sorry! sorry! " paghingi ko ng pasensya habang nakayuko. Nahihiya kasi akong tumingin kung sino man siya. "Oh, it's you Czarina. Nope, okay lang." napatingin ako kung sino siya, at nakita kong si Nathan pala.  Hindi siya galit? Ang bait niya naman! "Sorry talaga ah. Eto panyo oh." offer ko sakanya. Medyo nakakahiya naman kasi talaga at natapunan ko yung buong polo niya ng juice. Ugh. "No, it's okay. Baka wala kang gagamitin. Look, ikaw rin naman natapunan eh."  See? Ang gentleman niya talaga! "Hindi, okay lang talaga! Sige na, kunin mo na!" pamimilit ko naman sakanya kaya natawa siya ng bahagya. Ang cute naman ng ngiti niya. Oops, Czarina. Ano na naman iniisip mo. "Ahh, sige. Kunin ko na ah? Ang kulit mo eh." He said then he chuckled! Shemz! Bakit ang layo-layo ng ugali niya kay Rod The Jerk na 'yon!? Sana siya nalang seatmate ko eh! Amp. "Here. My hanky. Sa'yo nalang. Sabi ko naman kasi sayo mawawalan ka eh. Use that." Nagulat ako nang may iniabot siyang panyo. Teka, panyo niya? Edi parang nagpalit lang kami? "Edi parang exchange hanky lang?" takang sabi ko naman.  "Haha. Well, yeah. You offered yours, I offered mine." di ko naman mapigilan ang hindi mapangiti sa sinabi niya. Shocks. "A-ah. Thanks. Hehe." Spell AWKWARD. Ewan! Bigla akong nahiya sakanya. "No problem." ngumiti na naman siya. "Oh paano ba yan, una na 'ko Cza. Puntahan ko pa sila Rod." Tinawag niya akong Cza? Pakiramdam ko nag init ang mukha ko. "Oh sure. Sige, sorry and thanks ulit!" nagsmile siya tapos nagwave na at umalis. OMG. Nakakahiya talaga. Buti nalang hindi ako masyadong nahalata na nakatitig ako sakanya kanina! Naglakad na ako pabalik sa table namin ni Claud. "Uy Bescza! (Besha) tignan mo yung mga babae don oh nagkakagulo. Mga freshmen din yang mga yan. Ano kaya meron don?" sabi naman sakin ni Claud habang papaupo ako. Kahit kailan ang usisera niya talaga. Pero sabagay, ano naman kaya pinagkakaguluhan nila don? Di ko rin kasi makita kasi natatakpan nung mga babae. Umalis sandali si Claud para tignan, pagkalipas ng ilang segundo bumalik na rin ulit siya sakin. "KYAAAHH!! Cza cza! Bescza! KAYA NAMAN PALA SILA NAGTITILIAN EH!" kilig na kilig niyang sabi. "Bakit ano ba meron??" takang tanong ko naman sakanya. Makatili kasi parang wala nang bukas. "MAY GWAPO!! Wahaha! Dun sa kabilang table! Teka magpapapicture din ako!" Kilig na kilig talaga siya.  Sus? Yun lang? Lang kwents! "Oh talaga? Teka, sama nga ako!" sabi ko. Syempre joke lang. Interesado din kaya akong tignan! Gwapo daw eh. "Sige! Tara bilis!" kinuha niya agad yung phone niya, tapos iniwan na muna namin yung bag namin sa table. Inuna pa landi kesa sa mga gamit 'no? Sumunod ako sakanya, tapos nakikipagsiksikan kami sa mga babae para makita kung sino kaya yung pinagkakaguluhan nila. Gwapo kaya talaga? Parang si Nathan? Ahe. Hinawi ko yung mga babae then sumilip na 'ko para tignan kung sino, at nang makita ko.. Like, what the hell? SI SILVESTER RODNEY?? AS IN SI ROD THE JERK!? PWE! "AY SUSSS! AKALA KO NAMAN GWAPO! SHOKOY LANG PALA!" Napasigaw ako. Oops. Nabigla ako. Shems. Lumapit sakin si Claud tapos bumulong siya. "Nako Bescza, ano ka ba? Ang ingay mo! Baka magkahater ka niyan!" pagbabanta niya. Wehe. Medyo kinabahan naman ako don. *gulp* "Hehe, nagjojoke lang 'tong kaibigan ko mga kapatid! Pasensya na." dispensa niya naman dun sa mga babaeng ang sasama ng tingin samin. Pero what? No, hindi ako matatakot! Di ko na babawiin yon! Panindigan mo Czarina! "Hindi ah! Hindi ako nagbibiro! Bakit, totoo naman ah? Muntanga! Mukhang SHOKOY! HAHAHA-ha-ha-he-he." I faked a laugh pero mukhang hindi effective dahil mas lalong nanlisik ang mata nitong mga babaeng 'to. Okay, sabihin na nating GWAPO siya at hindi nga siya mukhang SHOKOY! PERO..BASTA SAKIN SHOKOY ANG UGALI NIYA! ARGH. "Anong sinabi mo ha!?" nagulat naman ako sa sigaw nitong babaeng mukhang Hippo!  Bingi lang? "Oo nga! Sino ka ba ha!?" sabi naman nung mukang Dino. "Hi. I'm Czarina." I sarcastically answered her. Haha. Mas mukha silang nainis dahil sa sagot ko. "Pake ko!!" sigaw nung isa.  Baliw lang? Nagtanong kaya kayo? But wait, blockmates ko ata 'tong dalawang 'to? Hindi ko naman kasi pinapansin masyado ang mga kaklase ko at wala akong gana! Dahil sa katabi ko palang sira na araw ko. Nakita ko naman na nandun sa may bandang likuran si Nathan at tumatawa! Shocks. Nahiya tuloy ako bigla! "KAPAL MO NAMANG SABIHIN KAY PAPA ROD KO YAN!!" sabi ulit ni hippo! Aba! Edi sayong sayo na yang shokoy na yan! argh. "Makapal? Kasing kapal ng balat mong mala-hippopotamus. Pfft." nagtawanan yung mga tao sa paligid dahil sa sinabi ko. Well, hindi naman siya panget. Gusto ko lang din talaga siya asarin. Nanlalaki kasi butas ng ilong niya kapag nagagalit! Haha! "W-what did you just say!??" Sus! Nagenglish pa. Hindi bagay sa Hippo! "Paulit-ulit? Bingi lang? Bingi?" sabi ko kaya bigla niya dapat ako susugurin nang may pumigil sa braso niya. Tss. Si JERKY JERK PALA. Pinatabi niya si Hippo tapos humarap siya sakin. Unti-unti siyang lumalakad palapit sa akin. T-teka? H-hindi ako takot sakanya 'no! Huminto siya mga one meter away from me. "Sa gwapo kong 'to? Shokoy? A.S.A" sabi niya habang naka half smile. NAPAKAYABANG TALAGA! BWISET!  "Ano??" Irita kong tanong.  Nilapit naman niya nang unti-unti yung mukha niya sa mukha ko, dahilan para mapaatras ako nang mapaatras hanggang sa tumama na yung likod ko sa may poste. Yup! May poste nga dito sa cafeteria!  Ah basta, paano tatayo 'to aber? Anyways, ang lapit ng mukha niya! Ang sarap lang pagsasampalin! "Etong mukhang 'to? Nilalait mo?" sabi niya habang nakangiti ng nakakaloko. Aish! Ba't ganun? Feeling ko biglang nag-init yung mukha ko! N-no! Hindi ako nagbblush! Hindi pwede! "O-oo! Panget! Shokoy! Jerk!" sigaw ko sabay tulak sa chest niya. Sh*t lang! Nauutal ako! Argh! "Eh bakit namumula ka?" pangaasar niya naman while grinning.  Nakakainis! Di niya ba 'ko titigilan?! Kala niya naman kinikilig ako? HUH. That was an insane idea. "Namumula ako kasi..kasi..ANG BAHO NG HININGA MO CHE! yuck!" sigaw ko sabay takip ng ilong. Nagtawanan naman yung iba. Bwiset talaga! Syempre alangan namang sabihin ko namumula ako at ninenerbyos dahil sa lapit nang mukha niya di ba!? Sabihin pa ng mokong na yan na kinikilig ako! LUH! "Hahahaha." tawa lang siya ng tawa dahil sa sinabi ko. What the heck? Anong nakakatawa? Di ba dapat mainis siya!? Waah! Nakakaasar talaga! "Ako? Haha. Kanina shokoy, ngayon naman bad breath? Gusto mong halikan kita para malaman mo yang sinasabi mo?" *dug dug dug* Leche! Yung heartbeat ko! Ninenerbyos ako sa mokong na 'to! "Ano? Gusto mo?" mas lalo siyang lumapit sa akin, pero hindi naman ako makawala dahil nga nacorner niya na ako. Tapos yung mga kamay niya, ipinatong niya pa sa may surface nitong poste kaya nakatrap yung ulo ko sa mga pagitan nito. Palapit na ng palapit yung mukha niya hanggang sa mapapikit nalang ako. "T-tama na yan please!" Napadilat ako bigla sa sigaw, kasabay naman na napalingon 'tong si Jerk. Oh thank goodness! Si Claud pala. Shocks! Buti nalang! Humarap ulit sakin si mokong sabay ngumiti na naman ng nakakaloko. "ASA." sabi niya sabay smirk at alis. Whooo! Thank you Lord!  Nakahinga ako ng maluwag luwag pero nakasandal parin ako sa poste dahil pakiramdam ko bigla akong nanlata. "HANGGGGKAPALLL TALAGA OH! PUMIKIT PIKIT PA! KALA NAMAN NIYA HAHALIKAN TALAGA SIYA NI PAPA ROD KO!" "Haha! Asa girl!" sabi naman ni Hippo at ni Dino. Inirapan ko lang silang dalawa at napatingin na naman ulit ako kay Rod na nakasideview na ngayon. Tinitigan ko lang siya ng masama. Sana may kutsilyo ang bawat tingin ko para namassacre ko na siya! Ahhhh! "Huwag kang tumitig masyado, masama na, baka mahulog ka pa sakin." He added then HE SMIRKED again evily. WHAT!? AS IN ANO DAW!? NAKAKAINIS! NAKAKAIRITA! NAKAKABWISET! NAKAKASURA! NAKAKABADTRIP! LAHAT NA! NAPAKAYABANG NIYA! AHHHHHHHH! LECHE! "HOY JERK!" I shouted kaya napatingin na naman sa'kin ang lahat. Nakatalikod parin siya at lumingon lang siya ng bahagya. Kahit hindi siya nakaharap totally, kitang kita ko parin ang pangasar na ngiti niya. JERK! HINDI AKO PAPATALO SA'YO. TANDAAN MO YAN! AND WAIT, MAHUHULOG SA'YO? HUH. YUCK LANG! AS IN YUCK! NEVER! Lumapit ako sakanya at pumunta sa harapan niya. Obvious naman na nagtataka siya kung bakit. Bigla kong pinatong ang mga kamay ko sa mga balikat niya, at saka inayos yung collar niya ng madiin.  Tinignan naman niya ako ng what-are-you-doing-look habang nakataas yung kilay niya. Tapos, hinaplos ko yung pisngi niya na mas halatang ikinagulat niya. Yuck lang! Pero syempre, kasama kasi acting ko yon 'no. Momentum ko' to! Then I gave him my BITCHY AND SARCASTIC SMILE. "ASA." sabi ko sabay irap at talikod sakanya. Jerk. ******* To be continued...   ThisIsRajuma July, 2012.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD