Winner! Loser!
Chapter 1
Kyle’s POV
Kadiliman, yan lang ang mahihibing sa paligid na nakikita ko sa mga oras na ito. Hindi ko alam bakit ako’y tumatakbo at takot. Takbo ako ng takbo hanggang sa nakakita ako na sinag ng araw, tumakbo ako sa direksyon kung saan naggagaling yung sinag na nakikita ko. Habang tumatakbo ako yung sinag ng araw ay papalapit ng papalapit sa akin. Noong nakarating na ako don sa sinag ng araw na sinusundan ko, bigla na lang pumuti yung kapaligirin, hindi tulad ng dati na kadiliman lang ang nakikita ko.
Pinaikot ko yung mga tingin ko, tanging puti lang nakikita ko. Dahil dito medyo kumalma yung sarili ko sa takot na nararamdaman ko kanina habang ako’y tumatakbo.
Maya-maya nakaramdam ako na medyo mainit yung tiyan at nababasa rin ito. Kaya napatingin ako sa tiyan ko at nagulat ako sa nakita ko, merong kutsilyo na nakatusok sa tiyan ko. Dahil sa na kita ko nakaramdam ako ulit ng takot at napasigaw ako.
“TULONG! TULONGAN NIYO AKO!”
“TULONG!”
Nagising ako sa masamang panaginip, ako’y pawis na pawis at hinahabol yung hininga ko.
Umupo ako sa aking higaan para makalma ko yung sarili ko na kasalukoyang natatakot dahil sa panaginip na nakita ko.
“anong klaseng panaginip yun parang totoo, buti panaginip lang yun”
Tinungo ng mata ko yung bintana at nakita ko medyo madilim pa yun kalangitan. Kaya kinuwa ko yung phone ko para makita kung anong oras na.
Pagkabukas ko nang phone ko nakita ko yung oras. Maaga talaga ako nagising 4:45 pa lang ng umaga. Nakita ko rin sa phone ako na may message ako galing sa mamo ko, kaya binasa ko.
“Kyle anak, mga 9 ako babyahe papunta diyan para makarating ako oras na ng tanghalian para sabay na tayo kakain nina lolo at lola mo.”
“ok mamo, have a safe trip.” reply ko sa text ng mamo ko.
Tumayo na ako sa aking higaan at tumungo sa cabinet ko at kumuwa ng damit pang exercise. Plano ko kasing magjogging baka ito na siguro yung huling jogging ko dito kasi lilipat na ako kina mamo sa manila. Noong natapos na ako magbihis, dumiretso agad ako papuntang CR para mag hilamus at magtooth brush, pagkatapos lumabas na ako ng kwarto ko at bumaba.
Pagkababa ko kita ko agad si lola na kakalabas rin sa kwarto nila ni lolo.
“oh apo gising kana pala.”
ngumiti ako at tumango ako bilang sagot sa sinabi niya.
Lumapit ako at nagmano sa lola ko. “ good morning lola ganda.”
“good morning din sa gwapo kong apo.”
“Labas mona ako lola, exercise lng ako”
“ok apo mag-ingat ka medyo madilim pa naman.”
“ok lola.”
Mabilis akong lumabas ng bahay at nagsimulang magjogging. Habang ako ay nagjojogging dinaanan ko yung cafe na paborito kong puntahan, yung park na parating pinupuntahan namin ng mamo ako noong maliit pa ako.
Tapos na akong magjogging at narito ako sa school napinapasokan. Kahit na wala akong kaibigan sa school na ito, mamimiss ko pa rin to dahil dito ko nalaman ang mga bagay na dapat kong malaman bilang isang mag-aaral.
Napagpasyahan ko na bumalik na sa bahay. Pagpasok ko ng bahay nakita ko sa kusina si lola ganda na nagluluto para sa almusal namin. Habang nagluluto si lola napatingin siya sa direksyon ko.
“apo tapos kana pala mag jogging. Pasok kana sa kwarto mo para magbihis.”
Tumango na lang ako bilang sagot.
Pumunta na ako sa kwarto ko at pumasok sa CR para magligo. pagkatapos kong magligo, nagbihis at lumabas na ako ng kwarta, dumiritso agad ako sa kusina. Nakita ko ang lola ganda ko na naghahanda ng almusal namin sa hapagkainan.
“bango naman yan lola sigurodo akong masarap yan”
“binobola mo naman ako apo, hotdog lang naman yan at sinangag.”
“ano yung hotdog at sinangag lang yan. Ikaw kaya yung nagluto niyan, Im sure masarap talaga yan.”
Napatawa na lang si lola ganda sa sinabi ko “tama na ngayang bola na yan, gisingin mo na ang lolo gwapo mo.”
“yes ma’am” sabay salute.
Naglakad ako patango sa kwarti nina lolo at lola. Pagkabukas ko ng pinto, nakita ko na gising na pala si lolo gwapo at nagbabasa ng libro sa higaan.
“oh lolo gwapo gising kana pala.”
“oo apo kanina pa.”
“tara na lolo. Handa na yung almusal. Tawag kana ni lola.”
Tumungo na lang si lolo at bumangon sa kanyang higaan. Lumapit si lolo sakin at sabay kaming lumabas patungong kusina nang nakaakbay sa isa’t-isa. Nong nakarating na kami sa kusina, lumapit agad si lolo gwapo kay lola ganda at hinalikan ang pisngi nito.
“good morning my loves.” sabi ni lolo gwapo.
“good morning din my loves.”
“ang aga-aga ang sweet-sweet niyo naman. Pasintabi naman kayo sa walang lovelife dito.” Sabi ko.
“sa gwapo mo yan apo wala kapang girlfriend.” Sabi ni lolo sabay tawa.
Natawa na lang din kami sa sinabi ni lolo.
“tama na yan, umupo na kayo para makakain na tayo.” Sabi ni lola ganda.
Kaya umupo na kaming tatlo at nagsimulang kumain.
“apo anong oras pupunta yung mamo mo dito?” tanong ni lola ganda habang kumukuwa ng pagkain sa hapag.
“mga lunchtime lola, sabi niya kasi sakin sasabay na lang daw siya dito kumain.”
“buti sinabi mo apo para medyo damihan ko mamaya yung lulutoin ko.”
Napatingin ako sa mga pagkain na nakahain sa lamesa pero hindi ko makita yung gusto kong kainin.
“lola may nakalimutan ka ilagay sa hapag.” Sabi ko habang nakapout
“ay sorry nakalimutan ko.” Dali-daling tumayo si lola, may kinuwang siyang plato at nilapag sa lamesa.
“ito apo yung kamatis mo.”
“thanks lola ganda.”
Kumuwa ako ng maraming kamatis at nilagay sa plato ko at nag simula na akong kumain. Hindi talaga kompleto yung araw ko kapag hindi ako makakain ng kamatis. Kahit anong pagkain ibigay niyo sakin, hindi ko talaga papalit yung mga kamatis.
Natapos na akong kumain pumasok agad ako sa kwarto ko at nagsimulang magbalot ng gamit na dadalhin ko pa manila. Habang nagbabalot ako ng gamit biglang tumunog ang phone ko. Nong ni check ko si mamo pala yung tumatawag.
“hello mamo.”
“hi anak byabyahe na ako papunta diyan, nabalot mo na ba yung mga gamit na dadalhin mo dito sa manila?”
“malapit na mamo. Siguro kapag nakarating kana rito tapos na ako.”
“ok anak. Check mo na mabuti yung mga dadalhin mo rito para hindi na tayo magbalik-balik diyan kina lola at lolo mo.”
“ok, Bye na mamo para matapos na ako rito.”
“ok anak bye”
Binaba ko na ang tawag at pinatong yung phone ko sa side table. Sinimulan ko ulit yung pagbabalot ng mga gamit ko. Noong natapos na ako binaba ko na yung gamit na binalot ko, humiga ako sa sofa at nanood ng anime.
Ang bilis ng oras maya-maya ay tanghalian na at nag simula na ulit mag luto si lola. Si lolo naman nasa harap ko, nakaupo at nag babasa ng news paper.
Maya-maya nag ring yung door bell.
“apo buksan mo yung pinto baka si mamo mo na yan.” Sabi ni lolo.
Tumango ako kay lolo at nagtungo sa pintuan. Pagkabukas ko mukha agad ng aking mamo yung nakita ko.
“Kyle anak. Miss na miss ka ni mamo mo.” Sabi ni mamo sabay hug sakin.
“miss you too mamo.” Sagot ko at ni hug ko rin si mamo.
“pasok na tayo anak.”
Nakarating na kami sa sala ni mamo,bigla itong sumigaw. “ MOMMY! DADDY! I MISS YOU SO MUCH!”
Dahil sa sigaw ni mamo na gulat si lola at lolo.
“kylie ano yung sinisigaw mo. Natakot mo ako dun ah. Muntik ko nang mabuhusan ng maraming asin yung niluluto ko.” Sabi ni lola.
Lumapit si moma kay lola ganda at nag kiss sa pisngi nito. “sorry mommy sobra ko kasi kayong na miss lahat.” Sabi ni mamo.
“si mommy mo lang may kiss? Pano ako kylie?” sabi ni lolo.
“makakalimutan ko pa ba yung pinakagwapo kong tatay.”sabi ni mamo.
Lumapit si mamo kay lolo gwapo at nag kiss rin sa pisnge nito.
“mommy ano po yung niluluto niyo?” tanong ni mamo kay lola ganda.
“sinigang anak. Speaking of luto nakalimutan ko may niluluto pala ako.” Sabi ni lola ganda at nagmadaling pumasok sa kusina.
“anak handa kana ba?”tanong ni mamo sakin.
“yes mamo. Kita mo yun yan yung mga gamit na dadalhin ko sa manila.”
“sure ka wala ka nang manakalimutan?”
“100% sure mamo.”
“pasok mo na yan sa kotse gamit mo para pagkatapos ng tanghalin babyahe agad tayo pa manila.” Sabi ni mamo sabay bigay ng susi ng kotse niya.
“ok po ma’am” sabi ko sabay salute at nagsimulang kinuwa ang mga gamit nadadalhin ko pamanila.