
Kyle Marquez ay isang tahimik na binata. Lumaki itong walang kaibigan at walang paki sa paligid nito, kahit na nag iisa lang siya, ang gusto niya lang ay tahimik at mapayapa. Siya ay may mapayapang buhay roon sa Bulacan hanggang lumikas sila ng kanyang ina sa manila, ang mapayapang buhay ni Kyle biglang niyanig ng dahil sa basagulirong binata na si Ariel.
Si Ariel Montero, kilalang siga sa paaralan na kanyang pinapasukan at maraming kaaway sa loob at labas ng paaralan. Kahit na mahilig makipag basag ng ulo itong si ariel, hindi naman ito naghahanap ng gulo kung hindi ang gulo mismo ang lumalapit sa kanya. Lalong gumulo yung buhay ni Ariel noong nakilala niya ang bagong kaklase na si Kyle.
Sa bagong kabanata sa buhay ng dalawang binata, magiging tahimik parin kaya ang buhay ni Kyle tulad ng nakasanayan niya o mas lalong gugulo yung buhay ni Ariel. Subaybayin natin ang buhay ng dalawang binata.

