CHAPTER 1

2724 Words
Naglalakad ako habang patalon-talon at hawak-hawak ang bag mula sa likod ko papuntang school nang matanaw ko si Nathan na naglalakad nang mabagal na parang pagong sa harap kong nakatalikod saakin. 'Gusto ko sanang mangamusta or hi man lang kaso... huwag na, next time na lang masyadong nakakahiya. May next time pa naman ako diba?' yung tipong mag-hehello ka pero sa isip-isip nya ganito 'feeling close, beh?' wala lang advance lang ako mag isip... introduce ko muna sya syempre sa inyo!!... Siya si Nathaniel a.k.a Nathan kapatid ng bestfriend ko na si Shiryenne or shie for short. popular si nathan in school dahil sa lahat ng meroon sya. tulad ng matataas nyang grado, like i mean really high grades. wala kang makikitang mababang grade sa kanya simula ng nursery sya, well bihira lang ang makapasa dito sa school namin dahil sa hirap ng mga test namin. And last na well na talaga to.. well ewan ko lang kung sya nga ba ay ubod ng katalinuhan o sadyang ako lang talaga yung ubod ng k^tangahan. Agree ba kayo sakin..? Second thing naman sa kanya ay ang kagwapuhan nya at dahil dun ay unang kita palang sa kanya ng mga babae ay ma-lolove at first sight ka talaga dahil dyan sa mukha nya at kasama na ako dun sa nabihag nya, may pagka-cute din syempre. May pagkastuborn at pagka-pride nga lang, medyo nakaka-init ng ulo at nakakainis minsan. "Good morning Irielle.." anak ng tilapia ka! Napatalon nalang ako bigla sa gulat dahil bigla nalang siyang nagsalitang nakatingin sa direction ko. "good morning, n-nathaniel" utal pa nga ako. Agad akong napahawak sa buhok ko sabay takip ng mukha ko.. Nakakahiya hindi pa naman ako nag aayos ng buhok, dahil deretcho labas na ako ng bahay ko.. Sumabay na ako sa kanya lumakad pagtapos niya ako makita kanina, dahil mas nakakahiya naman Kung para akong stalker na sumusunod Lang sa kanya sa likod nya, pero syempre inayos ko muna yung buhok ko bago ko sya lapitan, astig diba!!. ... Habang naglalakad Kami papunta sa school, ay gusto ko Sana siyang tanungin at kamustahin sa pagpunta nila sa ibang bansa ni shie sa pamilya nya, para hindi masyadong awkward sa paglalakad, tahimik kasi eh. Lumingon ako agad para simulan ang pakikipag-usap ko sa kanya kaso nga lang "Natha-" nasaan na sya..? Lumingon lingon ako sa Ngiii Nasa harap na Pala Kami Ng school ni nathan or ako Lang dahil iniwan nya ako bigla T_T... ... "Hayyy!!! natapos din sa wakas" sabi ko habang nagiinat at palabas na nang pintuan ng classroom namin. Habang naglalakad ako papunta sa locker ko ay may biglang nagtakip ng mata ko mula sa likod ko at sumigaw sa tenga ko. "HI IRIELLE!! " sakit sa tenga, nabasag ata eardrums ko. Siya si Shiryenne, my friend and my enemy sa pagkain. Close kaming dalawa kaso nga lang magkaiba kami lagi ng classroom dahil sa schedule kaya hindi kami nakakapagkita ng ganun katagal, ang sad nga lang. "Shiee, hindi mo naman kailangan sumigaw sa tenga ko" kinukuskos ko ang tenga ko dahil sa sakit. grabe ang sakit sakit talaga ng ginawa nya sakin. "sorry, Irielle.." "Sorry mo mukha mo!" "sorry na nga!! pero...Irielle free ka ba hanggang Sunday?" Bulong ni shie ng huling, out of the planet (out of the blue) 'g^go, san ka galing?' "Syempre ....hindi pwede, de jok lang .... bakit?" oo nga pala, nasaan ng pala si nathan, kanina ko pa sya hinahanap eh. I mean hindi ko pa sya nakikita simula nung dumating kami dito sa school, kasi hindi kami parehas ng subjects so.... curious lang me... "Wala kasi akong kasama sa bahay at saka medyo boring pag walang kasama" sabi nya habang nakacross yung mga braso nya. "Aalis kuya mo?" tanong ko sa kanya. "Si kuya Nathan?" sarkastiko nyang tanong. "Oo, sino pa ba?" sarkastiko ko ring sagot. "Pfft.." bigla syang umirap. 'irap yan, gurl?' "So ang gagawin ay gigising tayo ng maaga tapos magbibihis ng uniform then kain tapos punta muna tayo sa bakery then diretso school, or if you want mauna ka na" interpretation ko na parang ako ang responsableng nanay nya at si Nathan yung- umm jok lang .. erase, erase, erase yun. ... Pag katapos nang agreement namin ni Shie ay Palabas na sana kami ng school nang may tumigil sa harap namin na kotse. wait a minute Kaping mainit.. kay Nathaniel itong kotse diba? Agad ako tumingin kay shie na nakatingin na pala saakin kaya matanda ang tinginan namin habang malaki ang ngiti. "nagpasabay na ako kay kuya bago sya umalis " naka ngiti nyang sambit saakin. "Uhh okay. so.. maglalakad nalang ako, umm.. exercise .. mag eexercise! nalang muna ako" pekeng nakangiti kong sinabi. allergic kasi ako sa air refreshiner ni Nathan na ginagamit nyang cherry kaya hindi ako pwede o ayaw ko lang talaga. Lalagpasan ko sana sila pero bigla akong hinila ni shie. "huwag ka magalala beshie!!!! pinalitan na niya yung air refreshiner, sinabi ko kasi na allergic ka sa cherry kaya pinalitan nya ng lavender, pasok na tayo." lavender? Parang familiar iyon saakin ahh, pero wait lang bakit nya pinalitan, bakit nya pinalitan!!?? Crush nya kaya ako?. Tsk.. huwag kang ambisyosa Irielle.. Atsaka.. Nag-aaral ba si shie mag commercial bakit parang tunog commercial yung sinabi nya? May peace be with you tayo, shie. ... Habang nagdadrive si nathan ay daldalan ang ginagawa namin ni shie tungkol dun sa kung anong ginawa nila sa paris at kung ano ang nakita nila doon. pagtapos namin pag usapan yun ay may itatanong sana ako nang magsalita si Nathaniel. 'panira ka, pre..' "We are here.." sinabi ni Nathan habang walang emotion. 'Edi we are here pero Mukha syang cute kapag ganito, kaya pagbibigyan kita ngayon..weird nga lang' ayy! huwag muna yan!!, bawal crush... magagalit sila lola at lolo. 'mukhang ewan toh...' sabi ko sa isip habang pinapalo yung-ulo ko at ginawa ang dalagang Pilipina pose. Pagbaba namin ng kotse ay nagpasalamat kami kay nathan. "Thanks!!" sabi ni shie but he just nodded in response "bye, Nathaniel." sabi ko , but then a sudden miracle he smiled. I can't really tell and see it clearly but I'm really sure he smiled or ako lang itong assumera!!!!. I mean sure but not really sure parang ganun, well technically it's a miracle kasi sabi ng mga classmates nya ay never siyang nag smile pero ewan ko lang chismis lang ata yun, pero siguro tanungin ko nalang si shie, nakita nya siguro iyon- "shie?" ay iniwan din ako, siguro dahil sa dami ng sinabi ko. magkapatid nga talaga silang dalawa ni nathan. hayst..maka-pasok na nga lang. Pagpasok ko ng kwarto nya ay may biglang sumanggi sa isipan ko. "AY" napasapo ako ng ulo ko dahil nakalimutan ko ang mga damit ko sa kotse, at ngayon ko lang naalala!!. bwisit naman eh!! kasalanan to ng ngiti nya eh!!! Ane beh keshie!!!?? "Shie may kukunin lang ako-" palabas na sana ako ng may humila sa kamay ko. Nakakarami na nang hila si shie kada isang linggo ha! grabe ano ba sya panda?! ay mali, monkey pala kasi nanghihila sila ng buhok. kaparehas ni shie yun pero iba nga lang ang hinihila.. pero PAREHAS PARIN SILA AND NO ONE CAN CHANGE MY MIND!!! 'edi no one!!' "Huwag ka mag-inarte dyan!! May mga damit na ako na kasya sayo!!!" sabi nya at tumayo. tigilan mo na yang pagiging commercial mo! "eh paano yung-!!" "basta.. akong bahala sayo!" kumindat sya saakin at ngumiti. kaya siguro marami syang manliligaw, simpleng ngiti at kindat nya lang sapat na para mainlove sa kanya ang isang lalaki. "Pero matagal nang panahon iyon nang maki-hiram ako sa inyo.." "kuha kalang dun sa dressing room ko kung ano yung kasya" grabe hindi ako pinapansin!! Pagpunta ko sa dressing room nya ay medyo mangiyak-ngiyak ako dahil sa mga damit na sinukat ko na hindi parin kasya saakin. halos inabot ako ng ilang oras mahigit. Pagkatapos ng isang daang millionng taon ay nahanap ko rin ang damit na kasya saakin, showing skin nga lang. wala akong mahanap eh puro maiikli ang damit ni shie, at halos wala nga siyang May mangas na damit eh, puro sleeveless. Pag labas ko ng dressing room habang itinutuyo ang buhok ng towel ko ay tulog na shiryenne ang nakita ko.... lagi siyang ganito, natutulog ng maaga tapos kapag hating gabi na gustong-gusto magpuyat at idadamay ako lagi. kaya ayaw ko syang natutulog ng ganitong oras kapag kasama nya ako ehh!!. Lumabas ako ng kwarto ni shie at pumunta sa balcony nya para magpahangin. wala kasi akong magawa. habang nasa labas ako nagpapahangin at nag-eemote ay may narinig ako na merong nagbubukas ng front door sa baba. well syempre danger agad ang nasa isip ko dahil kaming dalawa lang ni shie ang nandito at higit sa lahat, babae kami!!! bumaba ako at pumunta sa kusina para kumuha ng kawali pang depensa, at pumunta na ako sa likod ng pinto at inaabangan yung magbubukas. at pagbukas ng pagkabukas nya ay nagulat ako dahil si.. NATHANIEL!! Ang Nakita ko kaya bigla akong napatalon. "why are you here? at bakit ka may hawak ka nyan?" turo nya sa kawali na nasa kamay ko pero bigla siyang umiba ng tingin, na parang nailang ang mukha nya. "Ahmm.. akala ko kasi magnanakaw or masamang tao ka?" mahinang sabi ko habang kinakamot ko ang ulo ko sa hiya. "hm.." salamat at hindi kana nagsalita pa, dahil kung magsasalita ka pa mas lalo akonv mapapahiya sa sarili ko. ayaw nya tumingin saakin habang hawak nya ang phone nya na parang May iniiwasan sya .. pero pagkatapos ng ilang minuto, Bigla ko na lang tinakpan yung dibdib ko kasi bigla kong naalala na naka-croptop lang ako at walang b*a , hayyyyy lagot kang h^yop ka!!! ngayon ko lang napansin kaya pala!!! Ahhhh IRIELLE lagi nalang makakalimutin tumatanda ka na talaga!! "goodthing you noticed it sooner..." sabi nya habang hinihilot ang sentido pero hindi parin tumitingin saakin, but this time itinaas nya ang ulo nya at tumingin saakin at nilapit ang ulo nya saakin pero pilit kong nilalayo ang mukha ko. "change your clothes, please" sabi nya na parang dinidisiplina ako. para ka nanamang mas matanda ehhh isang taon lang naman ang layo ng age mo saakin, pero dahil para sa ikabubuti ko naman ito ay susundin ko nalang at hindi ito dahil gusto kitang sundin pero paano ako makakaanap ng kasya saakin!! "o-okay"sabi ko at saka sya umalis. pagkaalis nya ay umakyat ako papunta sa kwarto ni shie pagbukas ko ay bigla akong napatalon ulit dahil nandoon si shie nakatayo sa harap ko habang nakacross yung arms nya. "ano yung pinagusapan nyo??ms. binibini hmm???" inemphasize nya pa yung 'binibini' panginis. 'Ms na nga binibini pa' "pangmatanda yung pinaguusapan namin bata ka pa huwag muna.." tinapik-tapik ko ang ulo nya pero hindi namin siya maliit katamtaman lang... Ayoko rin sabihin sa kanya yun dahil masyadong nakakahiya kahit kaibigan ko sya. "Tsk..porket ilang months older ka saakin bata na agad, grabe naman" sabi nya habang nakahawak sa dibdib nya na parang nasaktan. wala namang dibdib. "well underage kapa ehh dapat mga 18 kana dapat ganun.." "Sus..hindi ba 17 ka lang tulad ko..?" tanong ni shie. "well 17 nga ako pero kuya mo malapit na mag eighteen and therefore i conclude na 18 na yung pinaguusapan namin, gets mo?" "Correction lang missy, diba sabi nyo mageeighteen palang?" "Malapit na birthday nya diba?" sabi ko para protektahan ang sari kong matalo. "Hindi pa sya eighteen.." sabi nya sa seryosong paraan kaya napatigil ako. "......." mautak si "sige !!Ikaww na panalo!! Happy ka na? hmmp?" naka crossed arms ako habang sinasabi yun. "Sige salamat!! pero maiba ang usapan.." pagiiba ng emotion nya. bigla nya akong inakbayan at kinindatan ako, at alam ko na ibig sabihin nito.. "pag-kain?" nanaman??. lagi nalang sya gutom. kakakain lang namin kanina ehh gutom ulit. "oo, ang galing mo talaga kaya besprend kita eh !!!" ngumiti sya saakin at binatukan ako. PARA SAAN YUNG PAMBABATOK MO SAAKIN!!! "Sorry Irielle" Ngumiti sya at nag-peace sign sakin. "LECHE" "FLAN" sigaw nya pabalik. "Halika na nga, palamigin natin ulo mo" hinila nya ang kamay ko pero hinila ko yung kamay nya pabalik. "S-sandali lang, mamaya na ako k-kakain a-ano kasi.. U-uhh busog.... Busog...... busog pa ako!!" utal pa, utal. ayoko muna bumaba kasi ayoko muna makita si Nathan bwiset talaga yun eh, panira ng trip sa buhay. "okay ikaw bahala ha? kasabay mo si kuya nathan mamaya." sabi ni shie na parang nang iinis, okay lang hindi naman ako kakain mamaya. Busog na ako. "oo na" Pagkalabas nya ay humiga ako at nag social media ng konti atsaka pumikit . malapit na sana akong makatulog nang may kumatok sa pinto. "Anong!-" p^tsa!! nagulat ako, kumatok nga wrong timing naman. "Irielle?" si nathaniel pala. anong nanaman kailangan nito mokong na to, hindi porket gusto kita mabait na ako sayo ha!! hindi ako marupok. "Pasok" inayos ko ang buhok ko na magulo. Anong nanaman kailangan mo saakin? naalala ko yung damit ko kaya pa-simple kong tinakluban ang dibdib ko ng kumot. "here" sabi nya habang may biglang may hinagis syang damit saakin at biglang nasapul sa mukha ko, bakit damit ang hinagis mo?!. "aww yung mukha ko" bulong ko sa sarili ko At medyo masakit ang pagkahagis nya dahil.... Ewan ko. ang lakas kasi ng pagkakahagis nya, medyo sensitive ata yung mukha ko these pass few days. "Sorry" bigla nalang siya lumabas. 'Narinig nya ako? Ay hindi, malakas lang talaga ako magsalita para sa bulong' sa isip isip ko Tinignan ko yung damit na iyon at pagkakita ko ng damit na iyon ay isa sa mga damit na dadalin ko sana dito pero naiwan sa kotse!!! Wala naman dapat akong ipagalala dahil buti nalang ay hindi ko ito naiwan sa isa sa mga kotse ng mga taxi, kaso ng lang nagaalala ako dun sa kung anong laman ng mga bag ko dahil may mga undergarments ako dun, siguro kaya nya hinagis saakin ang damit para bigyan ako ng sign na magpalit na ako at nandyan na ang mga gamit ko. naglagay kaagad ako ng b*a at bumaba ng hagdan dahil nagugutom ako at yung sinabi ko kanina ? Nakoh pohh!! kinakain ko na ngayon, well ambisyosa kasi ako at maarte na kung sumabay nalang sana ako kay shie ay hindi mangyayari ang ganito, nagtataka din ako kung bakit hindi pa si shie umaakyat cause well curious ang ate mo. and syempre kailangan ko tanungin si nathan kung saan nya nilagay yung bag ko. Nung pababa na ako sa huli kong hakbang ay tumigil ako dahil narinig ko si shie at si nathan na nagaaway, kaya medyo lumapit ako para marinig ng maayos. 'Chismosa ka talaga Irielle..' "Hindi mo sya dadalhin don!" narinig ko na tanong ni shie na parang nagagalit or natatakot na ewan, basta!!! "Wala ka nang pakialam doon.." Tonong galit na sinabi ni nathan, pero kahit medyo may hint of anger ay hindi nya masyadong pinapakita. Siguro kung ako yan nag lupasay na ako sa lapag habang umiiyak dahil may galit sa puso ko. "kuya Nathan, please dont mapapahamak lang kayong dalawa" bakit, at sino? "Pinapalayo mo ba ako sa kanya.." this time iba na talaga ang tono ng boses nya, medyo nakakatakot. sino ba kasi.. Hindi ko pa sya nakitang magalit, at katulad ng sinabi nila nakakatakot sya pag nagalit nageerrupt na parang bulkan. "H-hindi.." sagot ni Shie... Pero alam ko na hindi talaga 'hindi' ang sagot ni shie kundi oo ,pero sino ang nilalayo nya. ang nagawa ko nalang ay ang umakyat pabalik sa taas ng hindi maingay para hindi nila ako mahalata, ayaw ko kasi mapahiya pag nalaman nila na chismosa ako. Nakahiga ako at iniisip parin kung ano ang ibig sabihin ni Shie at ni nathan... 'Masyado kasi maliit ang utak ko baka ganun..' Habang nagmumunimuni ako ay may nagbukas ng pinto "Irielle? Bakit hindi ka kumain?" tanong ni shie at umupo sa kama ko at ang tono nya ay parang nagaalala.. "hindi ako ...masyadong gutom" hindi ako makaget-over kanina, ano ba kasi iyon.. "Okay" habang papalapit saakin si shie ay may binulong sya sa sarili nya pero hindi ko sya masyadong narinig, gusto ko sana syang tanungin kaso malapit na ako mapunta sa dreamland ko kasama ang crush ko 'char' at baka masira ang beauty rest ko kaya huwag nalang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD