Chapter 2

2311 Words
Pagkamulat ng pagkamulat ng mga mata ko ay una kong nilingon ang higaan ni shie para makita kung nanduon siya kaso tanging unan at kumot lang ang nandoon hanggang sa may narinig ako na tubig sa shower at saka ko nalaman na nandoon si siya. Nagulat din ako dahil ang aga-aga nya gumising ngayon, Samantalang dati-rati naman ay lagi lagi siyang dumadating sa school ng 1 minute before class starts or mga 30 second, ganun pero basta lagi syang late. 'inaantok pa ako, mamaya na..' pagtingin ko ng orasan sa phone ko. iidlip na sana ako nang marinig ko ang paglabas nya sa kubeta nya ay sumigaw sya ng malakas... nagmamadali sya magbihis at mukang natataranta, at ako naman dito mukang tangang nakatitig lang sa kanya at pinoprosseso ang sinabi nya sa utak ko. Hindi pa gising ang diwa ko shie, huwag mo kong bwisitin! Baka ibalibag kita kahit kaibigan kita!! "Anong late ka diyan" kinusot-kusot ko ang mga mata ko at sumagot ng inaantok pang boses.. "TIGNAN MO PHONE MO!!!" sigaw nya saakin habang tinuturo ang phone ko na nasa tabi. "BALIW KA BA SHIE!!!!!! HINDI KA BA MARUNONG TUMINGIN NG ORAS!!! TALAGA BANG MAGKAEDAD TAYO NG GANYAN!!! BWIS^T KA SINIRA MO BEAUTY SLEEP KO!! " bigla kong hinagis ang mga unan sa kanya at nag-tira ng tamang rami ng unan para saakin. "IRIELLE NAMAN EHHH!!! SABI MO PINALITAN MO NA YUNG ORAS NG PHONE MO" "Aba!! Malay ko ba na hindi ka parin marunong magbasa ng orasan ng relo o tinatamad ka lang talaga, Pwede karin lang naman din tumingin sa bintana para makita mo kung maliwanag na!!!" ewan ko ba kung hindi ba sya marunong o sadyang tinatamad lang talaga sya. Antagal-tagal na naming magkaibigan kaya parang hindi na ko nasanay. "Marunong talaga ako tumingin ng orass tinatamad lang talaga ako, tama ang sinabi mo tinatamad ako, pero dahil gising na rin lang ako ay bakit hindi narin lang kita gisingin" pagkamot nya sa ulo nya. bigla nalang nya hinila ang paa ko pababa sa kama, kaya bago pa ako mahulog sa kama ay tinanggal ko ang paa ko sa pagkakahawak nya at tumayo na ako agad at pumunta sa kubeta. Habang payapa akong nagsasabon ay bigla-bigla nalang sumakit ang puson ko at pagkakita ko naman nito ay nakita ko agad ang dugo. 'meron na ako, kaya pala..' hindi ako nagambala at itinuloy lang ang pagsasabon naman sa buhok ko hanggang sa maramdaman ang sakit sa puson ko. lagot, bigla kong naalala na malala ang sakit kapag first day ko, hindi ito maganda... lagot na talaga. naalala ko rin tuloy na kaya pala sensitive ang katawan ko this pass few days ay dahil kasi malapit na ako datnan. napasapo nalang ako at nagpakuha ng napkin kay shie. pinasuot nya din saakin ang uniform nya at pagkalabas ko ng banyo, medyo masikip nga lang kaya nagtanong ako kung meron pang mas malaking uniporme "Shie, meron ka bang mas malaki dito?" tanong ko sa kanya habang tinitignan ko ang uniporme ko sa salamin. "Wala ate ehh, iyan na ang pinaka malaki na uniform ko, wala naman kasi akong magagawa sa boobs mo eh. Kasalanan ko yan..?" pag-e-emote nya nanaman sa boobs nya. Maliit man ang katawan ni shie ay maganda naman sya kaya karamihan sa mga kaklase naming lalaki ay naliligaw sa kanya pero masyadong overprotective kuya nya kaya ata sya walang boyfriend, hahaaha. "Alam mo, maging thankful ka nalang na may boobs ka" "Hayy, kahit na. malaki naman ang boobs mo kaya pwede ka naman ata magbigay kahit... ..konti!!" Pag-eemote nya sa harap ko habang hawak-hawak ang ang dibdib nya. Well minsan din lagi nyang hinahawakan boobs ko or sa kanya at sinasabing sana ganito rin daw boobs nya at parang hindi na ako nasanay... ... Pagkababa namin ay nakita ko si Nathan na nakauniporme na rin at napansin ko may mga nakahaing mga pagkain . "h-halikana-" hinila nya ako para umalis na palabas ng bahay pero- "come and join me for breakfast, marami ang pagkain kaya hindi ko ito kaya ubusin ng mag-isa..." sabi ni Nathaniel. Tumingin ako kay shie pero naktingin lang sya ng derecho sa mga mata ni nathan pero ilang segundo lamang ay hinila nya na ako papunta sa table para umupo. Malaki ang table at maraming nakahain na masasarap pagkain don kaya hindi ko rin matiis na hindi tikman yun. Nasa gitna namin si shie at kaharap ko naman si nathan pero hindi pa sya tumitingala para mag salita at kain lang ng kain katulad ni shie. Habang kumakain ay napansin ko rin ang masamang tension sa dalawang magkapatid, hindi man lang kasi sila bumati sa isat isa or kahit si Shie man lang, sanay kasi ako na bumabati sila sa isa't isa. Gusto ko sanang magsalita para sirain yung masamang hangin na iyon dito sa hapagkainan pero siguro ay mas gugustohin ko na huwag nalang muna, dahil kung paano magalit si nathan kahapon, medyo nakakatakot. Pagkatapos namin kumain or ako lang ata ay dali-dali syang tumayo at hinila ang kamay ko palabas ng mansion nila, sumunod naman posi nathan palabas. "Hindi ka ba sasabay sa kuya mo shie?" sabi ng matandang babae nang naka crossed arms. madalang ko ata siya makita dito, ah? Kaya siguro hindi ko sya masyadong kilala or medyo hindi pamilyar saakin. "A-ah, h-hindi na po, may p-pupuntahan pa po kami. D-diba Irielle?" "Oo?" naguguluhan ako sa mga pinagsasasabi nito ni shie kaya sumagot nalang ako nang Oo kahit na parang tanong din ang sinagot ko. Good move ba yon? siguro naman hindi yun na malayan ng matandang babae at si nathan diba? hayst.. bahala na nga ang mga bituin, kahit na wala namang mga bituin sa umaga. "H-halika na Irielle!" hinihila nya ako papalayo dun na parang takot na bata na ayaw maabutan ng magulang. anong nagyayari dito? Nakapatay ba sya ng tao tapos ayaw nya mahuli ng pulis sa nagawa nyang crimen. "Shie!!" tumigil kami pareho sa pagtakbo at ngayon naman ay liningon nya ako para kausapin ako ng maayos. "Y-yeah?" utal ka pa bruha ka..... baka nagdrugs or much worst BUNTIS SYA???!!! SINO TATAY??!!! PAG INIWAN SYA NON PUPUTULAN KO TALAGA YUN!!!! "s-shie ..... BUNTIS KA BA?!!!!! O NAGDUDRUGS KA?!!!" "H-ha?, i-irielle nasa harap tayo ng s-school.. H-hinaan mo yang b-boses mo" tinakpan nya yung bibig ko para manahimik ako. ||Shiryenne's point of view|| "Shie!!" tumigil ako sa pagtakbo, at liningon sya. "Y-yeah?" may alam na sya??!!! Omayghad. "S-Shie ..... BUNTIS KA BA?!!!!! O NAGDUDRUGS KA?!!!" 'WHAT THE...!!! NASA HARAP TAYO NG SCHOOL AND MUCH WORSE AY BAKA MAY MAKARINIG NA TEACHER SAATIN!!!' "H-ha?, i-irielle nasa harap tayo ng s-school.. H-hinaan mo yang b-boses mo" tinakpan ko yung bibig nya para manahimik kahit konti, pero hindi parin siya tumigil. "So ano nga!!!!!????" malakas parin boses mo Irielle mayghad naman Irina Giselle!! "A-ano..Mamaya naaa!!" tumakbo ako papasok sa school namin at hindi na hinintay ang sagot nya. Masyado na akong maraming iniisip Irielle, pasensya na sa inaasta ko. masyado atang na-late ang plano ko at naunahan na ako... ____________________________________________________ Malapit na rin siguro mag-uwian no? Tumingin ako sa orasan pero kahit anong gawin kong pag-analize ay wala parin akong maintindihan kaya tumingin na lang ako sa phone ko. G*go.. ba't kasi hindi ako tinuruan sa orasan dito.. Pero pagkatingin ko nang oras... Malapi na pala ang uwian!!! Kailangan ko na itext si Irielle!! Habang tinetext ko si Irielle ay.. "Shiryenne!!!" Tumayo ako bigla at tumingin sa paligid ko kung may nakarinig, But well as expected lahat sila naka tingin saakin. T^nga nga naman. "What do you think you're doing in my class?" Malamang nagtetext, May mga mata ka ba? Ma'am. "I u-uhh m-miss I'm s-sorry" "Your phone will be confiscated until the end of the class and after class DETENTION!!!" P*tcha! Lagot ka shiryenne!! Nagtanong ako ng oras sa kaklase ko kung anong oras na.. Pero P*tcha talaga, p*tchaa!! Nag-extend si Ms. lara!!! Edi mas lalong tatagal dentention ko!!!!!! Shutaaa!! Si Irielle!!! Paano si Irielle???!!! ||Irielle's point of view|| *c***k* *c***k* Nag-inat ako nang biglang tumunog ang mga buto ko sa likod, at dahil dun muntik na akong papasigaw sa sakit. Nabali ata yung buto ko sa likod, inat pa more. "Please bring these materials on next week Tuesday, thank you, Class dismissed..." pagpapa-alala ni ms. Annie bago sya lumabas ng classroom. YAYY!! Maaga kami dinismiss!!!!! Nag-ayos na ako ng mga gamit ko at lumabas ng classroom papunta sa locker ko. At pagbukas ko ng locker ko ay nag vibrate bigla ang phone ko at pagkatingin ko ng phone ko, nakita ko na nagtext si shie. '❤beshie❤' 'IRIELLE KAPAG EARLY DISMISSAL KA PUNTA KA NA SA BAHAY NAMIN TAPOS SA KWARTO KO, DUN KALANG HA! !! 'HUWAG KA NA GUMALA-GALA, KASI HINDI KANA BATA!!' 'THIS IS A COMMAND NOT A PAKIUSAP!!' Pagkabasa ko ng sentences na minessage nya ay Natawa ako dahil kada text nya ay May quote sya or May pauso syang ganito pero saan naman nya nakuha ito? Bagong pauso?, trend? or whatsoever? At Anyare kay shiryenne bakit naka caps lock siya?? nababaliw na si g^ga.. ay! Mali si bruha pala. Pagtapos ko basahin yung text nya ay inayos ko na ang mga gamit ko at ni-lock ang locker ko. Lalabas na sana ako ng campus ng may tumakbong lalaki punta sa direction ko. Bigla sya tumigil sa harapan kong hingal na hingal,at may inabot na jaket. Tinitigan ko yung jacket ng ilang segundo at huli na na realize kung kanino iyon. "Miss naiwan mo po kasi yan sa classroom nyo" hinihingal pa sya habang sinasabi yun, gaano ba kalayo tinakbo mo? Malapit lang naman yun diba? "Paano mo nasisiguro na saakin ito? Eh hindi naman kita kilala at hindi tayo magkaklase" takang tanong ko. Ako?! Magdadala ng jacket, eh kahit aircon samin naiinitan parin ako. Kasalanan to ng araw eh, pasikat ng pasikat.. char. "Ahh, sabi kasi ni ms. annie sayo saw iyan" tinuro nya yung jacket na inabot nya saakin. "aalis na po a-ako, m-ms?" I was confused for a second kung bakit patanong ata nya sinabi yong ms. pero nagets ko rin. "Irina Arian gizelle samantela, My name is Irina Arian gizelle" I said while offering my hands to him. "O-oh, your name is t-too long. How should I call you?" Tanong nya. Hindi ko kasalanan na mahaba pangalan ko kaya huwag mo akong sisihin. Hindi pala nya ako sinisisi, masyado lang ata akong assumera. "Irie, can I call you Irie?" "U-uh sure, u-um bye" potah, napapa-english na ako dito! "Bye," he smiled at me so I faked a smile. Amp talaga! Napapa-english tuloy ako sayo. Sa totoo lang nawe-weirdohan ako dito sa lalaking to.. Pagkaalis nya sa harapan ko ay tinitigan ko yung jacket at inamoy yun. "Hayyst, ang bango!! Ang swerte siguro ng mapapangasawa mo no? Na sasayo Na ang lahat lahat" mahina kong sinabi sa sarili ko. Huwag akong tularan mga dalagita dyan!! Pero..salamat, at binigay nya itong jacket saakin kanina. ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ Flashback Pag-pasok ni shie ay nakita ko yung kotse ni nathan pero hindi ko nalang yun masyadong pinansin dahil sa mga iniisip ko at pumasok na lang ng school. Habang naglalakad ako papunta mismo sa loob ng campus, ay medyo naiilang ako kaya binaba ko ng binaba ang skirt ko dahil pakiramdam ko ay masyado syang maikli. Kanina nacoconcious lang ako sa dibdib ko pero dahil sinuot ko na yung blazer ko at medyo natakpan yun na ay hindi na ako masyadong naconsious. Pero pagtapos ng ilang minuto ay yung skirt ko naman ang may problema. Bakit nga ba ako biniyayaan sa boobs pero hindi sa buhay ko. (Ay May emote-emote pang nalalaman). Masyadong naging maikli saakin yung skirt dahil medyo mas matangkad ako kay shie. Hindi ko naman sya masisisi dahil kung hindi ko kinain yung pagiging mahiyain ko edi sana nakuha ko yung mga damit ko kay nathan dahil simula kagabi hindi ko na sya makausap. Pag hakbang ko sa locker ko ay may tumapik sa likuran ko. Anak ng tilapia! Talaga! Paglingon ko ay para kong gustong lumubog o mawala sa kinatatayuan ko, pero mas laking gulat ko ng may inabot sya saaking jacket. "Here" kinuha nya ang kamay ko at inilagay ang jacket doon. "A-ano to?" tanong ko sa kanya. Malamang jacket! Common sense naman dyan. A/N: para sa may mga kaibigan dyan!!!nagbebenta ako ng common sense!! Gusto nyo bumili? "For Your skirt" sagot nya, atsaka umalis sa harap ko papunta sa classroom nya. Pagkabigay nya saakin ng jacket nya ay agad ko pinulupot yun sa bewang ko at pumasok na sa classroom ko End of Flashback ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ Hayst thank you talaga!!!! Pero sandali lang.. Paano ko to ibabalik sa kanya?.. Ano sasabihin ko? "Hi Nathan, Gusto ko lang sana ibalik ito- ay hindi, hindi, huwag yun" para akong t^ngang nagpapractice papunta sa mansion nila shie, paulit-ulit. Pagkapasok ko sa loob ng mansion nila ay hinanap ko si Nathan dun, dahil kapag pumunta kaagad ako sa kwarto nya at kumatok baka magmukha akong t^ngang katok ng katok na wala namang tao. Pero nilibot ko na ang mansion sa paghahanap kay Nathan pero wala parin sya kaya pumunta na ako sa harap ng pintuan nya at kumatok. "Nathan?" "Nathan?" "Nathaniel?" "QA-" Biglang bumukas yung pinto, pero pagkatulak ko ng pinto para bumukas pa lalo ay pagkakita ko naman sa kwarto ay wala naman tao. Naglibot pa ako sa kwarto nya at sa totoo lang sobrang laki talaga nitong kwarto nya at medyo madilim. Vampire ba sya? -_- At dahil sa paglilibot ko sa loob ng kwarto nya ay may nakita akong nakabukas na pinto pero sa sahig nakalagay. Kaya pumasok ako dun at napunta sa mas madilim pang lugar pababa ng hagdanan. Ng tuluyan na ako maka-tapak sa sahig ay nakaramdam ako ng konting takot dahil sa kadiliman sa isang mahabang pasilyo na sa dulo lamang ang pinto palabas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD