Naiilang na kumain si Jasmin sa order niyang pagkain online, paano ba namam kasi ay nakasunod si Miguel sa lahat ng kilos niya. Daig pa ng mata nito ang CCTV. "H-hindi ka ba kakain?" nag aalangan niyang tanong. Hindi man lang ito sumagot at nakatingin lang talaga sa kanya. "H-hindi ka gutom? Andami kasi nito hindi ko mauubos." pag uulit niyang sabi. "Kumain ka ng marami para may lakas ka mamaya." Napainom siya ng tubig dahil feeling niya mabibilaukan siya. "Lakas para saan?" Namumula na ang mukha ni Jasmin at panay subo niya ng pagkain dahil na te-tense siya. Umangat lang ang sulok ng labi nito para sa isang ngiti. Jusko! Isa ang ngiting yon kung bakit lagi siyang naka panty down! "Sumunod ka agad sa kwarto pagkatapos mo." sabi lang nito at tumayo na. Mabuti na rin na wala

