GABI. Hindi alam ni Jasmin kung bakit hindi siya makatulog. Ang sabi ni Miguel ay late itong makakauwi kaya dapat ay natutulog na siya. Pagtingin niya sa orasan sa bedside ay 12mindnight na. Gusto na niyang magpahinga pero hindi naman kusang pumipikit ang mga mata niya. Hindi niya alam kung bakit siya kinakabahan at hindi mapakali. Hindi naman ito ang unang beses na late umuwi si Miguel pero iba ang pakiramdam niya ngayon. Bumangon siya ng kwarto at nagpunta sa kusina. Magtitimpla nalang siya ng gatas sakaling makatulog na siya. Nagpipindot siya sa cp at natutukso nang tawagan ang number ng lalaki pero hindi niya magawa. Wala naman kasing dahilan upang tawagan niya ito. Tumayo siya at nagdesisyong bumalik sa silid nang biglang bumukas ang pinto ng living room. Sa sobrang tahimik ay r

