Saktong nakauwi sina Jasmin sa kanilang bahay ay knockdown ang apat na bulinggit. Napagod ang mga ito sa paglalaro dahil bago sila umuwi ay dumaan muna sila sa playground doon lang din sa mall na pinuntahan. Napamasahe siya sa dalawang paa ng makaupo dahil bahagyang kumirot ang paa. Kahit flat naman ang suot ay napagod parin siya kakahabol sa mga ito. Bukas ay babalik na siya sa syudad at hindi niya alam kung paano haharapin ang iniwan niya doon. Siguradong galit na galit na naman ang lalaki sa kanya. Pabagsak siyang humiga sa kama. Nasa kabilang kwarto ang mga anak kaya mag-isa siya ngayon sa kwarto. Doon namana tumunog ang cellphone na ngayon lang niya naisipang e-charge. Sunod-sunod ang pasok ng mensahe na kahit hindi nita tingnan kung sino ay alam na agad niya. Kinakabahang dinampo

